Tahimik niyang pinag masdan si Miss Abuerde na abala itong naka sulyap sa labas ng kotseng minamaneho niya.
Ilang minuto ang nakalipas nanibago ai Sander. Tumikhim siya para umagaw ng pansin dito.
"A-ahmm."
Ngunit wala parin. "Ano ang iniisip mo?" Umangat ang tingin nito at umiling nagpatuloy muling nakadungaw sa bintana ng kotse.
Sumilip si Sander sa side mirror kung nakasunod ba sakanila ang tauhan niya.
"Pwede ba tayong dumaan sa bahay ko?" Malamig nitong tono.
Sumulyap siya dito.
"Okay, doon talaga ang sadya ko bago tayo pumunta sa mall."
"A-ah okay, salamat." Tipid itong ngumiti sakanya.
Mabilis silang nakarating. Pinarada niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Huminto rin ang kasunod nilang kasama.
Lumingon siya kay Miss Abuerde.
"Ito lang ang pakiusap ko sayo.Hindi ka pwedeng bumaba ng sasakyan ko."
Lumingon itong nagtataka.
"Bakit? Ano pa ang dahilan ng pag request ko sayo kung hindi rin ako pwedeng bumaba at kamustahin ang mga kapit bahay ko?" Tanong nito sakanya.
"For your safety Miss Abuerde. Hindi ka pwedeng makita na bumalik ka dito sa bahay ninyo."
"Ano ba ang meron? Mapapahamak ako? Wala naman akong kasalanan sa tao at na agrabyado?!"
"Exactly! Ikaw wala. Pero sila ang may kailangan sayo." Nagulat ito.
"H-huh?! H-hindi ko maintindihan?" Medyo utal nitong tanong.
"I know, ipaliwanag ko sayo pag uwi natin. Ako na ang bahala dito."
Tumango si Nanan kay Sander. Sinundan niya ng tanaw ang bulto nitong likuran habang tinahak ang bahay niya at kinausap ang kapit bahay na si Aling Ebora.
Kumunot ang noo ni Nanan.
"Anong ginagawa ni Sander? May ikagwapo pala ang kulog na 'yon?" Tsaka umiling.
Ngayon niya lang itong nakita na ngumiti ng maayos sa harap ng tao. Pinagmasdan niya bawat kilos sa malayo. Sumilip siya sa kabilang side mirror nakita ang isang sasakyan na kasama nila hindi pala ito lumabas.
Habang nakatanaw abala ang isipan niya. 'Ano ba ang ibig sabihin ni Sander na mapapahamak ako? Naguguluhan talaga siya sa mga kinikilos nila? Pero may chance naman akong makatakas, saan ka pupunta nanan sigurado akong hahanapin ka nila saang lupalop ikaw tumago!'
Kumunot ang noo ni Nanan ng lumingon siya sa kabilang gawi sa bahay nila tino. Nakita niyang nakatayo sa loob ng tindahan.
"Ano'ng tinatanaw niya?" Ng tumingin siya sa likuran ang sasakyang kasama nila.
Tumingin ulit siya dito ngayon niya lang napansin ang aura ni tino may kakaiba sakanya ng tumingin ito sa gawi ni Sander.
Tumaas ang kilay ni Nanan ng makitang pasimpleng inabot ni sander ang puting sobre sa mga kapit bahay niya at nakitang bumulong si Sander sa mga ito. Nakita niya ang malapad na mga ngiti ng kapit bahay at nakipag kamay pa dito.
"Anong meron sa sobre? Pera ba 'yon?!" Ng mahulaan niya ito.
"May puso naman pala ang kulog na iyon. Bakit sa ibang tao lang ito makitang ganyan makipag usap at friendly?" Bulong niya.
Lumingon siya sa kabilang bintana.
"Ay putakte!!" Halos tumaas ang puwet ni Nanan sa kinaupuan niya sa gulat ng may tao sa labas ng bintana at si tino ito.
Bigla siyang kinabahan. 'Masyado kalang praning Nanan sa sinabi sayo ng kulog na iyon.'
Nag alangan siya kung baba.
'Kanina ka lang pinakiusapan ni Sander na bawal lumabas ng sasakyan Nanan!'
Kaibigan naman niya ito si tino ng akmang buksan ang pintuan ng sasakyan may lalaking humarang.
"Migs?!" Usal niya sa loob.
Mahigpit tinulak ang pinto pabalik. kaya hindi niya ito mabuksan at hindi makababa.
Nakita niyang tinapik ni Migs si Tino at tumango ito.
"Sandali paano nalaman ni tino andito ako sa loob sasakyan? Ang alam ko tinted ito at hindi mo makikita ang tao sa loob?" Mahinang sambit niya.
Biglang bumukas ang pintuan ng driver seat si Sander.
"Lets go."
"Sandali kausapin ko lang ang kaibigan ko si tino?" Kumunot ang noo ni Sander.
"No." Sabay nitong pinaandar ang kotse pinaharurot.
Lumingon siya sa likuran nakita niya si tino nakatayo sa harap ng tindahan nila habol nitong nakatanaw rin sakanila.
Mabilis silang nakarating sa loob ng mall. Tumaas ang kilay ni Nanan ng makitang ito ang mall na lagi niyang tambayan.
"Anong gagawin natin dito?" Takang tanong niya ng makitang lumabas ang iba nilang kasama.
Bumuga ng hangin si sander.
"To shop your dress."
Sabay lapit sakanya parang slow motion. Napakurap siya ng hinawi nito ang munting buhok sa mukha niya.
Nilapit nito ang mukha sakanya saka bumulong. "Alangan namang mag date tayo dito? Gusto mo ba?" Pang akit nitong boses.
"G-gusto ko." Napatakip si Nanan sa bibig niya ang salitang lumabas dito.
Nilayo ang mukha niya dito.
"I-i mean gusto ko to shop my dress." Medyo raspy ang boses niya.
Ngumisi sa kanya si Sander at umiling.
Pagktapos lumapit ang kasama nila.
"Boss?" Lumapit si Migs at iba nilang kasama kay Sander.
Simple lang suot nila mukhang mag shopping lang rin.
"Bantayon ninyo ito si Miss Abuerde. Huwag kayong lumayo sa kanya."
Ngumiti ang sulok ng labi ni Nanan.
"Sige boss." Tumango ito.
Naunang nag lakad si Sander na pumasok sa loob ng mall nasa gitna siya ng mga ito. Nagtatakang paakyat sila sa third floor. Huminto sila malaking opisina at pumasok.
"Wala man lang katok?" Bulong niya.
Narinig siya ni Migs. "Ma'm lady opisina ng kaibigan niya yan may ari nitong malaking mall at investor rin dito si boss kaya ganyan umasta." Mahinang salita nito habang nakasunod sila dito.
"Kaya naman pala. Oo nga pala Nanan nalang itawag mo sa akin."
'Dahil hindi n'yo na ako makakasama pauwi mamaya.' Dugtong niya sa isipan.
Nahihiya ito."Yari kami kay boss."
Magsasalita sana siya.
"Well, what are you doing here Sander?"
Napanganga si Nanan sa harapan nila. 'Jusko po! Napaka gwapo ng nilalang ito kulay brown ang buhok katulad ng mata niya.'
"You know, what i need." Sagot ni Sander.
"Ooww." Ng mapagtanto. "Ofcourse! So, sino itong babaeng kasama ninyo?" Ng lumapit ito sakanya at hinagod ng tingin. "This is your offer? I don't like manang style although she have a beauty." Sabi nito na kinataas ng kilay niya.
Napasinghap si Nanan ng hilahin siya ni Sander palapit sakanya dahilan tumama ang mukha niya sa dibdib nito at halos nakayakap na siya dito.
"No. She is already mine." Tumaas ang kilay ng naka brown at humalakhak.
Kumalas si Nanan sa pagka dikit dito.
"Ito naba ang bagong style ng gusto mo? Dahil sawa kana sa mga babaeng naika___"
Naputol ang sasabihin ng biglang lumapit si Sander at suntukin ng mahina ang tyan nito.
"F**k you!" Tumawa lang ito hawak ang tyan.
Tulalang nakatingin siya sa dalawa.
"By the way, Miss Abuerde. He is Tati Evans." Pakilala ni Sander.
"One of his bestfriend's." Sabi nitong naka ngiti at nakipag kamay ito sakanya.
"Nanan Abuerde." Ganti ng ngiti niya dito.
"Migs umalis na kayo samahan ninyo si Miss Abuerde." Sabi nito ng may maramdamang may card sa palad niya. "Gamitin mo yan." Tumango nalang siya at sumunod kay Migs palabas ng opisina. Para mamili ng mga gagamitin niya.
Nang makababa na sila. Ilang tindahan narin ang naikutan at naka ilang paper bags ang dala nila.
Dahil sa pagod at naiihi na siya.
"Migs mag restroom lang ako. Hintayin ninyo ako dito. 'Yon naman ang restroom?" Turo niya sa mga ito.
"S-sige" Nag alangang sumagot kung sasama pa ba ito.Tumangong naka ngiti siya dito.
Tumingin siya sa paligid at mabilis tinungo ang restroom.
"This is it Nanan" Ihing-ihi na siya.
Pumasok sa cubicle.
'Kanina kapa hindi mapakali Nanan? Gusto mong tumakas? Mag isip ka muna ng sampung beses. Kapag nahuli ka ni Sander siguradong kukulog yon may kasama pang kidlat at mag paulan ng mga tauhan para hanapin ka kung saan lupalop ka pumunta alalahanin mo!'
Pinilig ang ulo sa kanyang naiisip.
Nagulat siya ng may kumalabog sa kabilang cubicle. Kinakabahan siya sa narinig pinalipas muna ang ilang sandali. Bumuga siya ng hangin at pinalakas ang loob at bago umalis.
Pagkalabas sa cubicle. Napasinghap siya ng may humawak sa bibig niya at hinawakan sa kabilang braso.
Akmang sisigaw inunahan na siya.
"Don't move! Huwag kang magkamaling sumigaw." Mariin na utos sakanya at hinila siya ng paatras pabalik sa kabilang cubicle hindi niya makita ang hitsura. Tila ngayon maiihi ulit siya sa kabado.
"S-sino kaba? A-anong k-kailangan mo?" Utal niyang tanong pero naamuyan niya ang casual nitong pabango halatang mamahalin.
May naramdaman siyang kakaibang bagay sa likod niya.
"Huwag kang maingay!" Nangatog ang kanyang tuhod gusto niyang sumigaw at humingi ng saklolo.
"Sandali lang naman ito Miss may ibibigay lang ako sayo." Naramdamang may nilagay sa bulsa ng pajama niya. Napalunok siya ng laway sa sobrang kabado.
"Pagkalabas mo dito deretso ang tingin huwag kang tumangkang lumingon. Naintindihan mo?"
"A-anong__"
Tinulak na siya palayo dito.
"Nasa paligid lang ako nakamasid sayo. Tandaan mo! Bilis umalis kana!"
Tumangong kinakabahan siya at nagkumahog na lumabas ng restroom. Kinakapa niya ang laman ng bulsa niya.
"Ano kaya ito? Sobre?!" Ng makita niya.
"Nanan!!" Napaangat siya ng tingin si Sander.
Mabilis niyang binalik sa bulsa ang sobre. Kinakabahang ngumiti siya dito ng alanganin.
"Bakit ang tagal mo? Bakit tila namumutla ka at pinag papawisan?" Ng makalapit sakanya ito.
Akmang hahawakan siya. Nilayo agad ang sarili niya dito.
"A-ahh. Akupado kasi ang lahat ng cubicle at naghintay ako." Sagot niya mabuti hindi siya pumiyok.
Tumaas ang dalawang kilay nito. Sinusuri siya kung maniniwala ba ito sa sinasabi niya.
"Uwi na tayo. Napagod lang ako."
Yaya niya ng hilahin si Sander para makalayo sila sa rest room.
Lumingon pa siya sa gawi ng restroom.