Bigla akong natanga sa sinabi nya. Death anniversary daw nya? Teka, tanda ko na. Bago ako lumipat dito ay may nakwento sakin si Lola Lucy na first death anniversary daw ni Carl. At sa pagkakatanda ko rin ay nung last sunday pa yun. E anong araw na ba? Martes na. Hindi ko man lang natandaan. Kawawa naman si Carl.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at dali-daling tumakbo palabas ng apartment.
"Shasha saan ka pupunta?!" Narinig ko pang sigaw ni Carl. Hindi ko sya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pagtakbo.
Habang tumatakbo ako ay patingin-tingin ako sa paligid. May hinahanap kasi ako at kailangan kong makuha yon. Lumagpas na ako sa ilang bahay pero hindi ko pa rin makita yung hinahanap ko. Hanggang sa pagliko ko sa isang kanto ay nakita ko ito. Dali-dali kagad akong lumapit dito. Tiningnan ko muna yung paligid kung may tao at nang masiguro ko na wala ay dali-dali kagad ako kumuha nung kailangan ko kaya lang mukhang hindi umaayon ang pagkakataon sa gusto ko..
"HOY! WAG MONG PITASIN ANG MGA BULAKLAK KO!" Sigaw nung babae sa loob nung bahay kung saan sa tapat nito ay nakatanim ang mga magagandang bulaklak na kailangan ko. Ito ang kanina ko pa hinahanap.
"HOY SINA-"
"Sorry po at salamat!" nagmadali kagad akong tumakbo paalis nung makita kong palabas na sya nung gate nila. Hawak-hawak ko yung mga bulaklak na pinitas ko. Pangbawi ko manlang kay Carl tsaka pangdagdag sa bulaklak na binili ko sa kanya. Hingal na hingal ako nung makarating ako sa apartment ko.
"Shasha saan ka ba nagpunta? Bakit hingal na hingal ka?" May pag-aalalang tanong ni Carl. Inabot ko sa kanya yung mga bulaklak na napitas ko.
"Oh..pa..ra..sayo..pang..dag..dag..manlang.." I said between deep breaths. Sobrang hingal na hingal talaga ako.
"Shasha?"
"Oh.." Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
"SALAMAT! Na-touch ako! Thank you talaga!!" Mas lalong nahirapan akong huminga nung bigla nya akong yakapin ng sobrang higpit tapos ay kiniss nya ako...sa cheeks.
"C-carl! A-air!" Nahihirapang sabi ko habang pinapalo sya sa likod.
"Sorry." Pagkasabi nya nun ay binitawan na nya ako. Tiningnan ko sya ng masama.
"Bakit kailangan pang may kiss?!"
"Hehe. Sorry na. Nacarried away lang." Sabi nya habang nagkakamot ng batok.
"Ibang klase ka din ma-carried away no? Nagiging manyak ka."
"Grabe ka naman. Hindi kaya. Pero seryoso, maraming salamat. Sobrang na-touch ako."
"Wala yun." Parehas kaming nakatingin sa kandila at mga bulaklak. Kung titingnang maigi napakagandang panuorin ang pagsayaw ng mapula at medyo madilaw na apoy sa dulo ng kandila. Pero kung anong ikinaganda ng apoy ay yun din ang ikinadelikado nito. Beautiful, yet deadly. Dahil lang sa apoy na ito ay nawalan ako ng magulang. Dahil sa apoy na ito nawalan ako ng bahay. Nang dahil sa apoy na ito ay naging malungkot ako. Napatingin ako kay Carl. Kitang-kita sa mga mata nya ang pinaghalong lungkot at saya. Ano kaya ang iniisip nya ngayon?
"Carl?"
"Hmm?"
"Ano ang pakiramdam na may nagtutulos ng kandila para sayo?"
"Ano nga ba ang nararamdaman ko? Siguro saya at lungkot. Ang galing no kaya kong pagsabayin ang pagiging malungkot at masaya." Nakangiting sabi nya. Naaawa ako sa kanya but at the same time humahanga rin ako. Nagagawa nyang ngumiti kahit na malungkot sya.
"Bakit? Bakit ka masaya at malungkot?"
"Masaya ako dahil may nagtulos ng kandila para sakin. Malungkot ako dahil ang kandilang nakatulos na ito ay para sakin."
"Ha? Hindi kita gets?" Natawa naman sya sa sinabi ko. Totoo naman e. Hindi ko talaga sya gets.
"Pano ko ba ipapaliwanag sayo to. Kasi naman ang tanga mo. Hindi mo magets yung simpleng sinabi ko na yun."
"Loko ka ha! Sorry ha! Tanga ako! Tss." I crossed my arms and rolled my eyes on him.
"Joke lang to naman. Haha. But anyway, gaya nga ng sabi ko ay masaya ako dahil may nakatulos na kandila para sakin. Akala ko kasi ay walang magtutulos para sakin. Alam mo yung feeling na kahit isa lang ay merong nakasinding kandila para sayo. Tapos ito ang dami pang bulaklak. Kasi kahit na patay ka na may nakakaalala pa rin sayo. Kaya masaya ako. Gets mo na ba?"
"Ah..medyo?" Sumimangot sya sa sinabi ko. "Hahaha. Biro lang. To naman! Eh yung mga parents mo? Malay mo diba nagsindi rin sila ng kandila para sayo. Hindi mo lang alam kasi hindi mo naman alam kung nasaan sila."
"Sana nga. Pero what if hindi?"
"Think positive ano ka ba! Anyways, bakit ka naman malungkot?"
"Simple lang. Kasi ang kandilang ito ay para sakin. Kaya nagsindi ng kandila ay para sa death anniversary ko. Nakakalungkot isipin na ang dahilan ng pagsisindi ng kandila para sakin ay para igunita ang death anniversary ko, hindi ang birthday ko." Malungkot na sabi nya. Nakakaawa talaga sya.
"Pwede pa naman nating i-celebrate ang birthday mo ha?" Masayang sabi ko. Totoo naman e. Pwede pa namang icelebrate.
"Talaga?!"
"Oo naman. Magkano lang ba ang kandila. Meron namang tig-do-dos lang na kandila. Gusto mo ibili pa kita ng sampu nun e. Basta kandila lang ha! Wala akong pera."
"Shasha naman e!!" Parang batang sabi nya. Hahaha. Ang cute nya.
"Haha. Teka kelan nga pala birthday mo?"
"December 24."
"Wow. Talaga? Ang galing! Sayang hindi pa natapat ng Christmas."
"Oo nga e. Sisihin mo nanay ko. Hindi nya pinigil paglabas ko. Hahaha."
"Letse." Nagkwentuhan lang kami tsaka nagtawanan. Nakalimutan ko na ngang magluto ng panghapunan ko. Kaya in the end nauwi ako sa cup noodles.
"Yan lang kakainin mo?" Tanong ni Carl.
"Oo. Nakalimutan kong magluto e. Ang daldal mo kasi." Sabi ko habang ngumunguya ng noodles.
"Ako pa talaga sinisi mo. Nako kaya ang payat mo. Walang sustansya ang mga ganyan pagkain. Tsaka pwede ka pa namang magluto ha."
"Ayoko. Tinatamad na ako."
"Nag-culinary ka pa man din tapos tamad kang magluto." Tiningnan ko na lang sya ng masama para matapos na ang usapan namin. Kung minsan talaga hindi ko gusto si Carl. Ang nagger nya masyado para syang nanay ko.
"Shanen? *tok*tok*" tumayo kagad ako at pinagbuksan si Lola Lucy.
"Lola Lucy? Bakit po?"
"Pwede ka bang maistorbo?" Tanong nya.
"Oo naman po. Wala naman po akong ginagawang assignment ngayon."
"Ah ganun ba. Mabuti naman. Pwede ka bang mautusan?"
"Oo naman po. Ano po ba yun?"
"Naubusan na kasi ako ng gamot. Hindi kasi pwedeng maampatan yun. Pwede mo ba akong ibili dyan sa malapit na botika."
"Sige po. Yun lang po ba?"
"Oo. Haay. Salamat Shanen. Buti nalang nandyan ka. Dati kasi ay si Carl ang lagi kong inuutusan kapag nauubusan ako ng gamot."
"Wag po kayong mag-alala. Ako nalang po ang papalit kay Carl. Hehehe. Sige po bibili na ako." Naiabot na sakin ni Lola Lucy yung pambili tsaka yung reseta nya. Malapit lang naman sa Moon University yung botika kaya lalakarin ko na lang.
"Teka Shanen!" Lumingon ako kay Lola Lucy nung tinawag nya ako."Magpasama ka na dito kay Bryan para may kasama ka. Baka mamaya mapano ka pa dyan sa daan. Gabi na masyado."
"Ay nako hin-"
"Osige na Bryan samahan mo na si Shanen. Mag-ingat kayong dalawa ha." Okay. Hindi ako pinatapos ni Lola Lucy. Nasan ang freedom of speech diba? Sigh. Hindi na ako naka-angal lalo na nung nakalapit si Bryan sakin. Awkward!!
"Tara na?" Tumango nalang ako at bahagyang nginitian sya. Habang nasa daan kami ay parehas kaming walang imik. As in sobrang tahimik. Sabayan pa ng pangungulit ni Carl dito sa tabi ko. Kesyo daw bakit ako pumayag na magpasama? Bakit daw hindi ako tumanggi? Nako kung wala lang dito si Bryan baka kanina ko pa nabigwasan ang isang to. Ang kulit e!
"Shanen? Tama ba?"
"H-ha?" Medyo nagulat ako nung biglang nagsalita si Bryan.
"Yung pangalan mo. Shanen? Tama ba?"
"Hindi. Hindi nya pangalan yun. Pangalan ng pusa ko yun. Tanga." Sabat ni Carl. Hindi ko nalang pinansin si Carl at sinagot nalang yung tanong ni Bryan.
"Oo. Bakit?"
"Ah wala lang. Kamusta na nga pala? Hindi na ba bumalik yung baliw na lalaki na pumasok sa apartment mo nun?"
"Kung alam mo lang.." Bulong ko.
"Ha?"
"A-ay. Wala. Wala. Hindi na sya bumalik. Buti na nga lang e. Natakot yata. Hehehe."
"Siguro nga. Kung sakali mang bumalik yun wag kang mag-alala ako bahala sayo." Nakangiting sabi nya. Bigla tuloy nag-init yung mukha ko.
"Ikaw pala bahala ha. Etong sayo." Bago ko pa mapigilan si Carl ay nagawa na nya ang balak nya. "Ooops. Sorry! Hahaha!" Tumatawang sabi ni Carl. Agad kong tinulungang makatayo si Bryan. Pinatid kasi sya ni Carl ayan tuloy nadapa. Kawawang Bryan.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko.
"Oo. Okay lang ako. Napatid lang. Maliit na bagay."
"Maliit na bagay pala ha. Etong pang sayo." At sa ikalawang pagkakataon ay pinatid ulit ni Carl si Bryan. But this time Bryan didn't land on the ground. Nagawa ko kasi syang alalayan. Nakayakap ako sa kaliwang braso nya para hindi sya bumagsak tapos sya naman ay nakahawak yung kanang kamay nya sa balikat ko at err, malapit yung mukha nya sa mukha ko. Argh!! Carl!! Humanda ka sakin! Lumayo kagad ako kay Bryan at naiilang na tumawa.
"Ah-eh-he-he-he-he! Ano ba yan ang daming lamok!" Winawagayway ko pa yung mga kamay ko na para bang tinataboy yung mga lamok pero ang totoo nyan ay pinapalo ko si Carl.
"Shasha! Oy! Ano ba?!" Hindi ko pinansin yung sinasabi ni Carl at patuloy lang sa ginagawa ko.
"Ang lamok no? Grabe!" Mas lalo ko pang nilakasan ang pagpalo sa kanya. Hahaha! Buti nga sa kanya. Nakatingin lang sakin si Bryan na para bang nawiwirdohan sakin.
"Malamok ba talaga? Bakit wala namang kumakagat sakin?" Nagtatakang tanong ni Bryan. Tinigil ko na yung ginagawa ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Ewan ko sayo. Basta sakin may kumakagat. Baka hindi nila type ang dugo mo. Haha. Tara na nga. Baka hinihintay tayo ni Lola Lucy." nagkwekwentuhan lang kami habang naglalakad. Nakabili na kami ng gamot at pabalik na nang may makasalubong kaming isang lalaki. Mas matanda ito kumpara samin. May katangkaran din at medyo malaki ang pangangatawan. Bahagya ring mapupula ang malalim nyang mata at pasuray-suray pa ito sa paglalakad.
"S-s-shasha?" Nauutal sa tawag ni Carl sakin. Pasimple ko syang tiningnan at bakas ang takot na makikita sa mata nya. Tiningnan ko sya na para bang nagtatanong kung bakit.
"H-he's one of those f*****g bastards that killed me!"