"H-he's one of those f*****g bastards that killed me!" Nanginginig sa takot at galit na sabi ni Carl. Bigla akong ginapangan ng takot nung sinabi ni Carl yun.
"Shanen okay ka lang ba?" Tanong ni Bryan. Tsaka ko lang napansin na nakahinto na pala ako at nakatingin dun sa lalaki. And as if on cue, bigla ring nag-angat ng tingin yung lalaki at nagtama ang aming paningin. Nahigit ko ang aking paghinga. Hindi ako makagalaw pakiramdam ko ay may yelong bumabalot sa buong katawan ko. Sobrang kinakabahan ako ngayon.
"Shasha you need to run. Now! Lasing sya at baka mapagdiskitahan nya kayo!" Natatarantang sabi ni Carl. Hindi na ako nagdalawang-isip at hinawakan kagad ang kamay ni Bryan at tsaka nagmadaling maglakad palayo. Nakayuko lang ako habang mabilis na naglalakad at hila-hila si Bryan. Konti na lang. Konti nalang ay makakalampas na kami sa kanya.
"Sandali." s**t! Biglang nanigas ang buo kong katawan nung marinig ko yung boses nya. Nakakatakot ito. Malalim at puno ng panganib.
"Ano ho iyon?" Tanong ni Bryan. Humarap sya dun sa lalaki samantalang ako ay nanatili lang na nakayuko.
"s**t! s**t! s**t!! You shouldn't stop! Just go! Don't talk to him!" Sigaw ni Carl.
"B-bryan tara na." Bahagya kong hinila yung kamay ni Bryan. Please Bryan let's go! Maiiyak na yata ako sa takot.
"Sandali lang Shanen. Mukhang may itatanong si Manong. Ano po ba ang kailangan nyo?" Sabi ni Bryan. Nakarinig ako ng hakbang palapit samin. Hindi ko magawang itaas ang kanina pang nakayuko kong ulo dahil sa sobrang takot.
"Wala naman. Itatanong ko lang sana kung bago lang ba kayo dito? Ngayon ko lang kasi nakita ang mga mukha nyo lalo na ang magandang mukha ng dalagang ito." Halos takasan ako ng kaluluwa ko ng hawakan nung lalaki yung baba ko at bahagyang inangat ito upang makita nya ang mukha ko.
"Ah!! s**t! s**t! Tang*na! Shasha! Umalis na kayo! Parang-awa mo na!" Sigaw ni Carl sakin. Nilakasan ko ang loob ko at inalis ang kamay nung lalaki na nakahawak sa baba ko.
"Hindi. Napadaan lang kami. S-sige ho. Kailangan na naming umalis. Pasensya na po pero nagmamadali po kami." Hinila ko na si Bryan. Buti naman at nagpahila sya. Akala ko ay makakaalis na kami kaya lang biglang hinawakan nung lalaki yung braso ko.
"Bakit naman kayo nagmamadali? Gusto nyo bang ihatid ko na kayo?" Pagkasabi nya ng mga katagang iyon ay sumilay sa mukha nya ng isang ngitin. Nakakatakot na ngti. Agad kong tinabig yung kamay nya.
"Hindi na ho. Kasama naman nya ako." Sagot ni Bryan.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya wag kang sumagot." Nakakapangilabot na sagot nung lalaki kay Bryan. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay ni Bryan. Sana ay maramdaman nya na natatakot na ko.
"Ayaw nyang makipag-usap kaya ako ang sumagot."
"F*ck this sh*thead! Stupid! Don't provoke him! Dammit!" Sigaw ni Carl kay Bryan na kung sana lang ay naririnig nya.
"Aba sumasagot ka ha! Ano matapang ka? Ha! Hoy totoy para sabihin ko sayo mas matanda ako sayo at hindi hamak na mas malakas kaya matuto kang lumugar!" Dinuro-duro nung lalaki yung ulo ni Bryan. Naramdaman ko ang paghigpit nung hawak ni Bryan sa kamay ko.
"Matanda ka nga pero wala kang pinagkatandaan." Sagot ni Bryan tapos ay malakas na tinabig yung kamay nung lalaki.
"Eh gago ka pala!" Sa isang iglap ay nasuntok na nya kagad si Bryan sa sikmura. "Ano! Lumaban ka! Ang yabang-yabang mo e lampa ka naman pala!" Nilapitan nung lalaki si Bryan at tsaka kinwelyuhan tapos ay sinuntok nya sa kanang pisngi si Bryan. May lumabas na dugo sa gilid ng bibig ni Bryan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Panginoon ayoko pong makakita ng isang krimen sa harap ko.
"Wala ka naman palang ibubuga! Puro kayabangan lang ang laman ng utak mo!" Sigaw nung lalaki kay Bryan. Ngumisi lang si Bryan tapos ay dinuraan nya sa mukha yung lalaki. Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Bryan.
"Hah! Ha! Ha-hahahahaha!!" Mas lalo akong natakot nung biglang tumawa yung lalaki. Ibang klaseng tawa. Tawang demonyo. Para syang baliw. Nakakatakot. Sobrang nakakatakot.
"Puntang*na mo pala!! Ito pa ang sayo! Gago ka! Hahaha!" Sunod-sunod na suntok ang binigay nya sa magkabilaang mukha ni Bryan. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong tulungan si Bryan. Kung hindi ay baka mapatay pa nya si Bryan. May nakita akong malaking bote ng alak malapit sa basurahan. Kinuha ko ito at pasimple akong lumapit sa lalaki habang abala sya sa pagbugbog kay Bryan.
"Shasha? Anong gagawin mo?" Hindi ko pinansin yung tanong ni Carl. Kailangan kong tulungan si Bryan.
"F*ck! Don't do it! Please! Baka ikaw naman ang pagbuntunan nya! Tumakbo ka na lang at humingi ng tulong!" Akmang pipigilan ako ni Carl pero mabilis akong tumakbo para hindi nya ako mapigilan.
"Shasha!" Tawag nya. Sorry Carl pero kailangan kong tulungan si Bryan. Bago pa ako tuluyang mapigilan ni Carl ay naihampas ko na sa ulo nung lalaki yung boteng hawak ko. Nabasag ito at nagkalat sa kalye ang mga piraso ng bote. Ngunit nanatiling nakatayo pa rin yung lalaki.
Mas nadagdagan ang takot na kanina ko pa nararamdaman nung dahan-dahan syang tumingin sakin. Parang pinoproseso pa ng kanyang utak ang ginawa ko sa kanya maya-maya pa ay unti-unting sumilay sa labi nya ang ngiti. Ngiti ni kamatayan. Ngiti na nagpamutla sakin. Dahan-dahan akong umatras habang nanginginig ang buo kong katawan.
"Miss palaban ka. Matapang. Yan ang hanap ko sa isang babae. Tamang-tama gutom ako ngayon. Ano kaya ang lasa mo?" Nakakakilabot na sabi nung lalaki habang pinapasadahan nya ng tingin ang buo kong katawan. Pakiramdam ko ay hinuhubaran nya ako sa kanyang tingin. Unti-unti syang lumapit sakin...
"Hoy! Subukan mo lang hawakan kahit isang hibla ng buhok nya makakatikim ka sakin!" Sigaw ni Bryan sa likod nung lalaki. Humarap sa kanya yung lalaki.
"Buhay ka pa pala totoy?"
"Oo. Nagpapainit lang ako kanina. Yun na ba ang kaya mo? Ang weak mo naman pala!" Pangiinis pa ni Bryan.
"Talaga lang ha? Tingnan natin kung hanggang saan ang tibay mo." Sumugod yung lalaki kay Bryan. Nakailag naman si Bryan tapos ay hinawakan nya yung kamay nung lalaki at pinaikot ito sa likod tapos ay tsaka nya sinipa yung binti nung lalaki dahilan para mapaluhod ito sa sakit.
"Takbo na!!" Sigaw sakin ni Bryan habang pinipigilan nya ang paggalaw nung lalaki.
