Sabrina’s Point of View Nasa lobby na ako ng condo ni Luke at papunta na sa elevator nang mapatigil ako dahil sa pagtawag sa akin ng isang babae. “Mrs. Villafuerte.” Nilingon ko iyong babaeng tumawag. Feel na feel ko naman iyong pagtawag niya sa akin ng misis. Itinuro ko ang sarili ko at tumango naman iyong nasa front desk ng lobby. Lumapit ako sa kanya para magtanong kung bakit niya ako tinatawag. “Kindly check your mail box po.” Sabay turo niya sa lugar kung nasaan ang mailbox ng mga taong nakatira rito sa condominium na ito. “May pumunta po kasing lalaki rito kanina at pinapasabi niya po na sabihan ko si Mr. Villafuerte kapag dumating na rito kaya lang po ay hindi ko pa nakikita ito. Baka po kasi importante.” Aniya. Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Okay. Thank you.” Ngumiti rin

