Chapter 72:

2024 Words

Alexis’ Point of View “Anong gagawin natin? Wala pa si Kevin. Hindi pa natin siya macontact. Baka may mangyaring hindi maganda kay Andrea!” Natatarantang sabi ni Sabrina. Magkakasama na kami ngayon dito sa condo ni Lawrence matapos makatanggap ng tawag ni Lawrence na hawak daw ng tito ni Kevin si Andrea at Tristan. “Nakausap ko na sila Tita Ana. Papunta na sila rito.” Mahinahong sabi ko kahit na gusto ko nang magwala at tumakbo ngayon kung nasaan man sila Andrea. “Nakausap ko na rin si Tito Karlo. Ipapahanap niya raw si Tito Ian at sasabihan niya agad si Kevin. Nasa meeting daw kasi si Kevin kaya’t hindi natin macontact.” Sabi naman ni David. Napaupo ako sa sofa sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Agad naman akong tinabihan ni Lawrence. Inakbayan niya ako at hinimas ang aking balikat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD