"I think He's summoning me." I frowned at him. He's summoning him? Who?
"Who's summoning you?" tanong ko. Hanggang ngayon ay nakahinto pa rin kami sa gitna ng daan. Wala na ang sikat ng araw at tanging ang ilaw lang sa iilang poste ang nagsisilbi naming liwanag. Nakahinto kami sa tapat ng isang nakakatakot na bakanteng lote. Mukhang abandonado na dahil na rin sa mga nakatambak na basura at sirang mga kagamitan.
Creepy.
Yan ang word na tamang idescribe sa kinatatayuan namin ngayon. Para ngang kahit na anong minuto ay pwedeng lumabas si Freddy Kruger. Siguro ay kung sa ibang pagkakataon lang ay baka nagtatatakbo na ako sa takot pero hindi dahil masyado kaming seryoso ngayon ni Carl. Naguguluhan ako. Bakit kasi ayaw pa nyang sabihing sakin ng diretso.
"Him," he points his index finger upward, "I think it's my time to be on His side now." malungkot na sabi nya. Hindi kagad ako nakapagsalita. Parang dahan-dahan pang pinoproseso ng utak ko yung mga sinabi nya at nung nagawa na nito ay agad may rumehistrong bahagyang kirot sa dibdib ko. Suddenly, it's hard to breathe. Parang naging mabigat ang pakiramdam ko.
"You're kidding right?" hindi makapaniwalang tanong ko. Parang ang hirap kasing paniwalaan. Para ngang mas mahirap pang paniwalaan ngayon yung sinabi nya kesa sa sinabi nya sakin dati na multo sya. Baliw na yata ako.
"I wish I am." hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa. He hugs me. He's hugging me like his life is depended on it, "I don't want to go. I don't want to leave you." he whispered. I can't breathe, not because he's hugging me so tight but because of my emotion that I don't want him to see. I don't want to cry in front of him, not now.
"Then don't." bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nasabi ko na ang mga salitang yan. I heard him chuckle.
"That's my second wish." he let go of me and held my left hand, "I wish I can." huminga sya ng malalim. Malamang ay kinakalma nya rin ang sarili nya, "Hahawakan ko ulit ang kamay mo para hindi na ako malungkot. Kung okay lang?"
"Hawak mo na. May magagawa pa ba ako?" I joked to lighten the atmosphere. Nagumpisa na ulit kaming maglakad habang magkahawak ang kamay.
"Wala na. Mamimiss ko to." tinaas nya ang magkahawak naming kamay, "Pwede ko bang dalhin ang kamay mo papuntang langit?"
"Sira! Ayoko nga! Abuso ka na." kahit na nagbibiruan kami ay hindi pa rin matatago ang lungkot na nararamdaman namin. Sobrang hirap. Napalapit na rin talaga sakin si Carl. Mahigit tatlong buwan na rin simula nung nagkakilala kami at sa loob ng tatlong buwan na yon ay hindi ako nakaramdam ng lungkot. Mas naging masaya na nga ako. Pakiramdam ko kasi ay Guardian Angel sya na pinadala ng magulang ko at ngayon kung kelan nasasanay na ako sa presensya nya ay tsaka naman sya babawiin sakin.
"...Berto! Anong nangyari sayo?!"
"..Hindi ko siya pinatay. Hindi. Wala. Hahaha. Hindi talga-"
"Ano ba ang nangyayari sayo? Bakit ka nagkakaganyan?"
Pareho kaming napatigil ni Carl sa paglalakad ng marinig namin sa 'di kalayuan ang pag-uusap ng dalawang lalake sa isang sulok. Agad kong nakikila ang isang lalaki na nakasalampak sa lupa at nanginginig. Yung lalaking baliw. Yung lalaking muntik na rin akong patayin. Pakiramdam ko ay awtomatikong nanlamig ang katawan ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang nangyaring iyon.
Nalipat naman yung tingin ko sa lalaking nakayuko at kinakausap sya. Bago lang sa aking paningin ang lalaking to. Ngayon ko lang sya nakita. Sino kaya sya?
"Ikaw.. Magtago ka na. Lagot ka. Hahaha!" sabi nung baliw na lalaki.
"Ano bang sinasabi mo Berto? Tangina! Sino may gawa sayo nito kapatid ko?" hinawakan nung lalaki yung magkabilang pisngi nung baliw na lalaki which is ang kapatid pala nya na Berto ang pangalan.
Mabilis tinabig ni Berto ang kamay ng kapatid nya na nakahawak sa pisngi nya. "Ikaw! Pinatay mo din sya! Hindi lang ako ang pumatay sa kanya. T-tama. Hahaha. L-lagot ka din!" pagkasabi ni Berto nun ay napansin kong nagbago ang itsura nung lalaki. Naging seryoso at mukhang galit ang itsura nito.
"Sino?! Sabihin mo sakin! Sino ang nakaalam sa ginawa natin?!" niyugyog-yugyog nya ng malakas ang balikat ni Berto na ikinatakot naman ng kapatid nya.
"Shasha.." agad na naalis ang paningin ko sa dalawang lalaki at napatingin kay Carl. Nabalot kagad ng takot ang puso ko ng mapansin ko ang reaksyon sa mukha ni Carl. Takot, galit. Bigla ko kagad naalala nung una nyang makita yung isa sa mga lalaking pumatay sa kanya na ngayon ay baliw na. Ganitong-ganito din ang reaksyon nya.
"You better run. Now." bawat salitang binitawan ni Carl ay may diin. Hindi na ako nagdalawang isip pa at mabilis na tumango. Dahan-dahan akong umatras palayo. Konting maling galaw ko lang ay paniguradong makikita kagad nila ako.
"Shasha bilisan mo!" sigaw ni Carl. Siguro kung sa ibang pagkakataon lang ay baka nasigawan ko din sya ngayon.
Nanigas ang buo kong katawan ng may maramdaman akong malambot na bagay na naapakan ko. Isang maliit na teddy bear na may recorder na kapag napiga mo ay magpe-play yung nakarecord dun. Malas! Kasabay ng pag-alis ko ng paa ko sa naapakan ko ang pagtingin sakin nung dalawang lalaki.
"s**t!" narinig kong sigaw ni Carl. Nakita ko kung pano mag-iba ang ekpresyon sa mukha ni Berto. Mula sa pagkabigla ay napalitan ng takot ang reaksyon nya. Mabilis syang kumapit sa braso ng Kuya nya at tsaka nanginginig na tinuro ako.
"K-kuya s-s-sya yun! Lagot na t-tayo! B-baka isumbong nya tayo!" Nung una ay parang ayaw pang maniwala ng Kuya nya sa kanya. Pero hindi rin nagtagal ay sumilay sa maiitim nyang labi ang isang ngiti. Ngiting demonyo. Dahan-dahan nyang tinanggal ang mga kamay ng kapatid nya na nakakapit sa braso nya.
"Wag kang mag-alala kapatid ko. Hindi nya tayo isusumbong. Hayaan mo makikipaglaro ako sa kanya." pagkasabi nya nun ay tinapik nya yung balikat nung kapatid nya at tumingin na sakin. Peste! Hindi ako makagalaw. Nanginginig na sa takot ang buo kong katawan. Kahit gustuhin kong tumakbo ay hindi ko magawa. Mas lalo pang ikinadagdag ng takot ko ng mapansin kong may dinampot na bagay yung kuya ni Berto sa gilid ng mga basurahan. Tubo. Isang bakal na tubo. Katapusan ko na ba?
"Dammit! Tumakbo ka na! Ano pang tinatanga-tanga mo pa dyan!" parang bumalik ang diwa ko ng biglang sumigaw si Carl at hilahin ang kamay ko.
Hindi. Hindi ako mamamatay. Hindi pa ngayon.
Mabilis pa sa alas-kwarto ay tumakbo na kagad ako habang hawak-hawak ni Carl ang kamay ko. Narinig ko pa ang pagsigaw nung lalaki sakin, "Bumalik ka dito babae ka!"
Mabilis kaming tumakbo ni Carl para makatakas. Hindi ko alam kung saan na kami pupunta. Kung saan-saan na kaming daan lumiko para lang makatakas. Lumingon ako sa likod ko para matingnan kung sinusundan pa rin kami.
"Don't look back just run!" sigaw ni Carl. Naramdaman ko pa na mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko at mas binilisan pa nya ang pagtakbo. Kainis! Sobrang napapagod na ako. Hindi ba nya alam na tao ako at napapagod din.
"Sandali.." hinihingal na sabi ko. Huminto ako sa pagtakbo at huminga ng malalim.
"Shasha!" sigaw ni Carl sakin.
"Napapagod na ako Carl. Kanina pa tayo tumatakbo. Sa palagay ko naman ay natakasan na natin sya." sabi ko habang nakatingin sa bandang likuran namin. Masyado ng malalim ang gabi at mas lalo makakasama kung hanggang ngayon ay nandito pa ako sa labas, "Sa tingin ko mas maganda na umuwi na tayo." dagdag ko pa sa sinabi ko. Nakita ko kung pano ihilamos ni Carl ang mga kamay nya sa mukha nya. Sa palagay ko ay nahihirapan syang maisip ng desisyon ngayon.
"Shasha pano kung masundan nya tayo? Edi malalaman pa nya kung saan ka nakatira." kinakabahang sabi nya habang naglalakad pabalik-balik sa harap ko, "I shouldn't have involved you in my problems. I shouldn't have dragged you into this kind of f**k up mess." dagdag pa niya. Tss, now he's blaming himself. I stepped forward ang held his face through my hands.
"Listen here you weird stupid handsome stubborn ghost, don't blame yourself. Okay? No one dragged me into this kind of—and I quote, f**k up mess. So, stop blaming yourself before I make you. Understood?" I look deep into his eyes as I saw bits of fluids coming out on the corner of his eyes. How can he cry?
"Hey, hey. Don't cry on me, Carl. Ghost doesn't cry, remember? Tara na baka maabutan pa niya tayo." sabi ko. Mabilis nyang pinunasan ang mata nya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Okay, once we get to enter in your apartment make sure to lock the doors and windows as fast as you could. And grab something that could be useful as your weapon." Carl instructed as we run towards the direction of my apartment. Para kaming mga kriminal na tumatakas sa mga pulis. Bawat hakbang namin ay pabigat ng pabigat ang aming paghinga. Hindi dapat kami ang tumatakbo, natatakot at nagtatago. It should be the other way around.
After several turns we made it to my apartment safe and sound. Mabilis kaming pumasok sa loob at ginawa ang binilin sakin ni Carl. Ni-lock ko kagad ang mga pinto at bintana. Bubuksan ko sana yung switch nung ilaw ng bigla akong pigilan ni Carl.
"Don't." tumango na lang ako at tahimik na naupo sa aking kama.
Makalipas ang ilang minuto ay napansin kong tumayo si Carl.
"Saan ka pupunta?" tanong ko at tumayo rin.
"Lalabas lang ako saglit. Dito ka lang. Wag na wag kang lalabas, kapag may kumatok wag mong bubuksan."
"Carl.." kinakabahang tawag ko sa kanya. He looked at me and cupped my face with his hands.
"Everything will be fine. Trust me." I automatically calmed down on his words, "I'll be back." tumango na lang ako sa kanya at saka sya umalis.