Sitti Juraisa's PoV
Nabalitaan ko ang gulong nangyari sa labas at alam kong sangkot si William roon kaya naman kahit may klase ay nagtungo ako sa Office ni dean ngunit di ko na siya naabutan roon. Sa halip ay nakausap ko si dean at sinabing na-expelled na siya dito sa eskwelahan dahil sa ginawa niya.
Ng maghapon na ay umuwi na ako sa bahay at naabutan ko si dad na paikot-ikot sa sala at hindi mapakali.
"Dad anong ginagawa niyo? May problema ba?"-tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Nagmadali rin siyang lumapit sakin at niyakap ako.
"Okay kalang ba? May nangyari ba sayo?"-tanong niya at halata sa boses niya ang pag-aalala
"Of course dad wala namang nangyari ehh"-sagot ko nalang dahil ayaw kong ipaalam sa kanila ang tungkol sa nangyari kay William.
"I have a bad news to you"-sabi niya kaya naman napakunot ang noo ko
"I already found your friend, naaalala mo pa ba si William?"
"Of course dad, hindi ba dapat ay goodnews ito? Tsaka paano niyo siya nahanap? Wala akong matandaan na nag-hire tayo ng kung sino para hanapin siya"-sagot ko dahil wala akong balak ipaalam na nahanap ko na si William dahil di nila alam iyon.
"Look wag kang mabibigla sa malalaman mo okay?"-sabi niya at tinanguan ko nalang dahil alam ko na ang totoo pero nagpanggap lamang ako na walang alam dahil alam ko naman na darating ang panahon na sila na mismo ang aamin sa kung ano talaga sila.
"Me and your mother, we are an agent"-sabi niya na tinanguan ko nalang "Di ka man lang ba magugulat?"-dagdag niya pa kaya naman natawa ako
"HAHAHA alam ko na iyan dad, dati pa, ano pang aasahan niyo sa anak ng mga agent?"-nakangising sagot ko. Napanganga siya saglit pero sumeryoso ulit siya.
"Si William ay target na ngayon ng mga gustong pumatay sa iyo noong bata kapa"-biglang sabi niya kaya naman nawala ang nakakalokong ngisi ko at binigyan siya ng nagtatakang tingin
"Are you sure?"
"Yes nalaman namin na pinasok ang bahay na tinutuluyan niya at pinasabog iyon kaninang umaga, di namin iyon naagapan dahil huli na ng malaman namin iyon at sa ngayon ay nawawala nanaman siya at di namin malocate ang kinaroroonan niya"-mahabang paliwanag niya. Matagal pa kaming nag-usap bago ako magtungo sa kwarto ko. Nang makapasok ako doon ay nagpalit muna ako ng damit ko at tsaka nagpahinga sa kama ko habang nakahiga.
Ngunit may bigla akong naisip kaya naman kinuha ko ang laptop ko at binuksan iyon, meron akong itinype doon at kusang lumabas ang pula marka senyales kung nasaan nga ba si William at ayon doon ay nasa isang hotel siya malapit sa tinitirahan namin kaya naman alam kong safe siya ngunit sa kadahilanang gusto ko siyang makita ay bumaba ako at naabutan ko sila mommy at daddy na nasa kusina at kumakain. Naramdaman nila ang presensya ko kaya naman napaharap sila sa akin.
"Ohh nagugutom kaba? Tara kumain kana dito di na kita tinawag dahil sabi nitong daddy mo ay kumain na kayo kanina habang nag-uusap"-sabi ni mommy, akmang tatayo ngunit pinigilan ko.
