CHAPTER FOURTEEN

1669 Words
Lumipas ang tatlumpong minuto ngunit walang Carl ang bumalik. Kanina pa ako pabalik-balik sa harap ng pinto. Pinag-iisipan kung lalabas ba ako at hahanapin sya. Pero sumasagi sa isip ko na kaluluwa sya. What are the bad things could happen? None. Yan na lang ang kinakapitan kong dahilan para hindi lumabas sa apartment na ito at hanapin sya.   What if he's gone? Up in Heaven. Gone for good.   I shook the thought off and decided to just open the door and take a peek outside. I close my eyes and heaved a deep breath to calm myself. And when I opened my eyes the first thing I saw was Carl's face just an inches away from mine.   "Waaaaaa!" mabilis akong napaatras palayo kay Carl. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.   "Saan ka pupunta Shasha? At bakit ka nakapikit?" nagtatakang tanong ni Carl. Nilock nya ulit ang pinto at lumapit sakin.   "A-ano.. S-sa.." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sobrang lapit na naman ng mukha nya sakin. Too close to my comfort.   "Saan?" he inquired. "Diba sabi ko sayo wag kang lalabas?" Seryosong sabi nya.   "Kasi naman ang tagal mo! Akala ko.. A-akala k-ko.." hindi ako makatingin ng maayos kay Carl kaya napili ko nalang na yumuko. Unti-unti ko ring nararamdaman ang pag-init ng mukha ko at nagpapasalamat ako na nakapatay ang ilaw dahil paniguradong saobrang pula na ng mukha ko ngayon.   "Akala mo ano?" he asked.   "A-ano...Wala! Hehehe." kinakabahang sagot ko. Tiningnan nya ako ng seryoso sa mata. I gulped.   "Akala mo iniwan na kita no?"   "Yeah..Ay! I mean..ano.. Hindi no! Asa ka naman! Akala ko kasi may nangyari ng masama sayo. Nag-aalala lang naman ako." palusot ko. Sana naman paniwalaan nya.   "I'm already dead Shasha. What other bad things could happen to a dead person? None." nakangiting sabi ni Carl. Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang bahagyang lungkot na dumaan sa mga mata nya. Lumayo na sya sakin at naglakad palayo para buksan ang ilaw.   "Teka, akala ko ba—"   "Wag kang mag-alala. Ok na. Mukhang hindi naman nya tayo nasundan. Osige na. Kumain ka na at magpahinga." hindi na ako nagsalita at sinunod ang sinabi nya.   Naligo muna ako bago kumain dahil sobrang baho ko na. Amoy pawis na ang katawan ko dahil na rin sa pagtakbong ginawa ko kanina. Bago ako pumasok ng banyo ay binigyan ko muna si Carl ng wag-kang-maninilip-tatamaan-ka-sakin na tingin. Mabilis lang akong naligo dahil ngayon ko lang naramdaman ang gutom at pagod. Kaya pagtapos kong maligo at magbihis ay kumain na kagad ako.   "Yan na naman ang kakainin mo? Ako ang nagsasawa sa pagkaing yan." puna ni Carl at naupo sa bakanteng upuan sa harap ko.   "Bakit ba? Sa tinatamad na akong magsaing e. Matagal. Itong cup noodles saglit lang." sagot ko habang patuloy pa rin sa pagkain. Nagmake face nalang sya sakin at hindi na nagsalita. Pinanuod nya lang ako habang kumakain. Sanay na ako na lagi syang nanunuod sa pagkain ko. Nung una nga ay halos hindi ako makakain dahil bawat subo ko ay pinapanuod nya talaga.   Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako at inayos ang higaan ko. Bigla na namang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina. Mabuti nalang at nakatakas ako kundi baka kung ano na ang nangyari sakin. Ayokong maulit na naman ang nangyari dalawang buwan na ang nakalipas.   "Hey, matulog ka na. Nagiisip ka na naman e." sabi ni Carl at nahiga sa tabi ko.   "Pano na bukas Carl? Hindi naman pwede na lagi nalang tayo ang magtatago at tatakas." sabi ko habang nakatingin sa kisame. Totoo naman diba? Hindi naman ako ang pumatay kay Carl kaya bakit ako ang magtatago? Dapat nga sila itong matakot at magtago.   "Magiisip ako ng paraan. Ako ng bahala. Kaya ikaw matulog ka na at magpahinga." yun lang yata ang hinihintay kong sabihin ni Carl para kumalma at mapanatag. Nginitian ko nalang sya at pumikit. Mabilis rin naman akong kinain ng antok at pagod. Pero bago ako tuluyang pumasok sa dreamland ay may naramdaman akong malambot na dumampi sa pisngi ko.   "Sigurado ka ba dyan sa naiisip mo?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Carl habang naglalakad kami papuntang University. Ibang routa ang dinadaanan namin ngayon. Sabi ni Carl ay may ibang daan nga daw papuntang University at ito nga ang dinadaanan namin ngayon. Mahirap na daw dahil baka mamaya nag-aabang lang pala sa madalas kong dinadaan yung lalaking humabol sakin kagabi.   "Oo. Bukod sakin ay wala na akong ibang maisip na pwedeng magbantay sayo. Ayoko naman dun kay Bryan dahil may hindi talaga ako magandang kutob dyan sa ungas na yan." sabi nya habang diretso ang tingin sa daan. Sa totoo nyan ay ngayon lang ako nadaan sa lugar na to. Ni hindi ko nga alam na may daan pala dito.   "Akala ko ba ikaw ang bodyguard ko?" tanong ko. Bigla ko kasing naalala yung sinabi nya sakin dati.   "Oo pero hindi pwedeng ako lang Shasha. You need a bodyguard. Alive, kicking and breathing, Shasha. Lalo pa at ngayon bigla-bigla na lang akong naglalaho. Pano kung biglang mahuli ka nung lalaki kagabi at wala akong magawa dahil naglalaho na naman ako? Pano kung yun na pala ang huli nating pagkikita at hindi man lang kita nagawang tulungan? Dadalhin ko hanggang sa kabilang buhay ang pagsisising yun Shasha. Kung sakali mang sa langit ang punta ko paniguradong impyerno naman ang mararamdaman kapag may nangyaring masama sayo."   Wow. Speechless. Ang haba nung sinabi nya. Pakiramdam ko ay may kung ano sa tyan ko na gustong kumawala. Kumain naman ako kanina ha.   "P-pano ko naman sasabihin kay Marc aber? Alangan namang sabihin kong 'Oy Marc! Kamusta? May gustong pumatay sakin. Pwede ba kitang maging bodyguard?' Ano yun? Para lang akong nagtanong kung pwede ko ba syang maging boyfriend. Impossible." medyo pabiro at naiiling na sabi ko kay Carl at pagiiba ko na rin ng topic. Ayoko nung mga ganung usapan. Masyadong seryoso at nakakalungkot. Huminto sya sa paglalakad at tiningnan ako ng seryoso.   "It's about your life Shasha. Can you please take it seriously." seryoso nyang sabi.   "But I'm taking it seriously!" hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtaas ng boses.Bigla nalang kasi akong nakaramdam ng frustration. Bakit, akala ba nya ginagawa kong biro ang buhay ko? E halos manginig nga ang katawan ko maiisip ko lang na may gustong pumatay sakin.   "Right. Tara na. Male-late ka na." cold na sabi nya at nauna ng maglakad palayo. Napailing na lang ako at sinundan sya pero hindi ko sya sinabayan sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa University.   Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ay bigla na lang syang nawala na parang bula. Sigh. Wala naman akong ginawang masama ha? Ano naman kaya ang inaarte nya?   "Shanen!" napatingin ako kay Marc na kakapasok lang din sa gate, "Good morning!" masyang sabi nya at nilagay ang braso sa balikat ko. Sabay na kaming naglakad papuntang room. Buti pa sya walang iniintindi sa buhay. Wala syang iniintindi na baka mamaya paglabas nya ng gate may biglang pumatay sa kanya.   "Morning." matamlay na bati ko sa kanya na agad rin naman nyang napansin.   "Anong problema? Kaaga-aga mukhang pinagsakluban kagad ng langit at lupa yang mukha mo." tanungin ko na kaya sya? Pero pano kung hindi sya pumayag? Edi hindi! Bwisit!   "A-ano.. M-marc?" nakayuko ako pinagmamasdan ang mga paa namin habang naglalakad. This is it! Kaya mo yan Shanen!   "Hmm?"   "P-pano kung may magtanong sayo ng ano.." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil ramdam ko ang titig nya sakin. Peste naman! Kinakabahan talaga ako!   "Ng ano?" tanong nya.   "N-ng.. K-kunwari may magtanong sayo na kung..p-pwede kang maging b-bodyguard. Papayag ka?" Hinihintay ko na lang ang magiging sagot nya. Akala ko ay hindi na sya nakatingin sakin kaya naglakas loob ako na tingnan sya pero waaaaaaah! Ang lapit ng mukha nya! Mabilis ko kagad na binalik sa baba ang tingin ko at nagkunwaring walang nangyari.   "Syempre. Papayag ako. Bakit sino ba ang nagbabalak na gawan ka ng masama Shanen?"   "Hindi ko din kilala-Watda?! Pano mo nalaman na ako ang nangangailangan ng bodyguard?" gulat na gulat na tanong ko. Natawa naman sya sa naging reaksyon ko pero mayamaya ay napalitan din ng pagiging seryoso ang aura nya.   "Sabihin mo sakin. Ano ba ang nangyari at may gustong manakit sayo?" seryosong tanong nya. Pinagisipan ko pa kung dapat ko bang sabihin sa kanya pero naisip ko rin na kung sakali man na sya nga ang magiging bodyguard ko ay diba dapat alam nya ang kwento. Kaya heto ngayon at kinekwento ko sa kanya simula umpisa nung nakilala ko si Carl at hanggang dun sa nangyari kagabi pati narin pala yung naisip ni Carl na maging bodyguard ko sya. Nung una nga ay ayaw pa nyang maniwala na multo si Carl at nakikita ko sya. Muntik pa nga nya akong isugod sa Clinic dahil baka daw may lagnat ako at nagdedeliryo lang.   Bwisit.   At ito nga buti ay naniniwala na sya kahit papano. Pumayag na rin sya na maging bodyguard ko. Mabuti nga daw at sinabi ko sa kanya para daw mabantayan nya ako.   "Uyy Marc wala akong maibabayad sayo ha. Siguro kapag nakagraduate na tayo, hahanap kagad ako ng magandang trabaho para mabayaran kita."   Kakatapos lang ng morning subjects namin at lunch break na namin ngayon. Simula kanina nung nawala si Carl ay hindi ko na sya nakita pero ramdam ko ang tingin nya sa malayo. Hindi ko lang alam kung saan mismo sya nakapwesto.   "You know you're creeping me out. Nakikita mo ba yung multong sinasabi mo?" tanong nya nung mapansing kanina pa malikot ang mga mata ko. Hinahanap ko kasi si Carl baka sakaling makita ko sya.   "Carl ang pangalan nya at hindi ko sya nakikita ngayon. Galit nga yata sakin e." sabi ko at itinigil na ang paghahanap kay Carl. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain sa harap ko.   "Wow. Ibang klase. Haaay, sa oras lang na malaman kong pinagtitripan mo lang ako Shanen. Tandaan mo, hahalikan kita." pagbibiro nya na sya lang ang natawa.   Sigh. Sana nga isang malaking biro lang ang lahat.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD