Andrea’s Point of View Nagising ako dahil para bang may kaguluhan sa labas. Napatingin muna ako kay Terence na mahimbing pa ring natutulog. Tumayo muna ako para sumilip sa labas. Sumalubong sa akin ang mga nagkukumpulang tao sa hindi kalayuang kwarto mula rito. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong kwarto ni Ivan iyong pinagkakaguluhan. Lumabas ako ng silid ni Terence para lumapit doon pero hindi ako nagtagumpay. Sa gitna ng komosyon ay nakita ko si Lucille na tulala at para bang wala sa sarili. May mga pulis din na nasa loob at may mga doktor na tinitingnan ang lagay ni Lucille. Kinakausap ng mga ito si Lucille pero hindi sumasagot si Lucille at tila ba wala siyang naririnig. “Excuse me,” kahit mukhang off limits ay tinangka kong lapitan si Lucille. May humarang sa akin pero nagmatiga