"No I'm not hungry, busog pa po ako. Nandito po ako para sana hiramin yung isa sa sniper niyo"-sagot ko
"Aanhin mo naman iyon anak?"-baling ni daddy
"Ahh may sisilipin lang po dad"-sagot ko
"Alin ba sa mga iyon anak?"-sabi naman ni mommy kaya naman napangiti ako
"Yung Barret M8A12 po sana"-sagot ko
"Tutulungan nalang kitang bitbitin iyon dahil mabigat iyon"-presinta ni daddy na tinanguan ko
Gaya nga ng sabi niya ay siya ang nagbuhat nun at ipina-pwesto ko iyon sa bintana sa kung saan nakatapat iyon sa hotel na tinutuluyan niya. Nang maiayos na iyon ay agad ding umalis si dad para samahan na kumain sa mommy sa kusina. Sumilip na ako roon sa telescope na naka-kabit sa baril na hawak ko, di na bago sakin ang ganito dahil noon pa man ay tinuruan na ako ni dad na humawak ng mga baril.
Nakita ko mula sa aking pwesto ang kinalalagyan ni William. Nakaupo siya sa kama habang kalong ang laptop niya. Di ko makita ang ginagawa niya roon dahil nakaharap siya sa pwesto ko kung kayat nakatalikod mula sa akin ang laptop. Maya-maya pa ay pumasok ang ate niya at nagusap sila pagkatapos ay lumabas mula doon kaya naman bumalik ako sa kama ko at tinignan kung saan siya pupunta.
Mga sampung minuto na akong nakatutok doon ngunit di gumalaw ang pulang marka kaya naman nagtaka ako at muling bumalik sa bintana upang silipin kung naroon na siya sa kwarto nila. At tama nga naroon sila, nakaupo si William sa upuan na nakatalikod sakin habang nasa harap niya ang ate niya at mukhang pinagagalitan siya base sa ekpresyon ng mukha nito. Ngunit nabigla ako sa nakita ko
"The f*ck"-usal ko at mabilisang ikinasa ang baril na hawak ko at mabilis na pinaputukan ang paa ng kina-uupuan ni William, umalingawngaw ang ingay mula sa baril ko at gaya ng inaasahan ko ay napatumba siya paharap sa ate niya ngunit mabilis rin siyang nakatayo at hinila ang ate niya patago. Naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Bakit mo pinaputok ang baril"-sigaw ni dad. Humarap ako sa kanila bago sila sagutin
"May sniper sa paligid dad. Kailangan nating iligtas si William at i-alis mula sa hotel na iyon"-madaliang sinabi ko at ibinalik ang paningin ko sa telescope.
"Where's his location?"-tanong ni mommy
"Look at my laptop mom nandyan ang location ng kinalalagyan niya"-sagot ko habang hinahanap ang kinaroroonan ng sniper at ng mahanap ay pinaputukan ko siya na agad niyang ikinamatay.
"Hindi kaba nabibingi anak?"-sigaw ni daddy kasabay ng pagkasa ko
"Malapit lang iyon dito, tara puntahan natin iyon love. Mag-iingat ka anak"-sabi ni mommy
"I will mom, mag-iingat din po kayo. Tsaka I am going to cover him hanggang sa makarating kayo roon"-sagot ko habang patuloy pa rin sa paghahanap sa iba pa. Di na sila sumagot at tanging pagsara nalang ng pinto ang narinig ko.
Tinignan ko ulit ang kinalalagyan nila William ngunit bukas na ang pintuan nila at wala na sila roon. May nakita nanaman akong isa sa kalaban kaya naman pinaputukan ko iyon na agad ding tinamaan. Hinila ko na papasok ang baril ko habang tinatawagan sila daddy na agad din nilang sinagot.
"Dad di ko na siya matutulungan dahil wala na siya sa kwarto niya kaya naman kayo na ang bahala, susunod po ako diyan"-sabi ko agad
"No diyan kana at kami na ang bahala"-maotoridad na sabi ni dad at sa pagkakataong iyon ay alam kong wala na akong magagawa. Pinatay na niya ang tawag kaya naman nagpaikot-ikot nalang ako roon habang hinihiling na sana ay walang nangyaring anuman sa kanila.
Jzekiah21