Chapter 18

1133 Words
William's PoV  Nakamanman na ako lagi kay Juraisa at anumang oras ay handa na akong patayin siya para sa kaligtasan ng ate ko sa mga kamay ng Ace na iyon. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng huli kaming magkaharap at tanging pagmanman lang ang ginagawa ko sa kaniya. At sa pagkakataong ito kahit na alam kong di ko siya magawang saktan o patayin ay pipilitin ko na ang sarili ko upang maligtas lang ang ate ko at buo na ang desisyon ko doon.  Kasalukuyan kaming nasa loob ng classroom ngayon at nakaupo ako sa bandang likuran upang hindi mapansin samantalang siya ay naroon pa rin sa kinauupuan niya noong mga panahong pumapasok pa ako. Halatang tutok siya sa itinuturo ng lecturer sa harapan ngunit kapansin-pansin ang talas ng kanyang pakiramdam sapagkat konti ingay lang sa labas ay agad siyang titingin doon at magmamatyag ng palihim sa paligid.  "Kung ganoon ay nahahalata niya rin pala ang presensya ko?"-bulong ko sa sarili ko. Nababagot na ako sa kaka-antay ng oras ng labasan. Tuloy-tuloy lang sa pagtuturo ang lecturer at natatawa nalang ako dahil di niya man lang napapansin na sobra ang isyudyante niya na nasa loob.  "Did you know what is the most dangerous part of our body na kapag naapektuhan ng kahit katiting ay mababago niya ang kilos na gusto mong gawin?"-maya maya ay tanong ng teacher.  "Brain miss"-sagot ng isang istudyante.  "Heart miss"-sagot naman ni Juraisa na pinangunutan ng noo ko sapagkat alam kong brain ang tamang sagot sa itinanong ng lecturer. Nangunot din ang noo ng lecturer at isinenyas niyang tumayo si Juraisa.  "How can you say so? Utak ang nagbibigay ng utos sa katawan natin Ms. Diohane kaya paano mo nasabing puso ang tamang sagot?"-tanong ng lecturer.  "Hindi ko po sinasabing puso ang tamang sagot miss pero kapag ang nararamdaman natin ang naapektuhan ay sa puso agad iyon napupunta bago magtungo sa utak, so sa madaling salita dalawang bahagi ng ating katawan ang kapag naapektuhan ay mababago ang kilos na gustuhin natin"-sagot niya at naupo agad kahit na walang pahintulot.  "Sabagay may point ka naman so I'll considered it as a correct answer"-sagot ng teacher at nagbalik nanaman sa pagtuturo. Lumipas ang ilang minuto at nag-utos ito na maglabas ng papel dahil may ibibigay siyang quiz. Ng matapos iyon ay kinolekta niya ang papel at tsaka siya nag-dismissed pero hindi ako nagpasa dahil makakhalata siya.  Nagtungo ng canteen si Juraisa at palihim akong nakasunod sa kanya. Masyadong agresibo ang kanyang pakiramdam kaya naman nakihalo ako sa bungkos ng tao na papunta sa canteen. Halatang nakikiramdam siya sa paligid niya dahil sa pasimple ang kanyang pag-linga sa magkabila niya na parang anumang oras ay may aatake sa kaniya kaya naman palihim akong natawa sa kaniyang ini-aasta.  Umorder ako at agad na naupo sa bakanteng silya na malayo sa kanya at kada matatamaan niya ako ng kanyang paningin ay pasimple akong umiiwas at hindi niya iyon nahahalata. Inilabas ko ang cellphone ko at agad na nangunot ang noo ko dahil sa text na binabasa ko at wala sa sariling nailinga ko ang paningin ko at nakita ko ang ilang grupo na nakatingin sa akin at sa gawi ng target ko.  "Nalintikan na"-bulong ko at itinext si Juraisa . ---Message--- Be careful, may mga taong gustong pumatay sayo. --Message sent--  Tumingin ako sa gawi niya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya kasabay ng palinga niya sa paligid. I composed a message again. ---Message--- What was that Ace?  --Message Sent--  ---Message--- Medyo nababagot na kasi ako sa kahihintay kaya naman hinaluan ko ng konting twist. Paunahan nalang kayo sa pagpatay sa kanya at kung sino man ang makapatay sa kanya ay siyang makakatanggap ng premyo kaya goodluck  --Message Received--  Lihim akong nanlumo paano kung maunahan nila ako? Paano na ang ate ko? Nalintikan na.  --------------------  Tapos na ang klase at naglalakad na ngayon si Juraisa kasama ang ibang mga istudyante palabas at ako naman ay nakasunod lang sa kanya at nagmamasid sa kabila ng dami ng taong narito. Ng makarating siya sa parking lot ay humiwalay na ako sa kanya at dali-daling nagtungo sa tagong lugar gaya ng napag-planuhan ko at mula rito ay kitang-kita ko na siya. Agad kong nilagyan ng silencer at ikinasa ang sniper rifle ko at umasinta habang naghahanap ng magandang tiyempo para kalabitin ang gatilyo. Hindi nila ako maaaring unahan sapagkat buhay ng ate ko ang nakataya rito tsaka na ako gagawa ng plano para patayin si Ace matapos kong mabawi ang ate ko sa kanya. Ng medyo malapit na si Juraisa sa kanyang sasakyan ay kakalabitin ko na sana ang gatilyo ngunit agad na nanginig ang daliri ko.  "F*ck makisama ka naman"-pagkausap ko sa daliri ko na di pa rin tumitigil sa panginginig. Agad kong sinipat ulit ang crosser ng hawak kong baril at dalawang kamay na hinawakan ang gatilyo upang makalabit lamang ito ngunit hindi ako tumama bagkos ay tumama ito sa semento ng hindi niya namamalayan. Napahilamos ako sa mukha at sinipat ulit ang crosser at sa pagkakataong ito ay maayos na ang hawak ko rito ngunit nanginginig pa rin ang daliri ko kaya di ko magawang makalabit ng maayos ang gatilyo. Sa pagkakataong ito ay napatayo na ako dahil masyado na akong naa-asar sa daliri kong ayaw makisama.  "What the f*ck was wrong with you?! Makisama ka naman!"-gigil kong sabi sa isang kamay ko na akala mo ay may sariling buhay at halos mabali ko na ito sa pagka-asar.  "Sino kayo?!"-automatic akong napatingin sa gawi ni Juraisa dahil sa malakas na pagkakatanong niya. Agad akong bumalik sa pwesto ko at sinilip sila at agad akong napapikit dahil sa nakita ko. Kita na ang b*a nito at natatakpan na lamang ito ng kapirasong tela at ng dalawang braso niya.  "Huwag kang lalapit! Babaliin ko yang braso mo"-banta niya sa tatlong lalaking akmang lalapit sa kanya. Nagkatinginan sila at sabay-sabay na tumawa na animong may nakakatawa sa sinabi ng kaharap nila. Ng mahinto sila ay agad silang nagsilapit dito ngunit bago pa sila makahawak dito ay agad na sumipa si Juraisa at natamaan ang isa sa kanila. Agad ding gumanti ang isa sa kanila pero bago pa tamaan sa tangiliran si Juraisa ay agad niya itong sinangga gamit ang kamay.  "Wow ang sexy mo naman miss"-sabi ng isa sa kanila kaya naman agad niya itong tinakpan. Mariin akong napapikit at pilit kinakalma ang sarili. Sabay sabay silang nagsipag-suguran at kung di ako nagkakamali ay nasa bente sila. Agad na sumipa si Juraisa sa kanila at di na niya ginamit ang braso niya ngunit sa dami nila ay napa-atras ito hanggang sa lumapat sa kotse ang likuran niya at agad siyang pinalibutan ng kalalakihan at nagmadali nanamang magsipagsuguran. Pilit na lumaban si Juraisa ngunit tinamaan siya ng suntok sa tiyan niya na agad niyang ikinatumba.  Jzekiah21
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD