Andrea’s Point of View Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila dahil sa matinding panghihina ng aking katawan. Sumulyap ako sa kanila. Nakita ko si Tita Ana na tila ba pinoprotektahan si Terrence sa panunutok ng baril ni Ian. Umiiyak si Tita habang nanginginig naman ang kamay ni Ian sa hindi malamang dahilan. Bakit naandito si Terrence? Hindi kaya tama ang hinala ko na anak nga siya nila Tita Ana at Ian? “If you want to shoot someone, Dad, then shoot me instead. Don’t involve my cousin and my mom here.” Marahang hinila ni Terence si Tita Ana at inilikod niya ang ina, tila pinoprotektahan ito. “I-Ikaw ba talaga ang anak ko? Pero paano? Hindi Terence ang pangalan ng anak ko—” “Antonni Christian Maranzano.” Sabi ni Terence na siyang mas ik

