CHAPTER TEN

1532 Words
"Shasha gising naaa! Gising na! Gising na!" Nakaramdam ako ng lamig na dumapo sa braso ko at ang kaunting pagyugyog sakin pero hindi ko pa rin dinidilat ang mata ko.   "Shasha gumising ka na. Preliminary Exams mo ngayon!" Bigla akong napabangong sa higaan ko ng sabihin ni Carl yun. Muntik ko ng makalimutan na ngayon nga pala ang exam ko. Sobrang antok na antok pa kasi ako. Mag-aalas-dos na ng umaga nung natulog ako.   Kasalukuyan kaming naglalakad ni Carl ng bigla kaming may makasalubong na isang lalaki. Marumi at sira-sira ang damit na suot nito. Iika-ika ito kung maglakad at isang paa lang nya ang may nakasuot na tsinelas. Magulo ang buhok nito at mukhang ilang linggo na ring hindi nagugupitan. May iilang grasa ang mukha at braso nito.  Para syang zombie na naglalakad. Ikinadag-dag pa dito ang pa-ika-ika nitong lakad at ang parating mahinang pagbigkas nito ng "Hindi ako. Hindi ko sya pinatay. Wala akong kinalaman. Tama. Hahaha. Walang akong ginawa.". Parati kong naririnig sa kanya ang mga salitang iyan at takot ang laging unang pakiramdam na rumerehistro sa puso ko sa tuwing makakasalubong ko sya sa umaga dito sa kalyeng to   "Don't mind him." At yan lagi ang sinasabi sakin ni Carl sa mga ganitong pagkakataon.  Isang buwan.  Isang buwan na ang nakalipas simula nung mangyari ang insidenteng iyon. Same street. Same person. Same clothes. Hindi ako makapaniwala na magkakaganito sya matapos nung gabing iyon. Hindi naman namin ginusto na maging baliw sya. Kaya sobrang nagulat talaga ako nung unang beses ko ulit syang nakita matapos ang gabing iyon. Nasa isang sulok sya nun katabi ng basurahan at poste. Nanginginig ang buong katawan nito habang tumitingin-tingin sa paligid at paulit-ulit nyang sinasabi na 'Hindi ko sya pinatay.'   Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa malagpasan namin sya.   "Wala ba syang pamilya? Bakit pakalat-kalat na lang sya?" Tanong ko kay Carl nung malayo na kami dun sa lalaki.   "Hindi ko alam. At wala akong balak alamin." Mapait na sabi nito.   "Hindi ka ba naaawa?" Tumawa muna ito ng bago nagsalita. Tawang puno ng galit at pagkamuhi.   "Para mo na ring sinabing magpakamatay ulit ako. Bakit? Sila ba naawa nung pinatay nila ako? Kahit kakaunting awa meron ba? Wala. Masaya pa sila nung napatay nila ako! Alam mong sobrang galit ang nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko ang ginawa nila sakin! Ang hirap! Sobrang hirap na makita mo ang isa sa pumatay sayo sa harap-harapan pero wala kang magawa!" Puno ng galit na sabi nito.   "T-teka! B-bakit sakin ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ako e!" Mukhang natauhan sya sa sinabi ko at yumuko.   "Sorry.." Nakayukong sabi niya. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Mabuti nalang at masyado pang maaga ngayon at walang tao sa kalsada kaya malaya ko syang nakakausap. Nilahad ko ang kaliwang kamay ko sa harap nya.   "Bakit?" Nagtatakang tanong nya.   "Hold my hand." Nakangiting sabi ko. Mukhang nagaalinlangan pa sya kaya ako na mismo ang kumuha at humawak sa kanang kamay nya.   "Sabi kasi ng mama ko dati kapag naiinis ka daw, nalulungkot o kahit nagagalit hawakan mo lang daw ang kamay ng taong nagpapasaya sayo.." I started as I scratch the tip of my nose. "In your case, dahil ako lang ang nakakakita sayo at ako lang ang nagiisang taong nahahawakan mo wala ka ng ibang choice kundi pagtyagaan ang kamay ko. Don't worry libre lang 'to. Next time may bayad na." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya para malaman nya na nandito lang ako sa tabi nya. Hinila ko na sya at nag-umpisa na kaming maglakad. Nagulat ako ng bigla nyang i-intertwine ang mga kamay namin. Hindi ko alam pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng ginawa nya yun.   This past few weeks lagi ko itong nararamdaman sa tuwing may gagawin si Carl na sobrang ikakagulat ko talaga tapos ay mararamdaman ko na lang na sobrang nag-iinit na yung mukha ko. Halimbawa na lang ngayon. HHWW kami. Parang bf-gf lang ang peg namin. Aah!! Erase! Erase! Wala lang to!     "Kahit naman may ibang choice ako kamay mo pa rin ang pipiliin ko.."   Siguro ay kung may iniinom ako ngayon o kahit kinakain ay naibuga ko na dahil sa sobrang gulat. Bigla-bigla nalang kasing babanat ng ganon hindi man lang ako in-inform. Kaloka! Hindi tuloy ako nakareact ng maayos. Pakiramdam ko ay may bumatok sakin ng sobrang lakas at nailuwa ko ang dila ko!     "O bakit ganyan ka makatingin? May sinabi ba akong mali?" Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa paglalakad.   "Wala!"   Pagkarating namin sa tapat ng school ay agad kong binitawan yung kamay nya.   "Thanks." Sabi niya. Pasimple kong binigkas ang salitang "Bakit?" Para hindi ako mahalata ng ibang studyante.   "Dun sa ginawa mo. Gumaan ang pakiramdam ko. Sana lagi nating gawin yun!" Parang syang batang nakangiti sa harap ko at para lang syang nanghihingi ng isa pang candy. Another banat na naman. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas dito ang mga salitang "BALIW KA BA?!"   Marami akong kasabay na mga studyante na pumapasok sa loob at halos lahat sila ay napatingin sakin ng bigla akong sumigaw ng ganun. Parang gusto kong hukayin ang sementong kinatatayuan ko ngayong at ilibing ang sarili ko dahil sa sobrang kahihiyan.   "Excuse me?" Hindi makapaniwalang sabi nung babae sa harap ko. Akala nya kasi ay sya yung sinabihan ko. Napakamot na lang ako sa ulo at awkward na ngumiti sa kanya.   "Eh..h-hindi ikaw. Hahaha! Y-yung-" Isip Shanen! Umisip ka ng paraan!   "Hi Shanen!" Biglang sumulpot si Marc sa harap ko at kinuha ko ang pagkakataon na yon para makaisip ng palusot.   "-sya! Sya yung sinabihan kong baliw. He-he-he. Osige! Bye!" Pagkasabi ko nun ay tumakbo na kagad ako ng mabilis habang hila-hila ko si Marc. Nakarating na kami sa tapat ng room namin at binitawan ko ng yung braso nya. Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa sobrang hingal. Ganun din ang ginawa ni Marc. Biruin mo naman ground floor hanggang fourth floor tinakbo namin!!   "T-Teka! Ba..Bakit ba tayo tumakbo?" Hirap na hirap sa pagsasalita si Marc dahil sa sobrang hingal nya.   "W-wala lang." Sabi ko at pumasok na ako sa loob ng room. Sumunod din siya sakin sa loob. Ganun din si Carl. Na ngayon ay nakasimangot na naman. Sa tuwing kasama ko tong si Marc lagi na lang nakasimangot si Carl kung minsan naman ay masungit at sobrang tahimik. Ay ewan! Naupo na lang ako sa gawing likod malapit sa bintana. Naramdaman ko namang may naupo sa tabi ko at alam kong si Marc iyon. Si Carl naman ay nakasandal lang sa may bintana malapit sa akin.   "Anong wala lang?!" Gulat na tanong ni Marc.   "Wala lang as in wala lang." Natatawang sabi ko. Hindi kasi maipinta ang mukha nya at para syang pusang hindi matae.   "Alam mo ang ewan mo talaga. Napapadalas na yang ganyan mo. Alam mo hindi masama ang paminsan-minsang check up." Sasagot pa sana ako kaya lang biglang dumating yung prof namin kaya nagmake face na lang ako sa kanya. Dalawang buwan palang ang nakakalipas pero ganito na kami ka-close ni Marc. Para ko na nga rin syang kapatid e.   Si Carl lang talaga ang hindi ko maintindihan kung bakit sobrang init ng dugo nya pagdating kay Marc. Ang arte, arte! And speaking of that ghost, nawala na naman sya. Parati na lang syang nawawala o kaya naman hindi nagpapaalam. Hindi ko nga alam kung saan sya nagpupunta e. Pero kapag dating naman ng hapon ay nakikita ko na sya sa library. Lagi namang ganun ang routine namin sa nakaraang dalawang buwan. Mawawala sya bigla kapag nasa loob na ako ng room at magkikita na lang ulit kami sa library kapag dismissal ko na sa hapon.   "Aaaaah! Sa wakas tapos na! Three down. Three more to go!" Nag-iinat na sabi ni Marc. Kakatapos lang kasi naming mag-exam sa tatlong major subjects namin. May break naman na tig-isang oras sa kada exam namin. Kaya kahit papano ay nag-i-scan na lang ako since nakapagreview naman na ako kagabi.   "Anong gagawin mo pagkauwi mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway.   "Mm? Matutulog. Kailangan kong mag-recharge sobrang na-drain ang utak ko sa mga exam natin." Napasimangot ako. Buti pa sya makakatulog kahit papano.   "Osige na. Kita nalang tayo bukas. Ingat!" Sabi ko ng marating na namin ang dulong hallway. Nasa kaliwang side ang daan papunta sa library at sa kanang side naman ang hagdan pababa sa ground floor at palabas ng gate.   "Osige. Ingat ka rin. Wag papagabi. Text mo ako kapag nakauwi ka na." Sabi ni Marc. Ang sweet nya no? Kaya nga sobrang napalapit na rin talaga ang loob ko sa kanya. Tuwang-tuwa ako sa kanya dahil para akong nagkaroon ng instant brother-s***h-father. Hahaha.   "Opo tatay.." Pabirong sabi ko.   "Masyado akong gwapo at bata para maging tatay mo." Sabi nya habang bumababa ng hagdan. Kita mo ang yabang nya talaga. Akala ko nung una e sobrang bait at mahiyain pero kita mo ngayon akala mo ilang taon na kaming magkakilala kung umasta sya.   "Tse!" Yun na lang ang sinabi ko sa kanya. Kumaway na lang sya habang nakatalikod. Tss. Pa-cool pa.   "Problema mo?" Tanong ko kay Carl nang makita ko syang nakasandal sa pintuan ng Library. Nakakunot kasi ang noo nya habang tinitingnan ako ng masama. Hindi nya sinagot ang tanong ko sa kanya at basta na lang pumasok sa loob ng Library. Tsktsk. Ano na naman kaya ang nasinghot ng lalaking yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD