Chapter 17

1023 Words
Sitti Juraisa's PoV  Simula ng araw kung kelan ay may nagtangka sa buhay ko ay lalo pa akong nagsanay upang di na maulit ang pangyayaring iyon na kinailangan ko pang nagmakaawa sa nakalaban ko para lamang di niya tapusin ang buhay ko. Alam kong kayang-kaya niya akong tapusin dahil sa paraan palang ng paggalaw at pagpatay niya sa ibang nagtangka sa akin ay alam kong lamang na lamang siya sa kakayahan at naaasar ako sa isiping iyon na halos wala akong magawa sa kaniya.  "Haaaaaa"-sigaw ko at sinipa ang puching bag sa harapan ko. Ng magbalik iyon sa harapan ko ay sinalubong ko iyon ng suntok at pinaulit-ulit iyon hanggang sa tuluyang mapagod ang mga braso't paa ko. Ng makuntento ako ay naupo ako sa upuang naroon at padarag na hinablot ang tubigan ko at uminom. Ng matapos ay pinakalma ko ang paghahabol ko ng hininga at tumungo.  "Bat parang napapadalas yata ang pagsasanay mo? Baka mamaya ay mahigitan mo kami ng mommy mo at isang araw ay mabalitaan nalang namin na isa kana rin sa miyembro ng organisasyon na kinabibilangan namin?"-natatawang tanong ni daddy habang papalapit sakin. Ni hindi ko narinig o naramdaman na nagbukas ang pintuan. Tss malamang agent skill.  "Wala sa plano ko ang sumunod sa yapak niyo ni mommy dad"-walang emosyong sabi ko habang naka-angat ng tingin sa kanya at ibinalik iyon sa pagkakayuko.  "May problema kaba anak kaya ka narito?"-tanong ni dad at naupo sa tabi ko. Ang totoo niyan ay hindi ko pinaalam sa kanila ang nangyari sa akin ng minsang may makaharap ako na gustong pumatay sa akin. Bukod sa ayokong mag-alala sila ay ayokong mapahamak sila, kahit sabihin ko ng sanay na sila sa labanan ay hindi ko pa rin masasabi kung makakaya nila siyang talunin.  "Wala akong problema dad. Sadyang gusto ko lang magpapawis"  "Kung ganoon"-tugon niya at napa-angat ako ng tingin sa kanya. Naglalakad na siya tungo sa lalagyan ng gloves at protective gear yumuko siya doon at naglabas ng gamit.  "Mag-sparring tayo para naman mas lalo kang pagpawisan at hindi yung puro punching bag ang pinag-iinitan mo, na halatang kawawa na sa pagsalo ng mga pag-atake mo"-natatawang dugtong niya habang pabalik sa akin kaya naman napatingin ako sa tinutukoy niya at nagulat nalang ako dahil halata nga na kakatapos lang gamitin iyon dahil nakabakat pa ang mga tama ko doon sa kadahilanang iisa lang naman talaga ang lagi kong pinupuntirya. Ibinato ni dad ang pares ng gloves sa akin.  "Wear it. Titignan ko kung gaano kana kalakas"-sabi niya habang inaayos ang nakasuot sa kamay niya. Isinuot at inayos ko rin ang sakin at ng matapos ay nagmadaling sumugod sa kanya.  "What the--- HAHAHAHA"-gulat na sabi niya at agad na napaiwas ngunit natawa rin sa huli.  "Be serious dad dahil di ko kayo pagbibigyan"-nakangising sabi ko at agad nanamang sumugod sa kanya. Isinuntok ko ang kaliwang kamay ko at agad niya iyong tinapik. Pinasundan ko iyon ng tadyak sa tagiliran at hinarang niya iyon ng kamay kaya naman napangiti ako at pahigang umikot sa ere at sinalubong ng sipa ang mukha niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko kaya naman dali-dali siyang yumuko patalikod at dahil sa ginawa niya ay na-out of balance siya at natumba.  "What the hell was that?"-nagugulat na tanong ni dad habang nakahiga pa rin.  "Isa sa mga natutunan ko. Astig isn't?"-ngi-ngisi ngising sagot ko. Humakbang ako palapit sa kanya at agad na ini-angat ang kabila pa upang makakuha ng pwersa at mabilis na ibinagsak iyon sa pwesto ni dad ngunit mabilis siyang gumulong pakanan at nagawa pa akong patidin bago siya pa-talon na bumangon at ngayon ay nagkapalit na kami ng pwesto. Gumulong ako patalikod at bumangon ngunit nagulat ako dahil sa papasalubong na suntok at hindi ko iyon inaasahan kaya naman hindi ko iyon napaghandaan kaya naman agad akong tinamaan.  "Okay kalang ba anak?"-dinig kong tanong ni papa. Itinaas ko ang kamay ko sa banda niya upang ipaalam na ayos lang ako. Pumwesto ulit ako at tinitigan siya sa mata. Sumugod ako at pa-talon siyang sinipa. Agad na nahawakan ni dad ang paa ko kaya naman napangisi ako dahil alam kong ganun ang gagawin niya. Agad kong inabot ang batok niya at ikinawit ang kamay ko at doon ko inilagay ang buong bigat ko. Kasabay ng pagpulupot ng isa ko pang paa sa kamay niyang nakahawak sa kabila ko pang paa ay siyang pagbagsak namin sa sahig.  "One wrong move and your arm will be broken"-agad kong sabi habang nakahanda na ang magkabila kong paa sa pagbali ng kamay niya.  "Okay okay, I surrender"-natatawa habang nakangiting sabi ni dad kaya naman binitawan ko siya at agad na tumayo.  "Tss ni hindi man lang ako pinawisan"-nagyayabang na sabi ko.  "You're improving huh. Saan mo natutunan iyon"-sabi ni dad at pa-talon nanamang bumangon.  "Imagination"-natatawang sabi ko na siyang ikinakunot ng noo niya. Nag-sparring pa kami ng isang beses bago lumabas ng practice room.  "Ohh saan kayo galing?"-tanong ni mom ng makita niya kaming patungo sa kanya at kasalukuyan siyang nagluluto. Agad akong naupo sa upuan at si dad naman ay agad na yumakap sa likuran ni mom at agad na humalik sa pisnge niya.  "Dad wag mong guluhin si mom at nagluluto siya"  "Sus HAHAHAHA wag mo nalang siyang pansinin honey"-sabi ni dad kay mommy  "Tigil-tigilan mo nga ako at nagluluto ako"-biglang singhal ni mommy kaya naman natawa ako.  "Parang naglalambing lang ehh"-depensa ni daddy at humalik nanaman sa pisnge ng mommy ko.  "Titigil ka o ihahampas ko itong sandok sayo"-pagbabanta ni mommy kaya naman biglang umalis si daddy sa pagkakayakap mula kay mommy at naupo sa harapan ko. Natatawa akong nakatingin sa kanya.  "Ano dad takot ka pala kay mommy ehh"-pang aalaska ko sa kanya.  "Hindi ako takot sa kanya dahil siya ang takot sa akin diba honey"-nagmamalaki ang tono ni daddy.  "Ulitin mo nga iyong sinabi mo"-sabi ni mommy habang nakapamaywang na nakaharap sa amin.  "HEHEHEHE ang sabi ko gutom na kami"-si dad habang nagkakamot ng ulo. Nagtuloy ang ganoong eksena hanggang sa kumakain na kami at puro tawanan at kasiyahan ang pumuno sa hapag-kainan namin kaya naman nakalimutan ko kahit panandalian ang nangyari sa akin. Jzekiah21
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD