Chapter 11

1130 Words
William's Pov Its already morning. Bumaba na ako mula sa kwarto para pumasok sa school. Pagkasakay ko sa sasakyan ko ay pinaandar ko na agad ito patungo sa school pero di pa man ako nakakalapit sa gate ay hinarang na agad ako ng grupo ni Alexander. "Bumaba ka diyan"-nakangising sabi ng isa sa kanila kasabay ng paghampas sa hood ng sasakyan ko. "Dalian mo dahil naiinip na kami"-sabi pa ng isa sa kanila. At dahil sa masunurin naman ako ay bumaba naman ako pero pagkasara ko pa lamang ng pintuan ng sasakyan ko ay bigla nalang may humila sakin at inihampas ang isang baseball bat na hawak ng ilan sa kanila kaya paatras na natumba ako ngunit dali-dali naman akong tumayo. Sumugod ang isa sa kanila, may hawak itong bat na ihahampas sa akin kaya kaagad ko itong sinalag gamit ang kaliwang kamay at sinuntok ang kamay niyang may hawak nito kaya't nabitawan niya ito pagkatapos ay malakas kong itinulak ito pabalik. Pinulot ko ang baseball bat at inilagay sa ibabaw ng balikat ko. "Tingin ko ay sa ganitong paraan na ito matatapos"-sabi ko sa kanila at sinenyasan ko silang lumapit. Agad na tumakbo palapit ang isa sa kanila papalapit sa akin kaya humakbang ako ng isa papunta sa harap niya at inihampas ang hawak sa mga binti niya at natumba siya sa lupa habang yakap-yakap ang binti niya at nagpapagulong-gulong pa tsaka ko siya hinampas sa likod kaya nawalan ito ng malay. "Mukhang dumarami ang bilang niyo sa tuwing nagkikita tayo ha"-wala sa sariling tanong ko sa kanila ng makitang mas marami pa ito sa inaasahan ko. "Dapat ba ay konti lang kami? Masyado ka ng bilib sa sarili mo, ngayon tignan natin kung hanggang saan ang angas at lakas mo"-sabi ng pinakaleader nila nila at tsaka sumugod ang mga bataan niya ng sabay-sabay. Kaagad kong pinalo ang nangunguna sa kanila kaya napahiga muna ito sa ere bago bumagsak sa lupa. Pinalo ko pa ang isa sa kanila at sa kamalas-malasan di ko napansin ang nasa gilid ko kaya madali niyang nahampas ang kamay ko. Agad akong umatras palayo at sumunod naman sila kaya wala na akong nagawa kundi ang makipaglaban sa kanila ng sabay sa kabila ng bilang nila. Suntok, iwas, yuko, sipa at kung ano-ano pa ang ginawa ko bago ko sila naubos at puro na sila nakahandusay sa lapag at mga wala ng malay. "Lalaban pa kayo? Pwede naman na kayong umatras nalang at wag na akong guluhin kahit kelan"-sabi ko sa ilan pang natitira sa kanila habang naghahabol ng hininga. Nagkatinginan ang dalawang nasa harapan at sabay rin silang sumugod kaya ng makalapit sila ay agad kong sinipa ang isa sa kanila pero nahawakan niya ito kaya sinipa ko pa siya gamit ang natitirang paa at napabitaw na siya at napaatras. Sumuntok naman ang isa pa pero nasalo ko iyon at siniko siya pagkatapos ay umikot ako at sinipa  siya sa mukha niya kaya nawalan siya ng malay. Muling sumugod ang natitira at sinalubong ko siya at binuhat para ibalibag tapos ay pinatulog ko siya sa isang malakas na suntok. "Paano ba yan dalawa nalang kayo. Sumugod na rin kayo ng matapos na ito"-maangas na pagkakasabi ko habang hinihiling na isa o wala na sana ang sumugod pa sa kanila dahil tingin ko ay di na kakayanin pa ng katawan ko ang pagod. Ngunit pasugod na tumakbo ang isa sa dalawa pang natitira, sumuntok agad ito ng paulit-ulit na pilit kong iniiwasan bakas ang galit sa mga mata nito at ng makakuha ako ng tiyempo ay agad ko siyang sinikmuraan gamit ang tuhod. Ininda niya ito sandali at agad ulit na nagsususuntok at sa pagkakataong ito ay natamaan niya ako at ginamit ko ang pagkakataong iyon para dakmain ang braso niya at baliin ito. "Ahh!!!"-sigaw na daing niya At hindi pa ako nakuntento. Umikot pa ulit ako at sa pangalawang pagkakataon ay binali ko nanaman iyon kaya mas lalong lumakas ang sigaw niya. Hinila ko siya sa kwelyo upang maitayo at tinuhod siya ng paulit-ulit at ng makuntento ay sinipa ko siya ng ubod lakas kaya tumilapon ito kasabay ng pagsuka niya ng dugo. Lalapitan ko pa sana siya ngunit dumating na ang maraming guwardya. "Hoy anong kaguluhan yan"-sigaw ng isa sa kanila kaya napa-ayos ako ng tayo at inantay silang makalapit. "Sino ang nagsimula nito?"-tanong ni dean na di ko man lang napansin na kasama pala nila. "Sila ho dean"-sagot ko "Anong nangyari sa kanila?!!"-sigaw niya "Balak nila akong bugbugin dean pero--" "Ano?!! Sumunod ka sakin sa office at iyang mga iyan pakidala na sila sa hospital at baka napano na sila"-baling na utos niya sa mga guards at nagpamauna na siyang naglakad kaya sumunod nalang ako at pagkarating namin doon ay kinuwento ko ang nangyari. "Ha ano sa tingin mo iyong ginawa mo doon sa isa? Nag-iisip kapa ba? Simula sa araw na ito ayaw na kitang makita dito sa eskwelahan dahil expelled kana"-sabi niya na ikinakunot ng noo ko "Pero dean kasalanan nila iyon bakit ako yung mae-expelled?"-reklamo ko "Sobra yung ginawa mo at ayoko ng istudyanteng katulad mo kaya umalis kana"-dagdag pa niya kaya kahit labag sa loob ko ay umalis nalang ako roon at wala sa sariling umuwi ng bahay. Pagkarating ko doon ay bumusina ako para pagbuksan ako ng gate ngunit imbis na guard ang sumalubong sa akin ay ang ilang armadong lalaki ang nakita kong papalapit sa akin habang nakatutok ang mga baril nila sa akin kaya dali-dali kong pinaatras ang sasakyan ko habang nakayuko kasabay ng putukan ng mga baril nila papunta sa akin. Nabasag ang harapan ng sasakyan ko pero hindi nila ako tinigilan na paputukan ng medyo makalayo ako ay tinigilan na nila ang ginagawa nila. Kinapa ko ang baril kong nakatago sa ilalim ng upuan ko at napangiti. Mabuti nalang at may bumili ako ng ganito. Di ko napansin ang paglapit nila kaya nabigla ako sa putok ng baril na tumatama nanaman sa sasakyan ko. The heck di ba sila nauubusan ng bala? Kasabay ng pagtigil ng ingay na nagmumula sa armas nila ay siyang pagbukas ng pintuan sa tapat ko kaya pinaputukan ko agad ang naroon at agad itong humandusay. Naupo ako at pinaputukan rin ang kasama niya pagkatapos ay pina-andar ko na ang sasakyan ko papasok sa garahe at kumuha ng bagong sasakyan mula roon pero bago iyon ay umakyat ako sa kwarto ko at kumuha ng ilang gamit at mga balang lihim na nakatago doon. Ng mailagay ko iyon ay dali-dali kong pinaandar ang sasakyan at umalis sa bahay na iyon pero bago pa man ako makalayo ay kita ko mula sa rear mirror ang pagsabog ng bahay namin at tuluyang kinain ng apoy. Jzekiah21
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD