William's PoV
Mula ng makarating kami dito sa tinutuluyan naming hotel ay kinuwento ko na ang nangyari kaninang umaga pagkapasok ko hanggang sa nangyaring pagpapasabog sa bahay at makatakas ako sa mga taong gustong pumatay sakin.
Kaya naman ngayon ay kasalukuyan akong pinagagalitan ni ate ng mapatumba ako sa harapan niya kaya naman agad ko siyang hinila patago dahil alam kong may nagbabanta nanaman sa buhay ko o sasabihin ko ng namin. Sunod-sunod ang balang tumatama sa pader ng kwarto at nakikita ko pa ang mga laser na gamit nila
"Sino ba yang gusto tayong patayin?"-natatarantang sabi ni ate na di ko na nagawang sagutin. Kinuha ko ang bag na nasa tabi ko at hinugot ang baril na nakatago mula roon at pinaputukan ang doorknob ng kwarto. Ng bumukas ito ay isinukbit ko na ang bag ko at hinila palabas si ate.
"Sino ba iyon?"-tanong nanaman ni ate
"I dont know, maybe one of those people who killed mom at gusto tayong isunod"-sagot ko habang nakatutok ang baril sa harapan namin at handa iyong iputok kung sakaling may humarang na kalaban. Imbis na gamitin ang elevator ay sa hagdan kami dumaan upang bumaba at pagkababa namin ay nagtungo agad kami sa parking lot at nagmadaling sumakay at umalis roon.
"Ano ng gagawin natin?"-tanong ni ate habang nasa daan kami.
"I dont know, may alam ka bang pwede nating puntahan o tuluyan ngayong gabi ate?"-tanong ko sa kanya habang nagpapapalit-palit ng tingin sa daanan at salamin.
"Meron akong alam ang kaso baka madamay siya"-mahinang sagot ni ate
"F*ck"-mahinang mura ko at binilisan ang takbo ng sasakyan habang umo-overtake sa mga kotseng nasa harapan.
"Ano ba dahan-dahan lang baka madigrasya tayo"-paalala sakin ni ate
"May nakasunod sa likuran natin ate"-sabi ko sa kanya at inilabas ang baril ko
"Drive this ate at babarilin ko ang gulong nila"-sabi ko at akma ng tatayo
"No, gusto mo bang madisgrasya tayo?"-sigaw niya at pinigilan ako.
"Mas lalo lang tayong mapapahamak kapag naabutan nila tayo"-sigaw ko rin sa kanya at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo dahil nalalapitan na nila kami. The heck with this people.
"Sige na ate drive this car. May tiwala ako sayo, alam kong kaya mo yan"-sabi ko pa at nilingon siya saglit.
"Okay fine, magpalit tayo ng pwesto"-sabi niya na agad ko ring ginawa at ng siya na ang may hawak ng manibela ay lumipat ako sa backseat at ibinukas ang bintana roon. Agad kong inilabas ang kalahati ng katawan ko at inasinta ang magkabilang gulong. Nagpa-gewang gewang sila ng takbo kaya naman nahirapan akong patamaan ang gulong nila ngunit sa huli ay tinamaan ko rin iyon kaya naman napahinto sila agad upang di madisgrasya at dahilan upang di nila kami mahabol.
"Tara na doon sa kakilala mo ate at doon na tayo magpalipas ng gabi. We already have no choice"-sabi ko habang nakatanaw sa likuran at sinisigurado na hindi na nila kami sinusundan.
"Pero paano ang seguridad nila? Ayokong madamay sila ng dahil sa atin William"
"Hindi naman sila mapapahamak kung ngayong gabi lang tayo makikituloy"
"How can you be so sure huh?"-sa pagkakataong ito ay di ako nakasagot. Paano ko nga ba masisigurado ang bagay na iyon? Di na ako umimik at ng mapagod si ate kakamaneho ay pinalitan ko siya doon. Patuloy lang ako sa pagda-drive hanggang sa pumula na ang gasoline meter senyales na paubos na ang gasolina nito kaya naman nagtungo ako sa gasolinahan.
"Full tank"-agad kong tugon sa boy na naroon at agad din siyang tumalima. Sinilayan ko muna si ate na payapang natutulog sa passenger seat bago ako magtungo sa mini-mart netong gasolinahan. Kumuha ako ng mga makakain at inumin na nakita ko mula roon at agad na dinala sa counter at binayaran. Pagkalabas ko ay inilagay ko na sa compartment ng sasakyan ko ang mga binili ko at binayaran ang gasoline boy.
"Pwede bang magpalipas ng gabi rito?"-tanong ko sa gasoline boy
"Opo sir. Doon po kayo pumwesto sa tabi"-turo niya. Tinanguan ko naman siya at ipinark sa itinuro niya ang sasakyan ko at doon na nagpalipas ng gabi.
~Kinabukasan~
Nagising ako dahil naramdaman kong sumara ang isa sa mga pintuan ng sasakyan kaya naman napatingin ako roon at bumaba rin.
"Where are you going?"-tanong ko kay ate na naglalakad
"Bibili ako ng makakain why?"
"Bumili na ako nasa compartment ng sasakyan"-sabi ko habang nagkukusot ng mata
"Okay then lets eat"-sabi niya at nagtungo sa likuran at kumuha ng makakain roon.
"Follow me, doon nalang tayo kumain"-nguso niya sa mini-mart na pinagbilihan ko niyon kaya naman tinanguan ko nalang siya bago sumunod.
----------------------
"So whats next?"-tanong ni ate habang sumusubo ng pagkain. Pinayagan kami ng nasa counter na dito ito kainin dahil dito rin naman daw ito binili.
"I dont know panigurado hina-hunting pa rin nila tayo"-sagot ko habang inaalala ko yung nangyari kahapon.
"Nga pala nagtataka ako kung paano ka natutong bumaril. Saan mo iyon natutunan?"-tanong ni ate habang nakakunot ang noo habang ngumunguyang nakatingin sakin
"Ahh wala ahh napapanood ko lang sa mga palabas kaya naman ginaya ko hehehe"-pagsisinungaling ko
"Ehh bakit asintado kang bumaril?"-dagdag niya pa
"Chamba lang iyon ate"-pagsisinungaling ko pa ulit
"Saan ka nakakuha ng baril kung ganoon?"
"Diba nga gaya ng ikwenento ko sayo may sumugod saking may mga armas at nakuha ko iyon mula sa kanila"-andami ko ng kasinungalingan at di ko na iyon matagalan kaya naman inalis ko na mula roon ang usapan namin.
"Pero ang nakakapagtaka lang bakit hindi tayo binaril nung humahabol sa atin kagabi? At bakit iisang sasakyan lang ang gamit nila?"-pagpapalit ko sa usapan namin at sumubo ng pagkain
"Alam mo napansin ko rin yan, pero ipagpasalamat nalang natin na hinabol lang nila tayo at hindi pinagbabaril"-sabi ni ate kaya naman napatango nalang ako at di na siya sinagot. Atlis nga ganun lang ang ginawa nila. Tinapos nalang namin ang kinakain namin habang pinag-uusapan pa rin ang nangyari kahapon pagkatapos ay pumasok na kami sa kotse at umalis sa lugar na iyon.
Jzekiah21