bc

APOY NG PAGNANASA

book_age18+
2.7K
FOLLOW
11.9K
READ
revenge
forbidden
arrogant
badgirl
bxg
serious
betrayal
cheating
enimies to lovers
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

"Itigil na natin ito, Xavier. Ayoko nang lokohin pa si Leandro Jose. So let's stop this secret affair!"

Sa ngalan ng pera, handang gawin ng isang Matilde Ramos ang lahat para na rin sa kanyang pamilya.

Tinagurian at kilala bilang Gold digger at social climber si Matilde sa mundo ng mga mayayaman. Lahat ay pinapatos niya basta  maaari niyang pagkakakitaan.

Kaya nga nang alukin siya ni Xavier De Luca, ang misteryosong bise presidente ng De Luca Hotel's and Resort na paibigin ang kapatid nito na si Leandro Jose De Luca kapalit ng ilang milyong halaga ay hindi na siya nagpatumpik pa.

Pinaibig at inakit niya ang masungit, kasing lamig ng yelo ngunit ubod ng yaman at gwapo na si Leandro Jose.

Pinlano nila ni Xavier na pabagsakin ang huli.

Ngunit sa katagalan ng kanyang misyon ay hindi inaasahang hindi lang pala si Leandro Jose ang mabibihag niya.

Bagkus ay magkakaroon sila ng kakaiba at lihim na ugnayan ni Xavier De Luca dahil sa bawat pagdampi ng kanilang balat ay may nararamdaman silang kakaiba.

Ano ang dapat na unahin ni Matilde? Nararapat bang sumugal kahit mali? Sino ang dapat na kanyang pillin?

Ang tinitibok ng kanyang puso o ang apoy ng kanyang pagnanasa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"X-XAVIER, mali itong ginagawa natin-ahh!" napapadaing ngunit pagtutol ko sa lalakeng ngayon ay nakapatong sa ibabaw ko at pinagsasawaan ang katawan ko. Malakas ang pagkalabog ng dibdib ko at maya't maya ang paglingon ko sa pinto at baka ay bigla na lamang bumukas iyon. Nasa opisina lamang kaming dalawa at anu mang oras ay may maaaring makakita sa amin. At iyon ang kinakatakutan kong mangyari. "Hmm. Matilde..." Nagpakawala lamang ng ungol si Xavier at patuloy pa rin na hinahalikan ang leeg ko. Napatingala ako at napapikit. Unti unti na akong tinutupok ng apoy na walang ibang nakakagawa sa akin kundi ay si Xavier lamang. Alam ko na mali itong ginagawa naming dalawa ngunit hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. Tanging si Xavier lamang ang nagdulot sa akin ng ganito. At mula sa umpisa ay alam naming mali ito ngunit nagpatuloy pa rin kaming dalawa. "Ahh!" muli ay napadaing ako nang bumaba sa pagitan ng magkabilang dibdib ko ang kanyang labi. Napasabunot ako sa buhok niya at napaliyad din ako ng katawan ko. "Piliin mo ako, Matilde. Please choose me," mababakasan ng pagmamakaawa at desperasyon ang boses na bulong sa akin ni Xavier. Nakatingala ito sa akin at nagsusumamo ang kanyang mga mata. Napapikit naman ako at pilit iyong ininda. Nagkunwari akong walang narinig ngunit ilang segundo lang ay muli rin akong napadilat ng mga mata ko nang maramdaman ko ang pag-alis nito mula sa ibabaw ko. "Piliin mo ako at iwanan mo si Leandro Jose..." may awtoridad na sa boses na aniya. "Stop this mission already!" galit na dagdag pa niya. Tila frustrated na ginulo nito ang kanyang buhok. Tinitigan ko naman siya. Bumangon ako mula sa sofa at inayos ang suot ko. "Aalis na ako," imbis na saad ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ilang beses niya nang hinihiling iyan sa akin. At hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ko magawa ang bagay na iyon. Nahihirapan akong mamili kahit na alam kong masama itong ginagawa ko. "Matilde--" Naputol si Xavier sa sasabihin niya nang biglang tumunog ang cell phone ko sa ibabaw ng glass table. Kapwa kami napalingon doon at nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga nang makita kung sino ang tumatawag sa akin. Inabot ko naman iyon at ilang segundong tinitigan ang pangalan ni Leandro Jose na nakarehistro doon. "Kapag sinagot mo iyan ay matatapos din tayo dito..." Natigilan ako sa sinabing iyon ni Xavier. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung papaano pa ako makakaahon sa sitwasyong ito. Gusto kong sagutin ang tawag ni Leandro Jose ngunit ayoko ring mangyari ang sinabi ni Xavier sa akin. Napapikit ako at binalikan sa isipan ko kung saan ba nagsimula ang lahat ng ito. *** "KALAHATING Milyong piso. Kaya mo bang paibigin ang kapatid ko?" Mula sa apat na sulok ng kwarto ay dumagundong ang baritonong boses ng kaharap ko. Kung gaano kalamig ng silid ay ganoon din ang boses nito. Tanaw ko pa kung gaano kaseryoso ang itsura nito sa sinabi niya. Samantala ay mariin naman akong napahalakhak dahilan upang magsalubong ang magkabila niyang kilay. "What? Is there something funny?" masungit na tanong nito sa akin. Tila nagtataka kung ano nga ba ang nakakatawa sa sinabi niya. Pinaglaruan nito ang halata mong mamahaling ballpen sa kanyang kanang kamay bago ibinaling ang paningin sa mga sky scrapers na tanaw mula sa pwesto namin nang hindi pa rin ako matigil sa pagtawa. Hmm. Okay. Masyadong seryoso sa buhay ang isang ito. Napakamisteryoso. Pero sa totoo lang ay sa sinabi niya mismo ako natatawa. Napangisi na lang ako at sumandal sa swivel chair na kinauupuan ko bago siya sinagot. "Mister De Luca," pagkuha ko ng atensyon niya ngunit nanatili doon ang paningin niya kaya naman ay nagpatuloy na ako sa pagsasalita. "Katulad ng mga gusaling tinatanaw mo sa labas ay ganoon din kataas ang talent fee ko," prangkang sambit ko. "Do you really think five hundred thousand is enough with me? I'm a high maintenance woman. Barya lang iyang ino-offer mo no! Kaya higher please," saad ko pa. Sinenyas ko pa ang dalawa kong daliri na tila letter L. Hindi sa iniinsulto ko siya. I'm just stating a fact. Napakadaling maubos ng pera sa panahon ngayon. Hindi sapat ang isang libo sa isang araw. Napakadami kong gastusin sa araw-araw. Nakita kong muling nagsalubong ang magkabilang kilay ni Mister De Luca, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko ngunit nagpatuloy pa rin ako. Pake ko ba sa kanya? Siya ang nakiusap sa akin. Kaya kung ano man ang demand ko ay dapat pagbigyan niya. "At ganoon na lang ba kamura ang halaga ng kapatid mo? Saan aabot ang limang daang libo mo?" Hindi na matigil ang bibig ko. Well, that's me. Kung alam kong nasa tama ako, bakit hindi ko iyon ipaglaban. "Gold digger..." sambit nito, puno pa ng diin ang pagkakasabi niya. Nakita ko pa ang pag-igting ng panga nito. Ngumit imbis na ma-offend ay napahalakhak akong muli. Mister De Luca's kind of a joker huh. Nailing ako. Sa tingin ba nito ay masasaktan pa ako sa sinabi niya? Napakadami ko nang sinakripisyo sa buhay ko. Ilang beses na akong nadapa. At hindi lamang ang dalawang salitang iyon ang makakapagpabagsak sa akin. No one can drag me down. Napangisi ako. "You know me. I am not Matilde for nothing," sambit ko sabay kindat sa kanya. Sa mundo ng mga mayayaman, kilala nila ako bilang si Matilde, isang social climber. Kadalasan, mga matatandang negosyante o politiko ang tina-target ko. They call me names: b***h, slut, gold digger, w***e and whatsoever but I don't give a damn about it. Sanay na ako. Natuto na akong lumaban. Sa buhay kung gusto mong maka-survive ay dapat matigas ka. At isa pa ay hindi nila alam ang totoo kong istorya. Hindi nila alam ang rason kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon. Husgahan nila ako hangga't gusto nila. Hangga't wala silang ambag sa buhay ko ay wala akong pake sa kanila. Muling natahimik si Mister De Luca. Kaya naman ay tumayo na ako para umalis sa opisina niya. Napahikab pa ako. This negotiation is getting boring. Akala ko pa naman ay magiging instant milyonara na ako ngayong araw. Bigtime naman kasi talaga ang kaharap ko. May ari ang mga De Luca ng napakalaking kompanya nv mga hotel, restaurants and resorts. Tapos ganoon lang ang offer niya sa akin? Nahihibang na ba siya? "Where are you going?" sambit nito nang makitang paalis na ako. "Aalis na ako. Ang kuripot mo. Ayoko ng offer mo," sagot ko naman at tumalikod na. Inihakbang ko ang mga paa ko palabas ng opisina. Hays! Nasayang lang ang araw ko ngayon. Sayang ang racket! Walang napala. Nang nasa harap na ako ng pinto ay hinawakan ko ang door knob. At nang akmang pipihitin ko na ito ay muli kong narinig ang baritonong boses ni Mister De Luca. "Fine! Ten million! Is it already enough?" Tila lumaki ang teynga ko sa aking narinig. Sa totoo lang, pwede na ang sampong milyon. Pero dahil sa tanong niya kung okay na daw ba iyon, malamang may itataas pa. Kasi kung wala na, sasabihin niyang final offer na. Lumawak ang ngisi ko. Binitawan ko ang seradura ng pinto na tila nakakapaso iyon. Pumihit ako paharap sa kanya at saka lumapit. "Can you make it higher pa? Like fifteen million?" I said, bitting my lower lip. Nagawa ko pang magpa-cute kay Mister De Luca pero nang maalala ko na kapatid niya pala ang assignment ko ay tinigil ko iyon. Pormal akong lumapit at bumalik sa pagkakaupo. Inayos ko pa ang suot kong pulang dress na halos lumuwa na ang dibdib ko. Syempre I have to be sexy sa paningin nila. "Okay, fifteen million! And that's the final offer!" Muli akong napangiti. Kinwenta ko sa isipan ko kung magkano ang mawawala sa akin kung pumayag na ako kanina sa limang daang libo. "See! May itataas pa pala! Sayang ang fourteen million and five hundred thousand kung pumayag na ako sa 'yo kanina. Alam mo pogi ka pero kuripot ka," ani ko at tinapik sa braso si Mister De Luca. Tinabig naman nito ang kamay ko. "Don't touch me, gold digger b***h," anito. Napairap naman ako. Sungit! Kung hindi lang dahil sa fifteen million nuncang kakausapin ko siya. "So what's the deal?" sambit ko na lamang dito para masimulan na ang proyekto ko. Bumalik ako sa pagkakaupo. "Dumating kahapon ang kapatid ko galing US. At siya ang pinagkakatiwalaan ng ama kong umupo sa pwesto bilang CEO. And I won't allow that to happen." Napatango tango ako, inaanalisa ang sinasabi niya. "Ah posisyon sa kompanya ang labanan. Iba na talaga pag mayayaman ano. Baka deserve naman talaga ng kapatid mo iyong posisyon? Baka mas magaling sa 'yo--" "Shut up! Don't you f*****g say that in front of your boss!" galit na asik ni Mister De Luca. Tila ni-zipper ko naman ang bibig ko at itinaas ang dalawa kong kamay bilang tanda ng pagsuko. Nagpatuloy naman si Mister De Luca sa pagsasalita. "But for now, he will sit as the vice president of the company. Pag-aaralan muna niya itong patakbuhin bago siya tuluyang makaupo sa pwesto." Tumango ako. In serious mode na si Mister De Luca kaya ganoon na rin ako. "At ano ang magiging papel ko, Boss?" ani ko naman. "He's in need of secretary kaya ipapasok kita dito bilang sekretarya niya. Ngayon wala akong pake kung anong diskarte ang gagawin mo. Basta ang gusto ko sa huli ay pabagsakin mo siya. Paibigin mo at sirain mo ang pangalan niya. This company is mine. Ako dapat ang maupo bilang CEO." Nasa kalagitnaan na kami ng pag-uusap ni Mister De Luca nang tumunog ang cellphone nito. Bago niya iyon sinagot ay may inaabot siya sa aking envelope. "Nasa loob ang mga larawan ng kapatid ko. After checking it ay umalis ka na rin dito sa loob. And please don't steal something. I have camera installed here," saad nito at tumayo na saka walang anu ano'y lumabas ng opisina. Napairap ako. Kung hindi ko lang iyon boss ay nasuntok ko na iyon sa mukha. Mukhang pera lang ako pero hindi ako magnanakaw. Nang hindi ko na matanaw si Mister De Luca ay lumabas na rin ako ng opisina niya bitbit ang envelope na bigay niya. Sa apartment ko na lamang ito titingnan. Pagkalabas ko ay jnirapan ko pa ang sekretarya niya sa labas at grabe kung makatingin sa akin. "What?" masungit na saad ko. Nag-iwas naman ito ng tingin. Dumiretso na ako sa elevator. Saktong kakapasok ko pa lamang sa loob nang tumunog naman ang cellphone ko. Nang tingnan ay nakita kong tumatawag ang bunso kong kapatid. "Ate!" bungad na tili nito sa kabilang linya na ikinangiwi ko. "Ano ba iyon, Adrianna?" Inilayo ko ang cellphone sa teynga ko. "A-ate si L-Leandro Jose. N-nasa balita kanina. Kinikilig ako ate! Nasa Pilipinas siya!" pagtukoy nito sa hindi lang bilyonaryong negosyante sa ibang bansa. Kundi napaka-hot at sikat na bilyonaryo. "Ate naririnig mo ba?" ani pa ni Adrianna. Napailing ako. "Oo. Nakakagulat ka naman. Akala ko kung ano nang nangyari. Sige na, Adrianna. Ibababa ko na itong tawag ha. Nasa trabaho kasi ngayon ang ate. Mag-aaral ka ng mabuti." Hindi ko na hinintay pa ang tugon ng kapatid ko. Saktong pagpatay ko ng tawag ay bumukas naman ang elevator. Dahil abala ako sa paglagay ng cellphone sa bag ko ay inakala kong nasa ground floor na ako. Kaya naman ay akmang lalabas na sana ako nang mabundol ako sa isang matangkad na lalake na papasok naman ng elevator dahilan upang mabitawan ko ang envelope na hawak ko at tumilapon ang laman nun. Naku! Kahit masungit si Mister De Luca ay alam ko naman ang salitang confidential. Hindi pwedeng may makakita ng larawan ng kapatid niya. Kaya naman ay dali-daling nag-squat ako at akmang pupulutin na ang ilang larawan nang matigilan ako sa aking nakita. T-teka. L-Leandro Jose? A-anong ginagawa ng larawan ni Leandro Jose dito? Tiningnan ko ang loob ng envelope kung may iba pa bang laman iyon ngunit wala na akong makita. Sigurado rin ako na wala pa ang mga larawang iyon ni Leandro Jose sa sahig ng elevator kanina pagkapasok ko. Bagkus ay nakita kong galing iyon sa loob ng envelope. Napaamang ako. Napakunot ang noo ko. At unti-unti ay napagtanto. Si Leandro Jose ang kapatid ni Mister De Luca? Napailing ako. Ginagago ata ako ng lalakeng iyon ah! Dali-dali kong pinulot ang mga picture at ibinalik sa loob ng envelope. Tumayo na ako. Ngunit sa pagtayo ko na iyon ay muli na naman akong natigilan nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Napakurap kurap ako. Nananadya ba ang tadhana? B-bakit nasa harapan ko na nakatayo ang lalakeng sa picture ko lamang nakita? A-at bakit ang pogi? At bakit feeling ko bagay kaming dalawa? Nuh! Napailing ako. "Why do you have my pictures?" malamig ang baritonong boses ni Leandro Jose sabay iwas ng tingin. Napalunok ako at matagal na napatitig sa kanya. Nang makabawi ay unti-unti akong napangasi. Bakit pakiramdam ko ay magiging exciting ang mission ko na ito? Hmm. I'm already ready with my mission: Seducing the hottest Billionaire in Town.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook