Sitti Juraisa's PoV
Agad nila akong hinawakan sa magkabilang braso at paa ko habang sabay sabay silang nakangisi sa akin na animoy mga hayok at sabik sa laman. Iniinda ko pa rin ang sakit ng tiyan ko at talaga namang pinang-hihina ako nito. Di ko na alam ang gagawin at naiiyak nanaman ako.
"Please maawa kayo sakin"-pagmamaka-awa ko. Sh*t ang sabi ko ay di ko na ito uulitin kaya nga ako nagsanay ng husto pero bakit nauulit nanaman ito.
"Wag kang mag-alala kami ang bahala sayo"-nakangising sabi ng isa sa kanila. Magsasalita na sana ulit ako ngunit nabitawan ng isa sa kanila ang paa ko kaya naman sinipa ko ang nasa paanan ko ng sobrang lakas at nagawa nitong patalsikin siya ngunit agad na may dumapong suntok sa tiyan at mukha ko. Inumpisahan na nilang halikan ang kamay at paa ko at nandidiri ako sa ginagawa nila. Nakita kong nag-uumpisa ng mag-tanggal ng belt ang kaninang sinipa ko habang titig na titig sa akin habang nakangisi. Ngunit agad na may sumipa sa ulo niya kaya naman napabagsak ito sa kasamahan niyang nakaupo at nakapalibot sa akin kasunod ay agad na napuno ng dugo ang katawan niya.
"No one can touch her except me"-sabi ng pamilyar na boses kaya naman sabay-sabay na napatingin dito ang lalaking nakapalibot sa akin at agad din silang nakatayo. Sabay-sabay silang nagsisugod at gegewang-gewang tumakbo palapit sa taong iyon kasabay ng pagbunot nila sa kanya-kanyang baril nila. Sunod-sunod na ingay mula sa baril ang aking naririnig kasabay ng pagbasak nila isa-isa at natamaan pa ang bintana ng kotse na nasa likuran ko kaya naman nabasag iyon. Di rin nagtagal ay iisa nalang ang nakita kong nakatayo at humakbang ito palapit sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng nakita ko ang mukha ni William at bakas dito ang pag-aalala.
"Okay kalang?"-tanong niya habang nakayuko at nakatingin sa mga mata ko. Kasabay ng pagtango ko ay bigla akong nahilo and everything went black.
---------------------
Marahan akong nagmulat ng mata at agad itong tumama sa asul na kisame. Dahan-dahan akong naupo mula sa kama.
"Hey be careful, ayos kana ba? How's your feeling?"-tanong ng lalaking agad na nakalapit sa akin.
"Sino ka?"-agad kong tanong. Pa-paanong napunta ako dito?
"I am Ace, Ace Jacinto"-nakangiting sabi niya sa akin na bahagya pang nakalabas ang mga dimples.
"Pa-paanong napunta ako dito? Tsaka sin----"-matik kong tinakpan ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Dinala ka dito ng isang mabuting kaibigan dahil nawalan ka ng malay"-nakangiti pa ring aniya. "Sinong nagbihis sa akin? Bakit ganito ang damit ko? Pinagsamantalahan mo ako nohh"-lakas loob na sabi ko habang pinakikiramdaman ko ang sarili ko kung may mararamdaman akong kakaiba ngunit makalipas ang ilang saglit ay wala akong maramdamang masakit bukod sa tiyan ko. Isang maling sagot mo lang at matitikman mo ang sipa ko.
"Bakit ko naman gagawin iyon? At isa pa ganyan na ang ayos mo ng dalhin ka niya dito"-mahinahong sagot nito sa akin. Kung ganoon ay si William ang naglagay at nagsuot ng damit ko? Agad akong namula dahil sa naisip.
"Ano ayos kana ba?"-tanong niya ulit na tinanguan ko nalang dahil sa kahihiyan. Bakit ba siya agad ang sinisi ko?
"Nagugutom kana ba?"-tanong niya na inilingan ko ngunit agad na tumunog ang tiyan ko kaya naman natawa siya ng mahina.
"I'll wait to you downstairs prepare yourself, maghanap ka nalang diyan sa closet ng damit na kakasya sayo"-sabi niya bago tinungo ang pintuan at lumabas kaya naman tumayo na ako at nilapitan ang closet na sinabi niya. Pagkabukas ko ay nakita ko ang marami at samu't-saring mga damit at mga mukhang imported. Ang ilan sa mga ito ay tinahi pa ng mga kilalang mananahi sa mundo. Namili nalang ako ng nagustuhan ko at agad na nagtungo sa banyo. Nagtagal ako doon ng bente minuto bago ako matapos. Ng makapagbihis ay agad akong bumaba at naroon na nga siya sa kusina at kasalukuyang nakaupo. Ng mapansin niya ang presensya ko ay bumaling agad siya sa akin at agad na tumayo. Inalalayan niya akong maupo bago ulit siya naupo sa kinauupuan niya kanina at agad na naghain ng makakain ang mga maid sa isang simpleng kumpas niya lamang.
"You look more beautiful, bagay sayo ang napili mong damit"-puri niya sa akin.
"Salamat"-tugon ko. Nagsimula na kaming kumain ng tahimik at di ako sanay sa ganoon kaya naman binasag ko ang katahimikang namamagitan sa amin.
"Kaninong mga damit ito? Bakit maraming damit na pambabae sa kwartong iyon?"-tanong ko at sumulyap ako sa gawi niya.
"Pagma-may ari yan ng asawa ko"-nakangiting usal niya.
"Nasaan siya? Bakit hindi natin siya kasabay na kumakain?"-tanong ko at uminom ng juice na nasa harapan ko.
"Nasa paligid lang natin siya"-sagot niya kaya naman nangunot ang noo ko. Tinatakot ba ako ng isang to.
"What do you mean?"-naguguluhang tanong ko sa kanya. Tipid siyang tumawa dahil sa napagtanto niya.
"I mean she passed away ngunit ganunpaman ay alam kong nasa paligid ko lang siya dahil alam kong minamanmanan niya ako at binabantayan"
"Sorry for asking"-mahinang sabi ko sa kanya.
"Its okay, continue your food masasarap ang mga iyan"
"Can I ask more? if its okay to you"
"Sige ano iyon?"-matapos niyang sabihin iyon ay itinutok niya sa akin ang atensyon niya. "Anong ikinamatay ng asawa mo?"-biglang nagbago ang emosyon niya at napabuntong hininga pa ng malalim bago ako nagawang sagutin.
"Namatay siya dahil sa kapabayaan ko. Masyado kong inuna ang trabaho ko kesa sa kanya hanggang sa di ko namamalayan ang kalagayan at sitwasyon niya at hanggang sa isang araw nabalitaan ko nalang na pinatay siya"-sagot niya habang inaalala ang mga tagpo at pangyayaring iyon.
"Naghuli naba ang pumatay sa kanya?"-pag-uusisa ko pa.
"Oo naman at ngayon ay nagdudusa na siya. Wag na nating balikan ang nakaraan masyado lang nitong pinapa-pangit ang ambiance natin"-natatawang sabi niya.
"Ayy nga pala ipinadala ang mga magulang mo sa ibang bansa para sa isang misyon at di na nila nagawang mag-paalam sayo dahil sa biglaan iyon at sa akin ka nila inihabilin"-sabi niya sa akin.
"Bakit kilala mo ang mga magulang ko?"-takang tanong ko.
"I am one of their friends at nagkakilala kami sa organisasyon na kinabibilangan namin"-paliwanag niya.
"So it means you're an agent too?"-paninigurado ko.
"I am the superior, 2nd to the highest position in that organization. Ako ang kasalukuyang namamahala sa organization na iyon sapagkat pinatay ang nasa unahang posisyon at ginamit ang kanyang kahinaan laban sa kanya at sa ngayon ay inihahanda palang ang uupo at mamamahala sa organisasyon na iyon at iyon ay ang tagapag-mana"-paliwanag niya.
"Pwede ko bang malaman kung sino iyon?"
Jzekiah21