"P-pero-"
"Run Shasha! Listen to him! Please!" Pakiusap ni Carl habang hinihila yung kamay ko.
"Babalik ako. Hihingi ako ng tulong. Wag kang mag-alala Bryan." Mabilis akong tumakbo pero hindi pa ako masyadong nakakalayo nang makarinig ako ng malakas na sigaw. Napahinto ako sa pagtakbo at agad na tiningnan ang kinaroroonan ni Bryan. Nakahiga na ito sa kalye habang sinisipa nung lalaki yung tyan at likod ni Bryan.
"Bryan!" Sigaw ko. Natigil sa ginagawa nya yung lalaki at tumingin sakin.
"Sht! Shasha! Tara na!!" Sigaw ulit ni Carl sakin at hinila ako. Hindi pa sana ako tatakbo kung hindi ko lang nakitang tumatakbo palapit sa pwesto ko yung lalaki. Hinahabol nya ako.
"Miss hindi ka makakatakas sakin. Mapapagod ka lang kaya mas maganda ng sumako ka na!" Sigaw nung lalaki sa kin habang hinahabol ako. Kailangan kong makatakas. Kailangan kong humingi ng tulong at balikan si Bryan. Mama, Papa tulungan nyo po ako. Sobrang natatakot na ako.
"Aah!" Hindi ko napansin ang medyo may kalakihang butas sa kalye. Lumusot ang paa ko dun. At ngayon ay hirap kong igalaw. Fck! Na-sprain pa ako! Pinilit ko pa ring tumakas kahit pa-ika-ika na ako.
"Aww. Kawawa ka naman. Muhang napilayan ka pa. Ayan kasi takbo ka nga takbo." Sabi nung lalaki. Hindi na sya tumatakbo ngayon. Naglalakad lang sya ng sobrang bagal palapit sakin. Bawat hakbang nya ay puno ng panganib. Tatlong dipa na lang yata ang layo nya mula sakin. Lord, katapusan ko na po ba ngayon? Please sana hindi pa. Marami pa po akong pangarap sa buhay. Parang awa Mo na. Tulungan Mo ako.
"Nagdadasal ka na ba? Hahaha! Walang magagawa ang pagdadasal mo. Hindi ka Niya tutulungan!" Dalawang dipa. Dalawang dipa nalang ang layo nya sakin. Lumingon-lingon ako sa paligid at hinanap si Carl. Nasan na sya? Nasan na si Carl?! Iniwanan na nya ba ako? Kung kelan kailangan ko sya tsaka sya mang-iiwan.
"Carl?! Carl?! Nasan ka?!" Sigaw ko. Napansin ko na napatigil sa paglapit sakin yung lalaki nung banggitin ko ang pangalan ni Carl.
"Carl? Parang pamilyar sakin ang pangalang iyan." Sabi nung lalaki.
"Carl. Yan ang pangalan nung lalaking pinatay nyo 1 year ago. Tatlo kayong bumugbog at walang-awang pinatay ang kawawang lalaking iyon." Lakas loob na sabi ko. Natigilan naman sya sa sinabi ko.
"P-pano m-mo nalaman ang bagay na i-iyon?!"
"Nakakausap ko siya. Nakikita at naikwento nya rin sakin ang katarantaduhang ginawa nyo sa kanya! Ipapakulong ko kayo! Magbabayad kayo sa pagpatay sa kanya at pagbugbog sa kasama ko!"
"Hahahaha! Pasensya ka na Miss pero kung sakali mang totoong nakakausap at nakikita mo sya at naikwento nya lahat ng ginawa namin sa kanya wala ka ng magagawa. Kahit na magsumbong ka pa sa mga pulis. Wala kang ibedensya at isa pa magagawa mo pa kayang magsumbong lalo na kung hindi ka na sisikatan ng araw?" Unti-unti syang lumapit sakin na may ngiti sa kanyang labi. Nablanko na ang utak ko. Hindi ako makatakbo dahil napilayan pa ako. Ito na ba? Ito na ba talaga ang katapusan ko? Sa ganitong paraan ba ako mamamatay? Hindi. Ayoko!
"CARL!!!"