Sitti Juraisa's PoV
Nagising ako dahil sa huni ng ibon na naririnig ko mula sa bintana. Matagal muna akong tumitig sa kisame at inalala ang nangyari kagabi.
~Flashback~
Ilang minuto na akong nagpapa-ikot ikot sa kwarto ko ng tumawag si dad sa akin.
"Hello dad ano ayos ba siya? Kasama niyo na ba? Ano ang lagay niya?"-sunod sunod kong tanong sa kanya.
"We're on the way back there, okay kalang ba?"-dad
"Yes I'm okay dad, ano ng balita dad?"-atat na talaga akong malaman ang nangyari sa pagitan nila.
"Diyan nalang kami magkwe-kwento anak"-sabi ni dad sabay patay ng linya. Kaya naman imbis na mag-stay sa kwarto ay nagtungo ako sa sala at doon sila hinintay. Ilang minuto pa ang lumipas bago magbukas ang pintuan at pumasok ang mga magulang ko.
"Nasaan siya dad?"-bungad na tanong ko at tinignan pa ang likuran nila
"Di namin siya kasama anak, something happen between us"-sagot ni dad
"What is it?"
"He shoot our car"-si mom na ang sumagot "Maybe he's thinking that we are one of his enemy that following him kaya ayun binaril niya kami and to be exact, yung gulong ang pinuntirya niya"-dugtong niya
"At tinamaan naman kayo?"-nagtatakang tanong ko
"He's a sharp shooter anak"-sagot ni dad
"Hayss, ayos na rin yun dad atlis ngayon alam natin na ayos ang lagay niya"-sagot ko
"Magpapahinga na po ako tsaka salamat po sa pagpapahiram niyo doon sa baril"-nakangiting sabi ko bago sila talikuran at magtungo sa kwarto. Ng makahiga ako ay sandali pa akong nag-isip ng kung ano-ano hanggang sa makatulog.
~End Of Flashback~
Ng magbalik ako sa reyalidad ay kumilos na ako upang maligo at ng matapos ay agad ding nagbihis at nagtungo sa baba. Naabutan ko sina mom and dad na nag-aalmusal sa baba kaya naman sumabay na ako sa kanila.
"Goodmorning po"-sabi ko ng makaupo ako.
"Goodmorning din"-sagot nila. Naglagay ako ng pagkain sa plato ko at nagsimula na ring kumain. Nag-usap kami tungkol sa pag-aaral ko hanggang sa kung papaano ko daw nalaman ang lihim nila na ipinaliwanag ko naman sa kanila in a detailed way. Ng matapos na akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na aalis na ako at magtutungo na sa eskwelahan. Ng makarating ako ay ilang minuto pa akong naghintay bago pumasok ang teacher at agad na nagsimula ang klase.
~Discuss~
~Discuss~
~Break~
~Discuss~
~Discuss~
~Lunch~
"Ahhh, nakakagutom naman"-sabi ko sa sarili ko habang nilalagay ang mga gamit ko sa bag ko at ng matapos ay lumabas na rin at nagtungo na sa canteen. Agad akong umorder ng makakain ko at ng makuha ko na ito at mabayaran ay nagtungo na ako sa bakanteng lamesa at agad na sinimulan ang pagkain.
"Hi miss beautiful, pwede makisabay sa iyo?"-tanong ng isang lalake habang nakangisi at sa paraan niya palang ng paninitig ay para na niya akong hinuhubaran sa paningin niya. Gaano ba karami ang taong ganito sa eskwelahan na ito.
"Hindi pwede, ayoko ng may kasabay kumain mas sanay ako na mag-isa"-sagot ko at agad na sumubo. Di ko na siya tinapunan ng tingin ng sabihin ko ang mga katagang iyon.
"Ahww, yan ang gusto ko sa babae yung pakipot"-rinig kong sabi niya pa. Di na ako nag-abalang sagutin siya at minadali ko na ang pagkain ko at ng kuhanin ko na ang juice ko na nasa banda niya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak na sa juice kaya naman dali-dali kong kinuha ang kamay ko. Ng dahil sa ginawa ko ay natapunan siya ng juice sa katawan niya galing sa natumbang inumin ko.
"Miss natapunan ang damit ko at tingin ko ay kinakailangan lang na bayaran mo ang mamahaling uniform ko na ito"-sabi niya sa nakakadiring paraan at pinasadahan pa ako ng tingin na akala mo ay nakikita niya ang buong katawan ko gayong nakaharang ang lamesa mula sa tiyan ko hanggang sa paa ko.
"Kasalanan mo yan kaya bayaran mo mag-isa yan at isa pa tigilan mo nga ako dahil di kita type at mas lalong di kita kilala, baka gusto mong isumbong kita sa dean ng mapatalsik ka rito"-pananakot ko sa kanya.
"Ohh I'm scared"-natatawang aniya, " Tingin mo ba ay kaya akong paalisin ng dean dito? Isa ang pamilya ko sa nagmamay-ari nito kaya lahat ng gusto ko ay magagawa ko at lahat ng magustuhan ko ay nakukuha ko"-dagdag niya pa.
"Well kung ako ang gusto mo at nagugustuhan mo ay di mo ako makukuha, manigas ka"-sabi ko at tumayo na. Aalis na sana ako at bibili ng maiinom ko pero nagsalita pa siya.
"Baka kainin mo ang salita mo kapag nakuha kita"-sabi niya sa isang nagmamalaking tono.
"Asa"-mahinang bulong ko at nagtungo na sa line. Ng ako na ang nasa unahan ng pila ay umorder ako ng juice na ganun sa natapon kanina at habang hinihintay ko itong dumating ay may naramdaman akong humawak sa pwetan ko kaya naman agad akong napaharap sa likuran ko.
"Ano ba bastos kaba?"-sigaw na tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya at lumingon sa paligid.
"Ahww wag ka ng magalit babe at tsaka isa pa ang lambot pala ng likuran mo. Ang sarap hawakan, what if marry me instead? Pangako magiging masaya ako sayo"-sabi niya habang nakangisi sa harapan ko.
"Hoy De Castro tumigil ka nga diyan sa ginagawa mong pambabastos"-sigaw ng isang teacher na naroon.
"Tumahimik ka diyan kung ayaw mong mapatalsik dito sa paaralan na to"-sigaw niya rin. Nanahimik naman ang teacher na iyon kaya naman hinarap na niya ako habang nakangiti siya ng nakakaloko.
"Pumayag kana kasi at wag ka ng magpakipot pa"-sabi niya sakin at akma akong hahalikan kaya naman sinapak ko siya agad ng hard. Napatumba siya sa ginawa ko at dumugo ang ilong niya.
"Yan ang bagay sayong manyakis ka. Kasal kasal, pakasalan mo sarili mo ulol"-sabi ko sa mismong harapan niya at tinalikuran na siya. Pagkakuha ko ng inumin na binili ko ay nagtungo na ako sa classroom ko at doon ko na rin ininom ang juice na binili ko.
"Nakaka-bwesit"-usal ko ng maubos ko iyon. Pilit kong inalis sa isip ko ang kalapastanganan na ginawa ng lalaking iyon sakin at pinakalma ang sarili ko.
"Sa susunod talaga na gagawin niya iyon sa akin ay hindi nalang iyon ang aabutin niya"-dagdag ko pang bulong. Pumasok na ang teacher namin para sa hapon at nag-umpisa agad na magturo kung kaya't pinilit kong ituon ang atensyon ko sa kanya. At nagtagumpay naman iyon sa kabila ng inis ko sa lalaking iyon.
Jzekiah21