David’s Point of View Ilang buwan na rin ang lumipas magmula nang matapos kung anong mang hidwaan ang mayroon sa grupo namin at sa grupo nila Lucille. Nagdaan ang pasko at ang bagong taon. I spent those times with her and cherishing every moment with her. Ipinakilala ko siyang muli sa pamilya ko na mainit naman siyang tinanggap. Nagkasundo rin silang dalawa ng kapatid ko kaya’t wala akong naging problema. “Gago kinakabhan ako.” Sabi ko sa mga kaibigan ko. Kasama rin namin si Tristan dahil humihingi kami ng payo sa kanya ngayon. Malapit na ang graduation namin at may binabalak akong itanong kay Lucille. Hinanda ko na rin ang lahat gayunpaman, hindi ko inaakala na ganito ako kakabahan sa araw na pinaghandaan ko. “Oh ano? Back out na? Wala ka palang balls sabihin kay Lucille, eh.” Nakaha

