Sitti Juraisa's PoV Simula ng sinabi sa akin ni Ace ang lahat ay humanap na ako ng pagkakataon para sabihin kay William ang totoo ngunit masyadong mapagkait ang tadhana sapagkat ilang linggo na pero hindi ko pa rin siya nakikita at halos nasa kalahati na ang napapatay ko na mula sa mga litratong ibinigay sa akin ni Ace. Isang araw ay maaga akong umuwi galing sa eskwelahan. "Hayy paano ko ba siya mahahanap?"-tanong ko sa sarili ko ng makahiga ako sa kama. Sandali pa akong nag-isip hanggang sa may pumasok sa isip ko. "Bakit ko nga ba nakalimutan iyon?"-biglang sabi ko. Dali dali akong nagpalit ng suot ko at ng matapos ay mabilis din akong lumabas at nag-tungo sa bahay namin, sa bahay namin nila mommy. Pagkapasok ko ay agad akong nagtungo sa kwarto ko at kinuha ang laptop kong nakatago

