SABI ng iba, para raw hanap-hanapin ng isang lalake ang iyong presensya ay dapat pasabikin mo ito sa mga bagay na maaaring kaadikan nila tungkol sa 'yo. You should be always playing hard to get. 'Wag basta-basta bumigay para habul habulin ka nila. Men wants challenge. May mga lalakeng gusto nilang pinaghihirapan ang isang bagay na gusto nilang makuha. They want to chase something or someone kung alam nilang may pakinabang sa kanila. And Matilde knows how to play that game. Alam niya kung kaylan dapat bumigay o hindi pa. At sa mga pagkakataong ito ay hindi pa oras para ibahagi niya ang kanyang magkabilang hita para kay Leandro Jose. Wala pa siyang nakakuha dito. Masyado pang maaga para gawin niya ang bagay na iyon. Nag-uumpisa pa lamang ang tunay na laro. Pasasabikin niya na muna

