Chapter 20

981 Words
Sitti Juraisa's PoV  "No thats to classified. Wag kang mag-alala sapagkat kaunti nalang at makikilala mo na siya at isa pa pinaplano ko na kung paano siyang makapag-hihingati sa mga pumatay sa magulang niya at kaya ka naririto ngayon ay kailangan ko ng tulong mo"-pandidiresto niya sa akin.  "Paano ako makakatulong? Ni wala nga akong alam sa mga nangyayari"-pangangatwiran ko.  "Kilala na kita at alam ko ang mga kaya mong gawin at alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin, bukod sayo ay wala ng iba. Hindi magtatagumpay ang plano ko kung wala ang tulong mo"  "Ngunit sa paanong paraan kita matutulungan?"-kahit ako ay naguguluhan sa gusto niyang mangyari.  "Tapusin na muna natin ang ating pagkain at mamaya ay ihahayag at ipapaliwanag ko sayo ang plano"-sabi niya kaya naman di na ako nagtanong at kumain nalang ulit. Ang pagkain naming iyon ay naging mabilis at ng matapos nga kami ay agad niya akong pinatungo sa sala at sinabi niyang hintayin ko nalang siya doon. At habang nakaupo ay di ko maiwasang isipin kung ano ang planong kanyang sinasabi.  "Ano handa kana ba na malaman ang plano ko"-maya maya'y may nagsalita sa likuran ko kaya naman napaharap ako sa gawing iyon ngunit wala siya doon.  "Sinong tinitignan mo riyan?"-nanggaling iyon sa harapan ko kaya naman napabaling ako doon at nangunot ang noo ko.  "Papaano kang napunta agad diyan? Samantalang dito ka sa likuran ko unang nagsalita?"-nagtatakang tanong ko.  "Ohh sorry agent skill"-natatawang aniya na animong nakakatawa ang mabilis na pagkilos niya.  "Ano ba ang magiging contribution ko diyan sa planong sinasabi mo? At bakit kailangang madamay pa ako?"-hindi ko talaga nagugustuhan ang takbo ng usapang ito.  "Dahil alam kong di ka niya matitiis kapag nalaman niya ang totoo"-mabils na sagot niya.  "Sino ba ang tinutukoy mong hindi ako matitiis?"-naguguluhan na talaga ako sa paliwanag ng isang ito.  "William and his family"-ang pamilya ng bestfriend ko?  "Ano bang papel ng pamilya nila sa sinasabi mong plano?"-may nahuhulaan na ako sa sitwasyong ito ngunit kailangan ko pa rin ng kompirmasyon.  "Ang pamilyang iyon ang pumatay sa Highest Supreme Superior, sa madaling salita ang pamilya nila ang may kinalaman sa pagpaslang sa namumuno sa aming organisasyon at sila din ang muntik ng dumukot at pumatay sayo noong bata kapa. Sa mga nalaman namin ay isa sila sa mga nakabangga ng organisasyon at nalaman din namin na isa pala kaming malaking sagabal sa kanilang illegal na negosyo kung kaya't gusto nilang mabura at maalis sa kanilang dinaraanan"-napamaang ako sa sinabi niya.  "Sila ang reponsable sa muntikan ng pagdukot sa akin noong bata pa ako?"-pag uulit ko.  "Oo sila nga. Ipinag-utos ng padre de pamilya nila na dukutin ka upang gamitin at mapatay ang mga magulang mo ngunit di sila nagtagumpay dahil kaagad naming nalaman ang plano nila kaya naman nakagawa kami ng paraan para mabawi ka kaagad sa kanila bago kapa nila gamitin"-paliwanag niya. Pero naguguluhan pa rin ang isip ko dahil sa mga nalalaman.  "Ngunit bakit nila idinamay si William?"-wala sa sariling sabi ko.  "Siguro upang hindi sila mapagkamalan na sila ang nasa likod ng pangyayaring iyon. Kailan lang din namin ito nalaman"-mahinahong sabi niya. Sandali pa akong nag-isip at nagpasya.  "Sige payag na ako. Ihayag mo na kung ano ang gagawin ko sa binabalak mong plano"-matapang na sabi ko. Napangiti naman siya bago magsalita.  "Sa planong ito ay magpapakilala ka sa kanila, sa totoong ikaw at wala ka ng ibang gagawin bukod doon at di mo sila maaaring saktan o anuman. Ako na ang bahala sa iba"  "Iyon lang? Wala na akong ibang gagawin? What if patayin ko nalang ang ama nila?"-tanong ko.    "Gaya ng sabi ko ay ako na ang bahala sa iba at wala ka ng gagawin na pa. At di mo siya maaaring patayin sapagkat mayroon ng papatay sa kanya at kung gusto mo pang may gawin na iba"-huminto siya at naghagis ng isang maliit na envelop at biglang pumitik sa ere. Bigla ay may inilapag na isang attaché chase ang kanyang tauhan sa maliit na lamesang nasa harapan namin. Tinitigan ko lang iyon kasabay ng pagkunot ng noo ko at dahan-dahang bumaling sa kanya ng may nagtatanong ng tingin.  "Tignan mo iyan"-sabi niya. Pinulot ko ang envelop at binuksan iyon at ang laman niyon ay mga litrato ng mga di ko kilalang tao.  "Sila ang mga kalaban ng organisasyon at syempre sila ang mga gustong pumatay sa bawat miyembro ng organisasyon na sa ngayon ay pinamumunuan ko"-sinenyasan niya ang isa sa mga tauhan niya na buksan ang attaché chase kaya naman bumungad sa akin ang isang napakagandang sniper na may kasamang dalawang magazine at dalawang nagkikintabang mga hand g*n na mayroon ding tig-dalawang magazine at isang makinang na kutsilyo na may kulay na ginto sa hawakan. Dumating pa ang dalawang tauhan niya at naglapag ng apat na kahon at base sa tatak ng mga ito ay mga bala iyon na talagang isinadyang ipagawa dahil iba ito sa mga nakita ko ng mga bala.  "Iyan ang mga gagamitin mo kung gusto mo pang may ibang gawin at kung gusto mo na mabawasan ang kalaban ng organisasyon at syempre ng mga magulang mo"-sabi niya at biglang tumayo "Siya nga pala dito ka muna sa akin titira pansamantala habang abala pa ang mga magulang mo at huwag ka na ring magtaka kung ang ilan sa mga iyan ay patay na at huwag mong ikabibigla ang mga mangyayari sa hinaharap sapagkat nasa plano na ang lahat"-sabi niya at nagtungo na sa taas kasama ang isang tauhan niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. What does he mean?  Kinuha ko na ang attaché case at dinala sa kwartong tinuluyan ko kanina. Inilagay ko iyon sa tabi ng sofang naroon at agad na nahiga sa kamang naroon. Ina-absorb ko pa ang kaninang mga sinabi ni Ace at pawang nagpapaulit-ulit iyon sa isipan ko hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.  Jzekiah21
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD