KABANATA 17 ambush

1531 Words
Natagalan kami ng paghihintay dito sa parking area. Dahil may bibilhin pa raw si Sander inip na inip na siya sa kakadungaw sa bintana ng sasakyan. Heto ngawit na ang leeg at namuti na ang mata niya sa pag-aantay. 'Siguradong gabihin kami nito sa daan! gusto nang magpahinga parang awa muna sander may balak kapa bang umuwi?' Gigil niya. Dumungaw siya sa labas kung saan sina Migs nakabantay at naghihintay rin sa boss nila. "Ano ba yan! Mapapanisan ako dito ng laway." Usal niya. Ngunit may nahagip ang paningin niya sa kabilang dulo ng mga sasakyan. Napapansin niya ang lalaki tumatago na sumisilip tiningnan niya kung saan ito tinutumbok kina Migs at muling tumingin sa kinaroonan ng lalaki. Kumurap siya na bigla itong nawala. Bumundol ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Kumalma siya ng makita si Sander. "Sa wakas lumabas ang kulog na iyon!" Mahinang usal niya. Tanaw itong nag lalakad palapit sakanila. May dala itong paper bag. Kumunot noo siyang tinitigan bawat hakbang nito. "Grabe parang model kung maglakad daig mong nirarampa ang suot nitong jacket at maong pants wait, nakasalamin pa?! Anong trip nito? wala namang araw ah?! mag didilim na nga oh. Ang taas naman ng level nito." Napaismid si Nanan sa hitsura ng lalaki. 'Okay lang, atleast mas lalong naging gwapo sa hitsura. Tiyak kung sinuman sa babae ay laglag ang panty nila este laway nila at baka lumabas pa eyebuls nila with a heart shape panigurado malalaway ka sa kakisigan ni Sander Abilla.' Umikot si Sander para umupo sa driver seat. 'Wait, kahit ako tulo din laway. Shocks! hindi naman napanganga lang grabe ka Nanan!' Ngumisi si Sander at kumibot ang gilid nitong labi nasisiyan sa hitsura ng babae sa harap niya. Napakurap siya ng may pumitik sa harapan niya. "Ow s**t!" Pinilig ang ulo niya. Nasa loob na pala ito heto at nakatitig pa sakanya. "Tapos kana bang suriin ako? O baka naman diyan sa utak mo hinuhubaran na ako?" Ngising turan nito sakanya. Gumalaw ng kaunti si Nanan sa upuan dahilan napipilan siya sa sinabi ni Sander. "Ngayon ko lang napapansin ang isang kulog pwede rin pala maging mahangin!" saka umirap dito. Umarko ang kilay ni Sander sa tinuran niya. Napaismid siya dito tsaka ngumiti. "Let's go, fasten your seatbelt." Ng i'start na ang kotse. Kinabit na niya ito saka bumulong. "Masyado kang bossy." Sumulyap saglit si Sander. "I know." Saka pinaharurot na ang kotse paalis sa mall. Sumulyap saglit si Nanan dito na nakafucos sa pagmaneho. Dahil dito dumukot sa bulsa para kunin ang phone niya doon niya naalala wala na pala ang phone. Ibang bagay ang nakapa sa kanyang bulsa. 'Ano ito___sulat?!' ng magka-ediya siya. Napa-upo ng maayos si Nanan hindi mapakali. Sumulyap sakanya si Sander ng mapansin ito. "What's wrong?" Lumingon siya saka umiling dito. 'Sasabihin ko ba ito kay Sander? Baka mamaya isa itong death note?' Kinalibutan si Nanan sa kanyang naiisip. Biglang tumunog ang phone ni Sander. Beeep Dahilan napaigtad siya sa gulat. Kumunot noo sakanya si Sander ng lingunin siya saglit. Saka kinuha ang phone nito sa bulsa at nag suot ng airpod. "s**t!" mura nito ng may kausap sa kabilang linya. Doon palang kinakabahan si Nanan. "B-bakit Sander?" lumingon lang ito sakanya. Nakita niyang napatiim bagang ito sa galit at humigpit ang kapit nito sa manibela. May tumama sa bintana ng sasakyan. Dahilan napatili si Nanan ng may bumaril sa sasakyan nila. "A-anong ngyayari Sander?!" Kinakabahang sigaw niya dito. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib mas malakas pa ito sa karera ng kabayo. "Hold on! and don't worry naka bullettroof itong sasakyan." Sambit nito para pakalmahin siya. Saka kinuha ang baril sa loob ng jacket nito. Napamulagat ng mata si Nanan. "A-anong g-gagawin mo?" Kandautal niyang tanong dito. "Just please, quiet! at kumapit ka ng mahigpit!" May bumangga sa kotse nila sa likuran at ang isa sa tagiliran may umawat sa dalawang sasakyan ng banggaan ito ng kanilang kasama sa hulihan at pinaputukan ang mga gulong nito. Napatili si Nanan sa mga putukan ng baril sa kotse nila at tuluyang lumandas ang luha sa kanyang mukha takip niya ang dalawang tenga. "P-please, p-lease..no!.. no!" Sigaw nito nauutal na at umiiyak. Tila nahihirapan huminga. Sinulyapan ni Sander si Nanan. Nanlilisik na ito sa galit ng makitang takot na takot ang dalaga. "Close your eyes" utos nito tumango si Nanan hindi alam kung makakaligtas paba sila ng buhay. Biglang hininto ni Sander ang kotse at binuksan ang bintana saka bumaril sa kalaban. "F*ck!!" mura nito. Tumirik ang sasakyan ng kalaban sa gitna ng kalsada. Akmang lalabas siya at napalingon. "N-noo, S-sander huwag kanang lumabas!" Pigil ni Nanan ng hawakan ang braso nito natatakot siyang mapahamak ito. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas upang pigilan ito. Kinuha ni Sander ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito. "Sandali lang ito." Saka lumabas. "P-lease...." tumulo ang luha niyang nakatitig kay Sander. Malamig itong tumingin sakanya saka lumabas ng sasakyan. Narinig niya ang putukan sa labas. Tumama ang mga bala sa bintana ng sasakyan nila dala ng lagisit ng mga salamin naitakip ni Nanan ang dalawang kamay sa tenga dala ng kanyang takot. Lakas loob siyang dumungaw sa bintana nanlulumo makitang nakatayo si Sander sa harap ng kotse at may lumabas na lalaki nakataas ang dalawang kamay at nakayuko. Nakatutok ang baril dito ni Sander at ni Migs. Saka nilapitan ang lalaki at sinuntok sa tiyan kaya napaluhod ito dumura ng dugo. Walang alinlangang binaril ni Sander sa ulo kaya bumagsak ang duguang katawan at nakahandusay sa sahig. Napapikit si Nanan sakanyang nakita. "W-who are you Sander Abilla? at sino ang mga taong may gawa nito?" Bulong niya. Ilang segundo may naalala si Nanan nanginginig ang kanyang kamay habang dumukot sa bulsa. Binuksan niya ang sobre at may papel pa itong nakatupi saka binuksan at binasa. "YOU ARE IN DANGER! YOUR LIFE IS IN YOUR HANDS. MAKE CHOOSE WISELY! HERE IS THE OPTION: DO YOU WANT TO ESCAPE? THEN YOU MUST DIE! DO YOU WANT TO LIVE? THEN STAY, TO KEEP ALIVE! I AM WARNING YOU, DON'T TELL ANYONE ABOUT THIS...I AM COUNTING ON YOU MISS ABUERDE.... --U.G "A-ano to___D-death note?!" Bulalas niya ng punitin ito at nilagay sa bulsa. Kumabog ng mabilis ang dibdib tila hirap niyang intindihin at unawain ang nakasulat. Niyakap niya ang katawan habang nakayuko nanlulumo siya sa mga nasaksihan ngayong araw. Tahimik siyang humikbi at mga sikdo sa kanyang dibdib unti-unting bumibilis ang pagtibok ng puso malapit ng hindi maging normal masakit at hinihingal dahilan napahawak siya sa kanyang dibdib. Humakbang palapit si Sander sa kotse na sinasakyan nila. Nanlulumong nakatulala siya sa hitsura ni Nanan. Dinaluhan niya ng yakap ang dalaga. "S-ssh.. it's okay. Nandito na ako." Pag-aalo nito habang hinahagod ang kanyang likod para kumalma siya. "B-boss?" Lumingon si Sander. "Sandali lang Migs." Umiwas ito ng tingin. "Sige boss." *** May isang sasakyan kalayuan sa pinangyarihan ng insidente. Sa loob ang isang lalaki may kausap sa phone. "Boss ginawa ko na ang inuutos ninyo.." alanganin na salita. "Ngunit boss bulletroof ang sasakyan ni Mr. Abilla." report nito. "Tarantado! Anong silbi na pinapagawa ko sayo puro ka pangako wala din kwenta!" Sa kabilang linya na kausap ito. "Umalis kana diyan, ngayon din! Baka matunugan tayo ni Abilla!" Tumatango ito. "Sige boss!"ng ibaba na ito ang phone. "Tssk, sablay! babalikan kita Mr. Abilla." Saka pinaandar ang sasakyan at pinaharurot. Sa kabilang banda may nakamasid rin sakanila sa loob ng sasakyan ang lalaki. May pulang bandana sa leeg ginagamit pang takip sa mukha sa tuwing kailangan ito at may isang sunglasses sa ulo. Nakita nito ang paalis ng isang sasakyan kalayuan dito. Muling nakatanaw ito sa sasakyan na kinaroonan ni Sander ilang metro ang layo. May hawak itong telescope na maaring makita ang tao sa loob ng sasakyan kahit tinted pa ito. Mataman niyang pinagmasdan ang eksena sa loob ng kotse. Ngumisi ito sa pinapanuod niya. "Hmmm, buhay kapa rin Mr. Abilla wala kapa rin kupas talagang matinik parin." Sabay iling nito ng ibaba ang hawak saka umalis. *** Matapos pagmasdan ni Sander si Nanan nakita niyang medyo kalmado na ito at bumagal ang pag-taas baba ng dibdib. "Pwede ba tayong lumipat sa backseat?" Tumango ito sakanya. Nakapasok sila sa loob ng sasakyan. "Migs let's go!" Nagmadali itong sumakay at nagmaneho. Matapos ang 30 minutes mabilis silang naka uwi ng mansyon. Nakaidlip ang dalaga nakasandal sa balikat niya. Tinapik niya ito ng marahan. "Miss. Abuerde gising, narito na tayo sa mansyon." Minulat nito ang mapungay na mga mata saka kumurap sa kanya nakatitig rin ito dahilan napalunok siya habang nakatitig sa ibaba ng labi nitong mapang akit. Kaysarap halikan, uminit bigla ang kanyang katawan sa dikitan nilang dalawa. 'Ano kaya ang lasa ng labi ng isang prinsesa ng Cole na iniingatan nila noon?' Unti-unting nilapit niya dito ang mukha pilit abutin ang labi ramdam niya ang mainit-init na hininga ng dalaga. "B-boss?" Sabay silang napalingon ng marinig nila na may kumakatok sa labas ng sasakyan. Napatingin si Sander sa unahan. Dalawa nalang pala sila sa loob. Parehong tumama ang tingin nila. Mataman nakatitig ng ilang segundo. "A-hmm, b-baba na ako." Sambit ni Nanan saka tumango si Sander. Kumabog ang dibdib ni Nanan sa hindi maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD