Pumasok na ako sa loob ng library at dumiretso sa harap ng computer. Ganito kadalasan ang trabaho ko. Magta-type kung may ipapatype si Mam Tessa o kaya naman nag-e-encode ako ng mga libro sa computer kapag may mga studyanteng nanghihiram. At kapag malapit na akong umuwi ay naglilinis din ako kahit papano. Inaayos ko ang mga upuan at mga libro kahit na may bukod naman na taga-linis ng library.
"Ate pwede po ba iuwi itong book?" Tanong ng isang first year student na lalaki.
"Oo pwede. Pero dapat isoli mo rin kagad bukas.." Hindi kasi pwedeng masyadong matagal na hiramin yung mga libro. Pwede syang hiramin ng isa o dalawang araw lang at kapag lumagpas na sa dalawang araw ay may penalty ng 20 pesos kada araw. Kapag naman nawala nila yung book ay kailangan nila itong palitan or bayaran.
Ngumiti naman yung lalaki at tsaka tumango, "Opo isosoli ko rin po bukas."
"Okay. Akin na yung id mo tsaka yung book na hihiramin mo." Binigay nya sakin yung id nya tsaka yung book na hihiramin nya. Tapos ay tinapat ko na sa scanner yung barcode na nakadikit sa book at id nya. May tinype lang akong konti pagkatapos ay okay na.
"Ito na o. Wag mong iwawala yan ha. Mahal ang librong yan." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Opo Ate. Wag po kayong mag-alala." Pagkasabi nya nun ay tumalikod na sya. Akala ko ay aalis na sya pero hindi pa pala. Humarap ulit sya sakin tapos parang namumula yung tenga nya, "Ate?" Tawag nya sakin.
"Oh? Bakit? May nakalimutan ka ba?"
"H-hindi. A-ano po.." He trailed off. Halatang kinakabahan sya. Ano naman kaya ang sasabihin nito? Para syang pusang hindi matae. Hahaha. Ang sama ko. Hinintay ko na lang na tapusin nya ang sasabihin nya,"-Uhmm. Ate? A-ano po ba ang p-pangalan mo?"
Magsasalita na sana ako para sabihin sa kanya yung pangalan ko ng biglang malaglag yung isang libro sa katabi kong shelf. Kung sa tingin ng ibang tao simpleng pagkakalaglag lang ng libro ang nangyari, dyan sila nagkakamali. Dahil hindi lang kusang nalaglag yung book.
May naglaglag nito at yun ay walang iba kundi si Carl. Nakasandal yung kaliwang side ng katawan nya sa bookshelf habang nakatingin ng masama dun sa batang first year. Tsktsk. May kung ano na naman ang pumasok sa utak nito kaya nagkakaganyan. Pasimple ko syang inirapan nung mapatingin sya sa akin. Hindi ko na sya pinansin at binalik ko na lang ang atensyon ko sa lalaking first year sa harap ko.
"Shanen ang pangalan ko pero pwede mo akong tawaging Ate Shanen." Nakangiting sabi ko. Ngumiti rin ng pagkalaki yung batang lalaki.
"Pwede po bang Ate Shasha nalang ang itawag ko sayo?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong nung bata. Patay tayo dyan. Panigurado narinig ni Carl yung sinabi nitong bata. Sabi kasi sakin ni Carl gusto daw nya sya lang daw ang tumatawag ng Shasha sakin. Ayaw nya ng may ibang tumatawag sakin nung 'nickname' na binigay nya sakin.
Magsasalita na sana ako para sabihin na hindi pwede kaya lang bigla na namang may nalaglag na book. Malakas ang pagkakahulog nito kaya malakas din yung tunog nung bumagsak na ito sa sahig. At hindi lang ordinaryong libro ang nalaglag.
Isang malaki at makapal na Encyclopedia ang nilaglag ni Carl. Lahat ng mga studyante sa library ay napatingin dun sa bumagsak. Nako naman! Bwisit tong Carl na to! Bakit ba nya nilalaglag yung mga libro?! Kapag may nasira dito humanda talaga sya sakin! Tatadtarin ko ng bawang ang buong apartment ko para hindi sya makapasok!
Nagpunta ako sa pwesto ni Carl para pulutin yung librong nilaglag nya. Tinitingnan ko sya ng masama habang pinupulot ko yung mga libro.
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ha!" Pasimpleng sabi ko sa kanya.
"I don't like that kid." Sabi nya habang nakatingin pa rin ng masama dun sa bata.
"Ewan ko sayo. Kung pwede lang wag itong mga librong to ang pagdiskitahan mo. Pag ito nasira humanda ka talaga sakin." Bulong ko. Habang binabalik sa pwesto yung mga libro. Nung naibalik ko na ay tumalikod na ako sa kanya para bumalik sa desk ko.
Narinig ko pa syang bumulong ng, "Dapat pala binato ko na lang sa kanya yung Encyclopedia." Napailing nalang ako sa narinig ko. Ang isip-bata nya talaga.
"Ate Shanen nalang ang itawag mo sakin. Hindi ako sanay na may ibang tumatawag sakin ng Shasha." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ah ganun po ba? Osige po Ate Shasha. Uwi na po ako." nakangiting sabi nya at nagbabye pa sa akin bago tuluyang umalis. Ang cute nya. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng kapatid na lalaki.
"Shanen, mauna na ako. Ikaw na ang bahala dyan." Sabi ni Mam Tessa. Mag a-alas-siyete na rin ng gabi kaya mayamaya lang din ay uuwi na ako.
"Osige po. Ingat po kayo." Lumabas na si Mam Tessa ng library at naiwan na lang ako ditong mag-isa. Ay hindi pala. Nandito nga pala si Carl at nandun sya sa pinaka-dulo at pinaka-sulok ng Library. Simula nung nangyari yung kanina ay hindi na nya ako pinansin at nagmumukmok lang sya dyan sa sulok.
Nung natapos ko ng ayusin yung mga gamit ay nagpasya na akong umuwi. Nilapitan ko si Carl dun sa pwesto nya para ayain syang umuwi.
"Oyy Carl. Tara na.." Sabi ko sa kanya pero parang wala syang narinig at nanatili lang na nakatingin sa bintana. Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa bakanteng upuan sa tapat nya.
"Pangatlong beses ko ng itatanong sayo to at sana ay sagutin mo na to." Humingi muna ako ng malalim bago magsalita, "Anong bang problema?" This time ay tumingin na sya sakin.
"Hindi ko alam." Sabi nya at tumingin ulit sa bintana. Bigla akong nainis sa sagot nya kaya padabog akong tumayo sa upuan ko. Kung ayaw nya akong kausapin edi huwag! Bahala sya sa buhay nya! Hindi ko na sya kinausap at tumalikod na ako. Gusto ko ng umuwi dahil pagod na ako tapos kailangan ko pang magreview. Nagumpisa na akong maglakad palayo. Nakakalimang hakbang na ako ng tawagin ako ni Carl pero hindi ko sya pinansin nagtuloy-tuloy lang akong maglakad..
"May gusto akong sabihin sayo!" Sigaw nya nung malapit na ako sa pintuan palabas ng library. Huminto ako at haharap sana sa kanya ng bigla nya akong pigilan, "Wag kang haharap. Baka hindi ko masabi sayo." Sabi nya.
"Kung may sasabihin ka bilisan mo at gusto ko ng umuwi." Naiinip na sabi ko.
"Ano..k-kasi.." Nauutal na sabi nya. Ano naman kaya ang sasabihin nya para mautal sya? ,"Wag ka sanang m-magagalit k-kapag sinabi ko s-sayo to pero.." Huminto ulit sya at mukhang nagdadalwang isip pa. Sa sobrang inip ko ay humarap na ako sa kanya. Mga sampung hakbang lang ang layo nya sakin at nakayuko sya kaya hindi nya nakitang humarap na ako.
"G-gusto.."
"C-carl!!" Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng bigla ko syang tawagin. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Biglang nanginig ang buong katawan ko ng makita kong may lumalabas na puting liwanag sa paligid ng katawan ni Carl. Napansin ni Carl kung saan ako nakatingin kaya tiningnan nya rin yung katawan nya.
"s**t!" Sabi nya habang tinitingnan ng maigi yung braso nya. Palakas ng palakas yung ilaw na lumalabas sa katawan nya. Unti-unti ding naglalaho ang katawan nya. Simula sa paa nya pataas sa katawan nya. Tumakbo kagad ako palapit sa kanya at sinubukan kong hawakan ang kamay nya. Pero wala. Hindi ko na mahawakan yung kamay nya.
"Carl!! A-anong nangyayari?" Natatarantang tanong ko. Habang pilit na hinahawakan sya kahit na alam kong sobrang imposible na.
"Shasha.." Narinig ko ang mahinang boses ni Carl na tumawag sa pangalan ko. Tiningnan ko sya sa mata habang may tumutulong luha sa mata ko, "Babalik ako. Promise.." Sabi nya bago sya tuluyang maglaho. Maglaho ng parang bula sa paningin ko. Agad akong nakaramdam ng matinding kaba sa dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na halos mabingi na ako.
"C-carl? Lumabas ka na. Hindi na n-nakakatuwa. Alam kong pinatitripan mo lang a-ako." Sabi ko sa basag na boses. Hinintay kong lumabas si Carl sa harap ko at pagtawanan ako dahil naloko na naman nya ako. Pero wala. Walang Carl na makulit ang lumabas.
"N-naman e. Nakakainis ka n-naman." Para akong batang naagawan ng candy dito na umiiyak at nagpapahid ng luha, "H-humanda ka s-sakin kapag nakita kita. Ipapakain ko sayo yung isang kilong bawang ko dun." Umiiyak lang ako ng umiyak sa loob ng library. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Ayoko pa naman sa lahat ay yung umiiyak ako. Humanda ka talaga sakin Carl kapag bumalik ka. Makakatikim ka talaga sakin ng isang suntok.
Sana bumalik ka....para masuntok kita. Para makaganti ako sa pagpapaiyak mo sakin. Sana tuparin mo yung promise mo.