CHAPTER 2

1726 Words
"ATE, ano ba kasi ang tinitingnan mo d'yan? 'Wag mo sabihing crush mo na rin siya?" Hindi ko inintindi ang kanina pang paulit ulit na tanong ni Adrianna sa akin. Abala ako ngayon sa harapan ng laptop nito. Kanina pa ako nakaalis sa building ng mga De Luca at dumiretso ako sa boarding house ng kapatid ko dito sa labas ng unibersidad na pinag-aaralan niya pagkagaling doon. May pakay kasi ako sa kanya. "Hindi ko siya crush. Wala akong planong agawan ka. Pero matanong ko lang, wala ka bang ibang impormasyong nakalap dito sa idolo mo?" ani ko, nakaharap pa rin sa laptop. Kanina pa kasi ako panay scroll sa computer ni Adrianna pero wala akong makalap na impormasyon sa crush niyang si Leandro Jose maliban sa pagiging hot at sikat na bilyonaryo nito sa ibang bansa. Hindi naman ito celebrity ngunit malaki ang fan base nito. Ni ultimo kapanganakan o taga saan ay wala. Isang picture lamang at pangalan nito ang lumalabas sa google. Kaya nag-iisip tuloy ako kung paano ko sisimulan ang mission ko dito. Ni hindi ko nga alam kung ano ang tipong babae ng isang Leandro Jose. Narinig ko ang paghagikhik ni Adrianna. Umupo ito sa tabi ko matapos magbihis ng pambahay. Galing pa lang kasi ito sa eskwela. "Wala na ate. Pero okay lang naman kasi the more na mysterious siya ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya," saad nito na tila nangangarap. Napairap naman ako bago ko hinila ang buhok nito. "Ang landi. Umayos ka Adrianna. Bawal kang mag-boyfriend hangga't hindi ka nakakapagtapos. Ikaw na lang ang pag-asa ko," seryosong ani ko. "Ate naman. Nag-aaral naman ako ng maayos no. Asa namang papatulan ako ni Leandro. Sobrang taas ng standard niyan panigurado. At imposibleng magkrus ang landas naming dalawa." Kumunot ang aking noo. "Hindu ang lalakeng iyan ang tinutukoy ko." Napairap naman si Adrianna sa akin. "Alam ko. Saka oo na, hindi ako magbo-boyfriend. Pero sabi mo iyan ha. Kapag tapos na ako, pwede na. Naku! Hindi ako gagaya sa 'yo no. Twenty six ka na pero wala ka pa rin boyfriend!" Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi na nagsalita. Boyfriend? Wala iyan sa plano ko. Ang gusto ko lamang ay kumita nang kumita nang napakadaming pera. Para naman ito sa pamilya namin ang ginagawa ko. Pinag-aaral ko si Adrianna dahil ang mga magulang ko ay wala nang kakayahang gawin iyon. Wala silang alam sa uri ng trabaho ko at mananatiling lihim iyon. Ibinalik ko ang atensyon ko sa monitor ng laptop ni Adrianna. Tinitigan ko ang itsura ni Leandro. I won't deny the fact that he's hot in the picture. Pero mas iba ang karisma nito sa personal. Mapupungay na mga mata ngunit malamig kung makatitig, mapulang labi, matangos na ilong at makinis na mukha. Mahaba rin ang itim na itim na buhok nito na umabot sa balikat. Napakatangkad din na kung hindi ako nagkakamali ay aabot ng 6'2. At sigurado ako na kahit sino mang babaeng iharap dito ay handang lumuhod paglingkuran lang ito. "Pero seryoso ate. Ngayon lang kita nakitang nagkaroon ng interes kay Leandro Jose. Anong meron?" Umangat ang sulok ng labi ko. Si Leandro Jose, ang lalakeng pinagpapantasyahan ng karamihan ngunit paiibigin ko at paiiyakin lang sa huli. Umiling ako kay Adrianna. "Wala. Na-curious lang ako at laman ng balita," tugon ko na lamang. Nanuod na rin kasi ako ng balita tungkol kay Leandro Jose sa cellphone ko habang nasa byahe ako kanina. Madami nga raw ang nagulat nang malamang nasa Pilipinas ito bigla at nagsasalita pa ng tagalog. Ang akala nga fans ng ito ay pure american. "Sabagay. Imposible naman kasi na magkagusto ka dun..." Tumango ako kay Adrianna. "Sige na bunso. Aalis na ang ate. Mag-iingat ka dito sa boarding house mo ha. 'Wag magpapasok ng kung sino." Nagpaalam na ako at may racket pa ako mamayang gabi. Hindi ako pwedeng matengga. Bukas pa naman ang umpisa ko kay Leandro Jose. Kaya ngayon ay didiskarte muna ako lalo na at ang napag-usapan namin ni Boss De Luca ay kalahati muna ang ide-deposit niya sa account ko. Saka niya na raw ibibigay iyong kalahati pa kapag nagawa ko na ang gusto niya. Binigyan niya lang din ako ng palugit na ilang buwan dapat magawa ko na ang gusto niya dahil malapit na raw bumaba ang tatay nila sa pwesto. Mga mayayaman talaga. Sabik sa posisyon. Kala mo ang laki ng problema. "Ikaw din ate. Mag iingat ka." Nagpaalam na ako kay Adrianna. Pagkagaling ko sa kanyang boarding house ay dumiretso ako sa banko. Tiningnan ko kung na-ideposit na ba ang pera. At nang makitang nandoon na ay nag-withdraw ako at dumiretso kaagad sa mall. Ibibili ko lang ng susuotin ko. Syempre dapat presentable sa paningin ng magiging boss ko. Ibinili ko rin si Adrianna at sina nanay at tatay ng damit at pants. Matapos kong mamili ay umuwi na ako sa apartment. Saktong pagkaupo ko sa sofa ay tumunog naman ang cellphone ko. Tumatawag si Boss De Luca. "Boss," bungad na ani ko dati nang sagutin ko ang tawag. "Let's meet tonight. I'll text you the place." Katulad kanina sa opisina ay tunog masungit pa rin ang boses nito. Nangunot naman ang noo ko. "Boss De Luca, may racket ako mamayang gabi. Bukas pa naman ako magsisimula hindi ba? Maliban na lang kung..." Binitin ko pa ang sasabihin ko. Alam ko naman na maiintindihan niya iyon. "Fine! I'll pay you tonight. Basta pumunta ka lang." Napangisi ako. Very good. Alam niya nang bawat oras ko ay mahalaga. Bawat utos sa akin ay katumbas ang pera. "Okay Boss. But please, higher ha. Tandaan mo na mayaman ka at madami kang pera." "Gold digger," anito bago binaba ang tawag. Napahagikhik ako. Ang sarap sigudo pikunin ng isang iyon. What if 'wag ako sumipot mamaya? Nuh! Sayang ang bayad ni De Luca. Panigurado naman na mas malaki pa iyon sa ibabayad ng kikitain kong matandang politiko mamaya. Mayamaya ay tumunog na ang cellphone ko. Agad kong binuksan ang mensahe ni De Luca at binasa ang address. Hmm. High end bar. Ibig sabihin party. Napangisi ako. Hindi pa man ay naiisip ko nang may mangyayaring paniguradong aayon sa akin. Dahil ang lugar na iyon ay madaming lalake. Mga sikat na personalidad at may kaya sa buhay. High end bar, Ibig kahulugan ay pera. *** NATULOG ako kinahapunan at nag-beauty rest. Though I already look freshed, pinaghandaan ko pa rin iyon. Saktong alas syete ng gabi ay nakaligo na ako at nag-aayos. Pinagmamasdan ko ngayon ang sarili ko sa harapan ng salamin. I smiled with myself. I'm satisfied now with my looks. I wore a backless satin dress. Itinali ko pa ang buhok ko para mas lalong makaagaw ng atensyon ang nakalantad kong likod. And about my make up, pulang pula ngayon ang labi ko dahil sa matte lipstick na gamit ko. Sakto lang din ang pagkapula ng magkabila kong pisngi, mas lalong nadepina ang maliit kong ilong nang lagyan ko ito ng contour at mas lalo lang din sumingkit ang mga mata ko dahil sa liquid eyeliner na ginamit ko. And even I already stood 5'7, nagsuot pa rin ako ng heels. For the last time, umikot ako sa harapan ng salamin. Napangiti ako. Kurbang kurba ngayon ang katawan ko. Paniguradong madami na namang mapapalingon sa akin nito. Nang okay na ay lumabas na ako ng apartment. Hindi na ako nag-book ng grab papuntang bar dahil may mga taxi namang dumadaan dito. Sakto ngang paglabas ko ay may huminto nang taxi sa harapan ko. Sinabi ko sa driver ang place at agad naman niya itong pinasibad. *** MALAKAS na tugtugin ang bumungad sa akin sa loob ng bar pagkapasok ko. Malikot din ang mga neon lights at nakakahilo ang galaw ng mga taong sumasayaw sa dance floor. Inilinga ko ang paningin ko at hinanap ang hagdan patungo sa second floor. Tumawag sa akin si Boss De Luca at sinabing nasa VIP room siya sa ikalawang palapag. Pagkarating sa taas at nang mahanap ko na ang kwarto niya ay hindi na ako kumatok pa. Agad na akong pumasok at bumungad nga sa harapan ko si Boss De Luca. May hawak itong kopita ng alak sa kanang kamay habang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa headrest ng couch. Lumapit ako dito. I cleared my throat. "Boss..." Agad naman itong napatingala. Sinenyas nito ang upuan sa harap niya. "You're two minutes late," aniya. Nagsalubong naman ang magkabila kong kilay. "Two minutes lang naman. Madami ang tao sa baba nahirapan akong umakyat dito." Umiling ito. "Katulad mo ay mahalaga rin ang oras ko. The next time you'll be late again, ibabawas ko na iyon sa ibabayad ko sa 'yo." Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa. "So ano ang atin ngayon? Bakit dito tayo nagkita?" Katulad kanina sa opisina ay sinenyas niya sa akin ang envelope na nasa glass table. "Nandyan ang mga credentials na gagamitin mo bukas sa pag-apply bilang sekretarya ni Leandro. Hindi rin ang pangalan mo ang gagamitin mo." "Para saan pa?" Bakit hindi totoong pangalan ko? "It's for your own safety. Magtagumpay o pumalpak ka sa plano ay paniguradong hahanapin ka ni Leandro. And besides, who would hire a social climber like you if you use your real name and credentials? I bet you didn't even finished college. Masyadong panget ang background mo." Nagsalubong ang magkabil kong kilay. Tila nagpanting din ang aking teynga. Masyado nang personal ang mga sinasabi niya. Napakuyom ako ng kamao. "Shut up! You may know me as a social climber and yes, I didn't finished college. Pero wala kang karapatang ipamukha sa akin ang mga iyan! Hindi mo alam ang istorya ng buhay ko!" puno ng diin na saad ko. Nangibit balikat si De Luca na tila wala lang ang sinabi ko. "I am paying you," simpleng anito na tila iyon na ang katapat ng panghuhusga niya. Right. Binabayaran niya nga pala ako. Ibig sabihin ay may karapatan siyang yurakan anh pagkatao ko. "Opps where are you going?" tanong niya nang makita niyang kinuha ko ang envelope at saka ako tumayo, handa na sa pag-alis. "Hindi ka naman siguro bulag. Aalis na ako at baka mapadugo ko lang iyang nguso mo," pikon pa rin na pagkakasabi ko. Masyado na kasing pasmado ang bibig. "Nuh. You can't leave yet..." Umiling ito. "Nandidito rin si Leandro Jose. Pwede ka nang magsimula sa inuutos ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD