Chapter 10

1857 Words
~Kinabukasan~ "Hoy bumangon kana diyan wala ka bang pasok"-sigaw ni ate habang inuuga pa ako "Anong oras na ba?"-tanong ko at bumaling sa kabila "Its already 7am na kaya bumangon kana diyan dahil male-late kana"-agad akong napabalikwas na bumangon at napatingin kay ate, naka-uniform na siya at maayos na siyang tignan na akala mo ay di niya nakatulugan ang pag-iyak at mukhang dinaanan lang ako para gisingin. "Okay kana ba ate?"-wala sa sariling tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago ako sagutin. "Hindi pa pero kailangang tanggapin at maging maayos ulit, ohh siya aalis na ako pumasok ka okay?"-paalala niya na agad kong tinanguan kaya lumabas na siya ng kwarto ko. Agad akong naligo at nagbihis pagkatapos ay bumaba na ako pero bago pa man ako makalabas ay napatingin ako sa kusina. Naalala ko si mommy pero agad ko itong pinalis sa isipan ko dahil kailangan kong maging okay upang di maapektuhan ang pagpasok ko ~School~ Di ko na naabutan pa ang unang subject namin at maaga pa para sa sunod na subject kaya tahimik nalang akong naupo sa silya ko. "Okay kana ba?"-tanong sakin ni Juraisa. Medyo nasasanay na ako sa kanya dahil lagi naman siyang ganyan kapag nakikita ko siya,di man kami magkaibigan pero tinuturing ko na siyang isa sa kaibigan ko. "Maybe"-maikling sagot ko sa kanya at inilabas ko mula sa bag ko ang laptop na dala ko. "Anong ginagawa mo?"-pakikiusiyoso ni Juraisa sa ginagawa ko. "Ahh wala, wag mo nalang pansinin di mo rin naman maiintidihan"-sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Arghhh!"-frustrated na sabi ko habang napapakamot pa sa ulo dahil sa wala man lang akong napala sa ginawa ko. Itinago ko na ito dahil baka maitapon ko lang yun ng wala sa oras at wala sa sariling napatingin ako sa katabi kong nakatingin lang sakin na animong pinagmamasdan ang lahat ng kilos ko. "What?"-asar na tanong ko sa kanya "Wala naman"-sagot niya na may kasama pang pag-kibit balikat Pumasok na ang teacher namin kaya sa kanya ko nalang itinuon ang atensyon ko habang naglalakbay ang utak ko sa ibang dimesion. Ipinagpasalamat kong nagturo lang ang lahat ng teacher at di na nag-abalang magbigay ng quiz dahil kung sakali ay wala akong maisasagot sa tanong nila. ~Break~ ~Discuss~ ~Discuss~ ~Lunch~ Nagtungo na ako sa canteen at bumili ng makakain pagkatapos ay nagtungo na ako sa lamesa ko. Inilagay ko na ang lahat ng gamit ko at minadali ang pagkain dahil sa gutom. "Hey mukhang nagmamadali ka ahh iniiwasan mo ba kami?"-tinig ng isang lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Itinigil ko ang pagsubo ko at sinagot siya. "Wala ako sa mood kaya kung pwede lang tigilan niyo ako"-sabi ko sa kanya at isinubo ang huling pagkain ko. "Ahw"-pang aasar niya "Paano ba yan nawala din kami sa mood ng makita ka namin kaya tingin ko ay patas lang"-uminom na muna ako para malunok ang pagkain sa bibig ko bago magsalita. "Hindi tayo patas dahil una palang ay lugi na kayo at pangalawa ay mas marami kayo ngayon kumpara noong una"-sagot ko dito sabay ngisi. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nilagpasan sila. "Hindi pa tayo tapos---" "Kaya maghanda kayo dahil tatapusin ko kung ano man ang sinimulan niyo"-dugtong ko sa sasabihin niya bago makalabas ng canteen. Nagtungo na ako sa classroom at naupo, inilabas ko ang notes na kinopya ko mula kay Juraisa at nagsimula ng magreview dahil magkakaroon daw ng quiz ngayon. "Hey nagrereview kana para sa quiz?"-tanong niya at naupo sa tabi ko "Yeah"-maikling sagot ko. Di na kami nag-usap at tahimik kaming nagreview hanggang sa dumating ang teacher namin. Agad itong nagpakuha ng papel at sinimulan ang pagpapa-quiz, lumipas ang 20 mins. at tapos na ang aming quiz at naitala na ang score sa mga papel namin. "Who got an perfect score?"-sigaw ng teacher sa harapan at nagtaas ako ng kamay. "Pass your paper"-agad akong tumayo at ibinigay iyon sa kanya "Who got an 19"-sigaw niya kasabay ng pagbalik ko sa upuan ko at nakita kong nagtaas ng kamay si Juraisa. "Pass your paper"-kasabay ng pagtayo niya ay siya namang pagupo ko at ng maibigay na niya ito ay agad siyang bumalik. "Nakss perfect score congrats"-sabi niya ng makaupo siya "Thanks"-tugon ko dito. Puro pagkuha lang score ang nangyari hanggang sa ilang minuto nalang ang matira sa oras niya kaya di na siya nagturo at inantay nalang niyang matapos ang nalalabing oras at ng sumapit na ito ay umalis na agad. "Nakss perfect score keep it up"-sabi ng isa sa classmate ko, siya iyong lalaki na kinausap ako sa canteen. "Thanks, what is your name again?"-tanong ko sa kanya dahil di ko maalala ang pangalan niya. "Alexander Moratalla at your service"-sagot nito, nagring ang cellphone niya kaya nagpaalam siyang sasagutin niya muna iyon. "Magkakilala ba kayo nun"-tanong ni Juraisa habang nakatingin doon sa Alexander na may kausap. "Not that much, nagkakilala kami sa canteen"-ako "Nakipagkilala ka naman?"-Juraisa "Wala namang masama"-kibit balikat na sagot ko "Tss"-tugon niya at agad akong napalingon sa kanya dahil sa reaksyon niya. "Ingat ka nalang mamaya"-sabi ng nasa harapan ko kaya agad akong napalingon doon. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Alexander na nakatingin sa akin at ngumisi siya bago ako malagpasan. Nasundan ko pa siya ng tingin hanggang sa mapabaling ako sa katabi ko. "Bakit?"-tanong ni Juraisa ng mapansin niyang kanina pa ako nakatingin sa kanya. Umiling nalang ako kesa sa sagutin siya. Lumipas ang ilang oras ng puro discussion lang ang ginawa, meron ding nagbigay ng isang suprise quiz kaya lahat kami ay hindi handa at sa pagkakataong ito ay dalawa kami ni Juraisa ang nakakuha ng pinakamataas na score at oras na ng uwian. "Hey may practice tayo ng sayaw ngayon sabay na tayong pumunta"-sabi ni Juraisa habang nagliligpit ako ng gamit ko. "Sige"-sagot ko sa kanya. Ng matapos ako ay nagtungo na kami sa gym at pagkarating doon ay nagpalit na agad ako ng suot. Lagi akong may dalang extrang shirt and jogging pants para sa mga pagkakataong gaya nito at pagkatapos ko ay bumalik na ako. May ipinanood muna sa amin si Shane na siyang pinagkuhanan niya ng steps na ituturo sa amin. Pinalitan niya ang ilang sa mga ito at dinagdagan para maiba ito at ng matapos na namin itong panoorin ay sinimulan na namin ang sayaw. Kanya-kanya na muna kaming pwesto at tsaka nalang daw babaguhin kapag kabisado na namin lahat at ng medyo nakukuha na namin ito ay binigyan niya kami ng 5 mins. water break at habang nagpapahinga kami ay nagtungo siya sa harapan at may sinabi. "Wala ang karamihan sa inyo nung sinabi kong pipili ako ng pwe-pwesto sa harapan because of your reasonable reason kaya wala akong choice kung hindi ang i-postpone ang pagpili. Tomorrow I will  going to observe you all and kung sino ang may pinaka maayos at malinis na sayaw ay siyang ilalagay ko sa harapan ganun na rin ang sa by partners at ang hindi makakapunta bukas I am sorry to tell you na di ko na kayo hihintayin dahil malapit na ang event, okay ba sa inyo yun?"-sigaw na announce niya sa amin. "Yes"-sagot naming lahat at ng natapos ang water break ay ipinagpatuloy na namin ang practice hanggang sa matapos kami. Nagtungo na ako sa bag ko at kumuha ng towel and shirt. Nagpalit ako ng shirt ko at naupo sa bench habang nagpupunas ng pawis. "Galingan mo bukas ahh para tayo ang nasa harap"-sabi ng kakalapit lang na si Juraisa. "I'll try, marami ang magagaling sa kasama natin di ko sigurado kung mapipili ako"-sagot ko sa kanya na nakapagpabusangot sa mukha niya. "Tss bahala kana nga diyan"-sabi niya at umalis na. Hinabol ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng gym at ng di ko na siya matanaw ay kinuha ko na rin ang mga gamit ko at lumabas na. Nagtungo na ako sa parking lot at hinanap ang sasakyan niya pero di ko na ito mahanap, tingin ko ay nauna na siya at mukhang nabadtrip pa sakin. Sasakay na sana ako sa sasakyan ko pero nakita kong lumabas mula sa dilim si Alexander at papunta sakin kung kaya't inantay ko muna siyang makalapit. "Bat nandito kapa? May inaantay kaba?"-tanong ko ng makalapit siya "Ang totoo niyan ikaw ang pakay ko"-sabi niya at sinabayan agad ng suntok pero dahil sa bilis ng reflexes ko ay agad ko itong naiwasan at gumawa ng distansya mula sa kanya. "Ano bang problema mo?"-tanong ko dito. Umayos muna ito ng tayo bago ako sagutin. "Wala naman"-sagot niya "Ano bang atraso ko sayo at ganito ka kung umasta sa harapan ko?"-mahinahong tanong ko "Sakin wala pero doon sa grupong kinabibilangan ko, may atraso ka"-sagot niya sabay ngisi "So bakit ikaw ang nandito at hindi sila?"-tanong ko sa kanya "Kasi masyado na silang pikon sayo at ako na daw ang bahala sayo"-agad itong sumugod pagkatapos banggitin iyon. Sumuntok siya ng makasunod na aking iniwasan agad at itinulak ko siya ng malakas para makalayo siya sa akin. "Tsk, tingin mo ba ay kaya mo ako ng mag-isa kalang?"-tanong ko sa kanya at binigyan siya ng isang nakakalokong ngisi. "Sa tingin ko naman ay oo, tingin mo ba susugudin kita dito mag-isa kung alam kong di kita kaya"-tanong niya at naghanda. Sumugod ulit siya pero sa pagkakataong ito ay sinabayan ko na siya. Bago pa man siya makasuntok ay inunahan ko na siya agad ko siyang sinuntok sa mukha na dali-dali niyang iniwasan kaya umikot ako at sinipa siya ng matindi sa mukha na agad niyang ikinatumba. Bago pa man siya makatayo ay nilapitan ko na siya at inipit ng tuhod ko ang leeg niya. "Sigurado akong hindi mo ko kaya. Pakisabi nalang sa mga kagrupo mo na sa susunod ay sabay sabay na kayong sumugod para isang gulo nalang"-mariing sabi ko sa kanya. Sinuntok ko siya ng ubod lakas sa mukha dahilan para makatulog siya. Tumayo na ako at inayos ang nagusot kong damit, sinipa ko siya ng marahan at ng di siya gumalaw ay sumakay na ako sa sasakyan ko at umuwi. Ng makauwi ako ay nagtungo agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit ng matapos ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina para kumain at nakahain na ang lahat doon. "Nasaan si ate?"-tanong ko sa isa sa maid naming naroon. "Hindi pa po siya nauwi sir"-sagot niya "Ahh ganun ba? Salamat" Di ako sanay na kumain mag-isa sa hapag-kainan dahil nakasanayan ko ng kasabay na kumain sina mommy at ate pero dahil wala na si mommy ay tingin ko si ate nalang lagi ang makakasabay ko. Tinignan ko ang relo ko at masyado pang maaga para sa oras ng uwian ni ate kaya't napag-pasiyahan ko nalang na umakyat ulit sa kwarto ko at matulog nalang. Jzekiah21
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD