CHAPTER 4

3528 Words
NAPAPANGISING lumabas ng hotel room si Matilde. Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi habang naghihintay siya ng taxi pauwi. Mukhang hindi siya mahihirapan sa mission niya kay Leandro Jose at bumigay nga kaagad ang huli sa kanya kanina. Napakaganda niya talaga. Sa dami nang babaeng napapalingon dito sa bar kanina ay sa katulad niyang Dyosa ito mahuhumaling. At masyado nga itong hayok at agad silang nauwi sa hotel room. But nuh. She's not easy to get. Kilala man siya bilang social climber ay hindi naman siya kaagad bumibigay sa mga lalakeng nagiging customers niya. Mapili siya. At kanina kay Leandro Jose, hindi ibig sabihin na dinala na siya nito sa hotel ay bibigay kaagad siya. Pasasabikin niya lamang ito lalo. Hanggang sa maulol ito sa kanya gaya ng kagustuhan ni Xavier De Luca. Paiibigin niya ito ngunit sa huli ay iiwanan din sa ere. Pasensyahan na lang. Walang personalan at trabaho lang. Pero sa ngayon ay kaylangan niya na munang makauwi at maghanda para sa pag-apply niya bukas bilang sekretarya nito sa De Luca's Hotel and Resort. Nasasabik na siyang makita ang poging si Leandro bukas. Napahagikhik si Matilde at saka niya pinara ang taxing dumaan sa harapan niya. Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan ay kaagad niyang sinabi ang address ng apartment niya. At habang nasa biyahe ay naisipan niyang tawagan ang ubod ng sungit na si Xavier De Luca. Ipagmamayabang niya lamang ang kanyang good news dito. Nakailang ring pa bago nito sinagot iyon. And the moment he answered the call, masungit na boses nito ang bumungad kay Matilde. "Do you know that it's already two in the morning? Or you are just that stupid that you are not aware of it?" galit ang namamaos na baritonong boses na saad ni De Luca. Halatang naistorbo ito sa pagtulog nito. Napakuyom naman ng kamao si Matilde sa narinig niya. Nakakapikon ang sinabi nito. Masyado talagang pasmado ang bibig. Kung hindi lamang siya nakapirma ng kontrata dito dahil sa trabaho niya ay baka napadugo niya na ang bibig nito. At naiimagine niya na na nanlilisik ang berdeng mga mata ni Xavier De Luca habang sinisermunan siya. Napabuga siya ng malalim. "May orasan ako! Gusto ko lang istorbohin ka sa tulog mo at baka dahil sa sobrang sama ng ugali mo ay binabangungot ka na! Magpasalamat ka pa sa akin at ginising kita! Kung hindi ay baka pinaglalamayan ka na!" palaban namang saad niya dito. Anong akala nito sa kanya? Magpapadaig siya? Mayaman lang ito! Ngunit mas mayabang siya. "f**k!" narinig niya ang malutong na mura nito mula sa kabilang linya. "What do you want? At tinawagan mo ako sa ganitong alanganing oras?!" dagdag pa nito. Halatang napipikon na sa kanya si Xavier. Narinig pa ni Matilde ang paglagitnit ng kama. Mukhang bumangon ang hinayupak. Napairap siya. "Wala ka bang mas mahirap-hirap na ipapagawa sa akin? Leandro Jose's boring. Agad ba namang bumigay sa ganda ko. Mabuti na lang hard to get ako. Muntik pa lang kaming mauwi sa kama kung hindi ko siya pinigilan," Matilde said nonchalantly. She even yawned like it's not really a big thing. Panandaliang nanahimik mula sa kabilang linya. Hanggang sa narinig niya ang nakaka-insultong tawa ni Xavier De Luca. "Well that's not new. Baka siguro ay masyado ka lang talagang malandi kaya agad na bumigay sa 'yo si Leandro Jose..." sarkastikong saad nito sa kanya. "Ulol," saad ni Matilde dito. Bwesit talaga ang lalakeng ito. Nakakapanakit na masyado. Kung hindi lang talaga dahil sa binayad nito sa kanyang milyones ay hindi siya magtitiis sa matalas na dila nito. "Keep it up, Miss Ramos. But I am warning you, hindi mo kilala si Leandro Jose. You just know the game but he's already veteran when it comes to it. Kaya 'wag kang papakampante. Kung gusto mong makuha ang kalahati pa sa ibabayad ko sa 'yo ay galingan mo," makahulugan at seryoso nang saad nito sa kanya. At matapos nun ay binaba na ni Xavier ang tawag. Napairap naman si Matilde. Whatever. Sa mundong kanyang ginagalawan ay kabisado na ni Matilde ang mga tao. Kilala niya na kung sino ang mga mapagpanggap at alam niya rin kung sino ang totoo. At sa nangyari sa kanya noon? Wala na siyang pakialam pa. Wala nang mawawala sa kanya. Patapon na ang buhay niya. Kaya anuman ang ginagawa niya ngayon ay hindi para sa kanya. Bagkus ay para sa pamilya niya. She's already twenty eight. At madami na siyang napagdaanan sa buhay niya. At hindi katulad ni Xavier o ni Leandro Jose ang makakapagpabagsak sa kanya. Wala sa magkapatid na De Luca ang dudurog sa buong pagkatao niya. *** IBINALIK na ni Matilde sa dala niyang pouch ang kanyang cell phone at saka niya itinuon ang atensyon niya sa daan. Napahigpit ang hawak niya sa envelope na ibinigay sa kanya ni Xavier kanina sa bar kung saan naglalaman iyon ng mga peke niyang credentials para sa pag-apply niya bukas bilang sekretarya ni Leandro Jose. Marunong naman siyang magpanggap. Ngunit may parte rin sa kanyang natatakot kung papaano ang magiging trabaho niya lalo na at hindi naman siya nakapagtapos ng kolehiyo. Si Matilde kasi ang breadwinner ng pamilya nila. Dalawa lamang silang magkapatid ni Adriana at pareho silang nandirito sa siyudad habang ang mga magulang nila ay nasa probinsya ng Marinduque. Mas pinili niyang makipagsapalaran dito kesa ang manirahan sa probinsya dahil na rin sa madami ang opurtunidad sa Siyudad. At bukod pa doon ay gusto niya ring talikuran at makalimutan ang masalimuot niyang nakaraan. Walong taon na ang nakalilipas. Ngunit para kay Matilde ay parang kahapon lamang nangyari ang lahat. She was a raped victim when she was twenty years old. Kaya rin ay napilitan siyang ihinto ang pag-aaral niya sa probinsya ay dahil sa trauma na natamo niya. Though, she got the justice she deserves at nakulong ang may sala, may mga pagkakataon pa rin na hindi maiwasan at pumapasok sa panaginip niya ang nangyari noon. Pauwi na siya noon nang bigla ay dalhin siya sa masukal na parte ng tricycle driver na sinakyan niya noon pauwi. Then the old man took her virginity. Halos mabaliw nun si Matilde. Gusto niya nang magpakamatay. Hindi niya ginusto ang bagay na iyon. Mabuti na lamang at may tumulong sa kanya noon. At simula nang mangyari iyon ay hindi na siya nagtangkang pumasok sa eskwela. Natigil siya at nagkukulong sa bahay nila. Ngunit dahil na rin sa kahirapan, lumuwas siya ng siyudad at nakipagsapalaran. Pilit niyang kinalimutan ang mga nangyari. Hanggang sa napadpad siya sa ganitong trabaho. Total naman ay patapon na ang buhay niya, bakit hindi niya na lang i-enjoy at lubus-lubusin. Lalo na at wala namang mawawala sa kanya. She's beautiful and sexy. Kaya ginamit niya iyon. Wala naman siyang maipagmamalaking diploma kaya tanging ganda niya ang ginamit niya. Matilde stood 5'7. Papasang pang modelo ang katawan niya. Mahaba rin ang kulay itim at straight niyang buhok. At mapungay din ang maitim at bilugan niyang mga mata. Sabi rin ng kapatid niyang si Adrianna ay nakakatunaw daw ang tingin niya. Tila nahihipnotismo ang sinumang tititigan niya. At dahil kapatid niya iyon, naniwala siya. So she used her beauty to lure men even though it's wrong. At sa mundong kanyang ginagalawan, mahirap man at nakakatanggap pa rin siya ng mga masasakit na salita ay mas madali naman ang buhay niya. Madaling kitain ang pera. Nakakaginhawa na rin ang buhay ng mga magulang niya sa probinsya. Iyon nga lang ay hindi alam ng mga ito kung anung klaseng trabaho meron siya. Kaya hindi niya binibigla ang pagpapaayos ng bahay nila. At kapag nagsawa na si Matilde sa ginagawa niya at napagtapos niya na si Adrianna ay saka siya hihinto. She wants the best for her sister. Kaya nga ay pinag-aaral niya ito sa isang sikat na university dito sa siyudad. Kahit mahal ang tuition ay ginagawan niya ng paraan. Para sa pamilya niya, handa niyang gawin ang lahat. "Ma'am dito na ho tayo..." Mula sa malalim na pag-iisip ay napukaw si Matilde nang marinig niya ang boses ni Manong driver. Napakurap kurap siya at saka napabuntonghininga. "A-ah. S-sige ho. Maraming salamat," saad naman niya at tiningnan sa metro kung magkano ang babayaran niya. Saka siya kumuha ng pera sa wallet niya. Inabot niya iyon sa driver. Tiningnan naman iyon ng huli. "Mukhang sobra ho ito, Ma'am," puna nito sa kanya. Mula sa pagtatanggal ng seatbelt ay napaangat ng tingin si Matilde kay Manong. Lihim siyang napangiti. Sa panahon ngayon nagpapasalamat siya at may mga tapat pa rin sa trabaho nila at hindi nanlalamang sa kapwa. Hindi naman iyon sobrang laki na halaga ngunig nakakatuwa at na-appreciate pa rin iyon ng huli. "Sa 'yo na ho iyan, Manong. Pasasalamat ko ho at inihatid ninyo akong ligtas dito," saad naman niya. May trauma na si Matilde sa mga driver dala ng nangyari sa kanya noon. Kaya para sa kanya ay napakalaking bagay na inihatid siya ng ligtas at walang ginawang masama sa kanya. "Naku! Maraming salamat ho dito, Ma'am..." Tumango si Matilde sa tugon na iyon ng driver. "Wala ho iyon. Sige ho, Manong. Mag-iingat ho kayo," saad niya at saka siya lumabas ng taxi. Dumiretso siya sa inuupahan niyang apartment. Pumasok siya sa gate. At saktong pagpasok niya, pagsipol ng lalake ang bumungad sa kanya. "Nandito na ang diyosa!" saad ni Jake. Ang anak ng may-ari ng apartment. Malapit sa hagdan ay abala ito sa pag-inom kasama ang pinsan nitonv si Autom. Lihim naman na napairap si Matilde. Kahit kaylan talaga. Napaka ng lalakeng ito. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Matilde na may gusto ito sa kanya. Hindi niya lang pinapansin at wala naman siyang makukuha dito. Kung tutuusin nga rin ay pwede siyang bumili ng bahay o condo at umalis na lang dito at doon na tumira. Ngunit ayaw naman niyang magtaka si Adrianna lalo na at paminsan minsan ay binibisita siya nito kapag hindi ito abala sa eskwela. Ayaw niyang magaya sa kanya ang kapatid niya kaya lahat ng ginagawa niya ay nililihim niya. Ang alam nito ay waitress siya sa isang bar at hindi social climber. "Inabot ka na naman ng madaling araw. Sabi ko kasi sa 'yo kapag sinagot mo ako, hatid sundo ka ng big bike ko," mayabang na saad pa ni Jake sa kanya. Napairap naman si Matilde. "Tomboy nga ako. Sinasabi ko sa 'yo. Hindi tayo talo," saad naman niya dito. Paakyat na siya ng hagdan. Napakakulit naman kasi. Wala siyang planong mag-jowa. Bukod pa doon ay bata sa kanya si Jake ng tatlong taon. Ayaw niya ng ganoon. "May tomboy bang ganyan manamit? Ayaw mo lang sa akin, Matilde! Kaya hindi mo ako pinapansin," naiiyak nang saad ni Jake sa kanya. Nailing naman siya saka siya sumenyas kay Autom na daluhan ang pinsan nito. Wala siyang planong pumatol sa bata. Kung magjo-jowa naman si Matilde ay mga tipo ni Leandro Jose ang gusto niya. He looks rugged. Ang sexy din tingnan ng huli sa bigote nito. He really looks like her daddy na handa siyang i-baby. Napahagikhik siya sa isipan niya. Napaka-hot naman kasi talaga ni Leandro Jose. Parang ang sarap magpabihag sa mga braso nito. Paniguradong mararamdaman niya ang matigas na muscles nito sa braso at abs sa tiyan. Nakakapang init. Pero dahil sa misyon niya, ay bawal nang mag-exceed ang pagkagusto niya dito. Baka mapurnada pa ang kalahati ng ibabayad sa kanya ni Xavier De Luca. "Bahala ka na d'yan, Autom. Lasing na iyang pinsan mo," saad niya sa mga ito at hindi na inintindi ang pagngawa ni Jake. Pumasok siya sa kwarto niya. Kaylangan niya nang magpahinga at mag-beauty rest. Maaga pa siya bukas. Kaylangang maglaway si Leandro Jose sa beauty niya kapag nakita siya para good news iyon kay Xavier De Luca. *** PAGDATING sa loob ay pabagsak nang nahiga si Matilde sa kama. She should take a shower para mawala ang pawis sa katawan niya. Pero dahil sa hanggang ngayon ay naaamoy niya pa rin ang pabango ni Leandro sa katawan niya ay mas pinili niyang 'wag na. Hindi naman siya gaanong pinagpawisan ngayong gabi at laway lang ni Leandro Jose ang naiwan sa katawan niya. Okay na siguro iyon. Napahagikhik siya. Ang lalakeng iyon. He's really hot and handsome. Makalagpag panty ang datingan. May pagkakahawig sila ni Xavier De Luca lalo na at magkapatid sila. Pareho ring seryoso at matapang ang itsura ng mga ito. Pero para kay Matilde, tipo niya si Leandro Jose. Nakakapaso kasi ang haplos ng binata kanina. Kakaiba. Halata mong pogi ang nagroromansa. Napailing si Matilde at bigla ay bumangon siya sa kama. Wala na talaga siyang planong mag-shower ngunit kaylangan niya pala iyong gawin lalo na at nag-iinit na ang katawan niya. Now she wondered about kung anu na kaya ang ginagawa niya ngayon kung sakaling umatake bigla ang karupukan niya at may nangyari sa kanilang dalawa at bumigay siya. Magkatabi pa rin kaya sila sa kama ngayon matapos nilang magniig? At magkayakap na magpapalipas ng gabi sa hotel? O baka naman, matapos pagsawaan ni Leandro Jose ang katawan niya ay magbibihis din kaagad ito at iiwan siya? Nuh. Nailing si Matilde. Hindi niya dapat isipin ang bagay na iyan ngayon. Masyado pang maaga. Mag-uumpisa pa lamang siya sa mission niya. Kaylangang mahulog sa kanya si Leandro Jose para makuha niya ang ilang milyong ibibigay sa kanya ni Xavier De Luca. At iyon ang mahalaga sa lahat. At para sa kanya, pera ang nagpapasaya sa kanya. *** HINDI rin naman nagtagal sa shower room si Matilde at kaagad siyang nagbanlaw. Nakakaramdam na rin naman kasi siya ng pagod at anong oras na. Pasado alas tres na ng madaling araw. Kaylangan niya nang magpahinga para sa pagpunta niya sa kompanya bukas. Pabagsak siyang naupo sa dulo ng kama matapos niyang itali ng mahigpit ang robang suot niya. Saka siya nag-apply ng cream sa mukha niya. Routine niya talaga iyon araw-araw at gabi-gabi. At kahit anong pagod niya ay hindi pwedeng pumalya ang pag-apply niya ng mga skin care niya. Hindi rin naman nagtagal iyon saka nagbihis si Matilde. Isang pulang lingerie ang sinuot niya. Sumampa na siya sa kama. Pahiga na sana siya nang mapansin ang envelope na binigay ni Xavier De Luca kanina sa bar. Inabot niya iyon at binuksan. Saka niya tiningnan ang mga pekeng credentials na nanduon. At hindi nga maiwasang umarko ang kanang kilay niya nang mabasa ang mga nakapaloob doon. "Desiree Magallanes. A graduate of accountancy? Suma c*m laude?" basa niya sa credentials doon. "Halatang hindi ako 'to ah," saad niya. Sarkastikong pang napangisi si Matilde sa nababasa niya. Imbis na matuwa ay tila mas nainsulto pa siya. Naisip niya iyong sinabi ni Xavier kanina na panget ang background niya. Totoo naman iyon. At malayong malayo siga ngayon sa mga nakapaloob sa envelope. Pero simula bukas, siya na si Desiree Magallanes. Pangalan pa lang mukhang matalino na. Graduate pa ng accountancy at partida suma c*m laude pa. Loko lokong Xavier De Luca. Napakataas naman ng credentials ng ipapakita niya. Mabuti na lamang at best in math si Matilde noong high school pa siya. May ibubuga siya kung sakali man bukas pag-apply niya. "Diyos ko ka! Xavier De Luca! Sana mapanindigan ko 'to," bubulong bulong na saad pa niya habang tinitingnan ang grado ng isang Desiree Magallanes. Ang tataas. Halatang masipag mag-aral--which is napakalayo sa personalidad ni Matilde. Hindi nga siya mahihirapang akitin ang isang Leandro Jose. Mukhang dito naman sa pagiging sekretarya siya papalpak. Baka ngumanga lang siya oras ng trabaho. Napabuga ng hangin si Ysa at saka muling ni-check ang laman ng envelope. At doon ay nakita rin niyang may gawa nang Identification card doon. Picture niya ang naroon at Desiree Magallanes ang pangalang nakasulat. May pirka na rin kagaya ng pirma niya sa kontrata nila ni Xavier. Napakahusay. Mukhang tunay ang pagkakagawa. Gusto niyang pumalakpak. Nailing siya. Ayaw niya na munang mag-isip. Kaylangan niya na munang magpahinga at mag-beauty rest. Tiyak kasi ay sasalang siya sa katakot takot na interview bukas. Mabuti nang idaan niya na lamang sa ganda ang lahat bukas. Dahil paniguradong papalpak ang plano oras na hindi siya matanggap. Pero siguro naman ay gagawan iyon ng paraan ni Xavier lalo na at kasabwat niya ito. Petiks lang dapat siya. Inisa isa niya nang ibinalik sa envelope ang mga pekeng papel na iyon at saka siya nahiga sa kama. Pinikit na ni Matilde ang kanyang mga mata. At segundo pa lamang ay kaagad na siyang dinalaw ng antok. *** NAGWAWALANG cell phone ang gumising kay Matilde kinabukasan. Pikit mata niya pang inabot iyon sa bed side table at antok na antok pa siya. Pakiramdam niya ay may pandikit ang mga mata niya at hindi niya iyon maidilat. "H-hello?" aniya matapos niyang sagutin ang tawag ng kung sino mula sa kabilang linya. Hindi niya na iyon tiningnan at hindi niya talaga kayang idilat ang kanyang mga mata. Ngunit nang marinig niya ang galit na boses ni Xavier sa kabilang linya ay awtomatikong napabangon si Matilde. "Where the f**k are you, Miss Ramos?! It's already eight and you're still not here! Nagsisimula na ang interview! f**k! I cleared my schedule just to make sure na makukuha ka ni Leandro Jose especially that he's the one interviewing the applicant! Pero hindi mo naman inaayos ang trabaho mo! You're late! Napakadaming aplikante sa labas!" galit na galit ang baritonong boses na saad nito sa kanya. Pabulong iyon ngunit ramdam ni Matilde ang gigil nito sa bawat salita. "H-ha? Alas otso na? Kakapikit ko pa lang ah!" saad naman ni Matilde at saka napasulyap sa wall clock. At tama nga si Xavier De Luca sa sinasabi nito. Nanlaki ang mga mata niya. "Faster Miss Ramos! By eight thirty that you're still not here, hindi na kita babayaran!" banta nito sa kanya. "O-oo na! 'Wag ka namang atat! Anong gusto mo? Lumipad ako papunta d'yan?!" Pag-irap niya at saka binaba ang tawag bago pa man ito makasagot sa kanya. Palibahasa kasi alam ni Xavier De Luca na mukha siyang pera kaya iyon parati ang ipinapang blockmail sa kanya. At aminado si Matilde na natatakot siya. Dahil sayang ang effort niya. Ang laki pa naman ng talent fee na ibabayad ni Xavier sa kanya. *** NAGMADALI na sa pagkilos si Matilde. Gusto niya pa sanang magbabad sa ilalim ng shower pero dahil naiisip niyang malapit nang bumuga ng apoy si Xavier ay nagmadali na siya. Hindi na rin nakapag-isip pa ng tamang susuotin si Matilde at kung anu ang una niyang nakitang damit sa cabinet ay iyon na ang isinuot niya. Pulang dress iyon na hapit na hapit sa katawan niya ay tanaw na tanaw din ang cleavage niya. Pero kiber naman at kaya niyang dalhin iyon. Nag-apply din siya ng pulang lipstick sa labi niya at saka blush on. She even put eyeliner on her eyes para mas magmukha siyang singkit. At dahil din puyat siya ay kaya siya naglagay ng concealer sa ilalim ng kanyang mga mata. At nang ma-satisfy sa kanyang itsura ay saka lumabas ng apartment si Matilde bitbit ang fake credentials niya. Mabuti na lang at wala si Jake pagkalabas niya. Walang asungot na mang-aabala sa kanya. Lumabas ng gate si Matilde at hinintay ang angkas driver na pinag-book-an niya. Hindi na siya nag-abalang mag-taxi at traffic. Baka lalo siyang matagalan. Mabuti na lang din at hindi rin nagtagal ay dumating na ang rider na hinihintay niya. Eight twenty na. Sampong minuto na lang late na siya. Napabuga ng hangin si Matilde. "Kuya, kung kayang lumipad ng motor mo, parang awa mo na. Gawin mo na. Male-late na ako," saad niya matapos niyang umangkas at magsuot ng helmet. Natawa naman ang rider. "Subukan ko Ma'am," saad naman nito sa kanya at saka pinasibad ang motor. Mabuti na lang at hindi kalayuan sa kompanya ng mga De Luca ang apartment ni Matilde at sinunod din ng rider ang sinabi niya. Nang makarating doon ay kaagad siyang nagbayad at pumasok sa loob ng kompanya matapos niyang ipakita ang ID niya bilang Desiree Magallanes. Bahagya pa ngang napakunot noo ang guard nang makita siya. Marahil ay namumukhaan sia nang magtungo siya dito kahapon. Pagpasok na pagpasok pa lamang ni Matilde ay agad na may lumapit sa kanyang babae. "You are Desiree Magallanes, right?" Bahagya pang nag-loading si Matilde sa sinabi ng babae. Tatanggi pa sana siya kung hindi niya lang naalala na iyon na pala ang pangalan niya. Tumikhim siya dito at sinabing oo. Agad naman siya nitong iginaya papasok ng lift. "Mister Xavier De Luca's already waiting for you, Miss Desiree," anito sa kanya. Tipid naman na napangiti si Matilde. Hindi siya makapagsalita. Bigla ay inatake siya ng kaba at hindi niya maintindihan kung bakit. Hanggang sa tumunog ang elevator. Lumabas sila doon. Iginaya siya ng babae papasok sa opisina ni Xavier De Luca. Matapos kumatok ay saka siya pinapasok. "Come in," dinig niya pang tugon ng baritonong boses ni Xavier mula sa loob. At pagkapasok nga niya ay agad siya nitong sinalubong ng tingin. Napakunot noo nito. "What do you think you're wearing?" bungad na sambit nito sa kanya at saka siya pinasadahan ng tingin. Ngunit ang napansin ni Matilde ay nagtagal ang paningin ni Xavier mula sa dibdib niya. Nakita niya pa ang paglunok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD