William's PoV Ang g*gong iyon, naisahan nanaman ako. Wala na talaga siyang ibang magawa kundi ang paglaruan ako. Nagugulat na lamang ako dahil sa kanyang mga pinagsasabi. ---Flashback---"Are you okay?"-agad kong tanong kay Juraisa at pilit na itinutuon ang mga mata ko sa kanyang mukha. Kasabay ng pagtango niya ay agad siyang pumikit kaya naman agad akong yumuko at tinapik ng marahan ang pisnge niya. "Hey are you okay? Naririnig mo ba ako?"-tanong ko habang tinatapik pa rin ang pisnge niya ngunit hindi siya tumutugon. Kaya naman marahan muli akong tumayo kasabay ng pagbunot ko ng hand g*n ko na nasa aking likuran. Habang nakatitig sa mukha niya ay marahan kong pinalitan ang magazine nito at sa pagkakataong ito ay buo na ang desisyon ko, papatayin ko siya kapalit ng buhay ng ate ko.

