Andrea’s Point of View Agad akong nag ayos. Babalik na ako ngayon sa bahay para kunin ang mga gamit ko at didiretso ng aiport pauwi ng Pilipinas. Nagpaalam ako kila Dad. Ni hindi na ako nakapag umagahan doon. Hinatid niya naman ako sa aming bahay. “Take care, Andrea.” Hinalikan ni Dad ang noo ko at pinunasan ang mga luhang tumatakas sa aking mga mata. Niyakap ko siyang muli bago pumasok sa loob ng bahay. Huminga ako ng malalim. Kung pigilan man ako ni Mommy ay hindi ako papapigil. I want to see Kevin. Kevin needs me! Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko si Mommy na nakain sa dining area. Nahagip ako ng mga mata niya kaya’t tumigil siya sa pagkain at tumingin lang sa akin. Nag iwas ako ng tingin at agad na pumunta sa kwarto ko. Nasa loob pa rin ng mga dala kong bag ang mga gamit

