Three hundred and sixty degrees, feeling ko umikot ang mundo namin ng ganyan ka-intense.
‘Morning, beautiful. I'll see you at the office. Be careful.’
-Alcazaren
Tss. Umagang umaga ang sweet ng gago. Sa text lang niya sinabi ngunit napapangiti parin ako hehe. It's just so surreal. Pano nagkagusto ‘to sakin?
Pinipigilan ko ang nararamdaman ko pero kung ganito palagi ang gagong ‘to, I don’t know if I can hold it any longer. I can see his persistence and determination regardless of my refusal. Siya lang din ang nakakatagal sa mga pagtataray at pagmumura ko.
“Good morning, Amitty.” Bahagyang napatalon ang nakatungong sekretarya. Kumunot ang noo ni Amitty nang makita ako.
“I-ikaw pala, Alyse. May trabaho ka ba ulit di-dito?” napansin ko ang pilit niyang ngiti. “Oo eh. Nandyan na ba siya?”
“Talaga? O-o, kanina pa. Maaga nga si Sir Zaren, eh.”
“Ganun ba? Sige, pasok na ako.” Dahil excited akong pumasok, hindi ko na pinuna ang inis sa mukha niya. Baka napagalitan.
I thought I'm going to see him holding a pen on his table when I opened the door, but his contagious smile and the way he waited at the doorway for my arrival is so far from what I imagined.
“Hey. I missed you.” Akmang hahalik siya sa pisngi ko pero kinurot ko ang tagiliran niya.
“Aww. Why so harsh early in the morning?” sinapo niya ang masakit kuno, kahit hindi naman. “Akala ko ba manliligaw ka palang? Bakit may pahalik-halik ka pa sa pisngi, Alcazaren? Ha?” pinandilatan ko siya.
“I just want to greet you good morning, tss.”
“ah ganon? Nasa labas si Amitty, siya ang i-kiss mo ng good morning. Gago.”
“Hydra! Stop pushing me to other women. Mamaya, sundin ko ang sinasabi mo.”
“Oh, di mas maganda. Hala, sige alis nako. Sayang araw ko.” Mabilis niyang hinawakan ang braso ko, seryoso.
“Hey, I'm just kidding. I thought you're going to get jealous but I forgot you tend to reject me.” Ngumuso siya. “C’mon, sit there and do nothing. I've got many things to do but I can't start without you around so…”
Iginaya niya ako sa sofa at pinaupo. Tinitigan muna niya ako ng ilang sandali bago nagtungo sa table niya. Ako naman hayyy… walang ginawa kundi magbasa o pagmasdan nalang siyang may kausap sa cellphone at mag type sa computer.
“I need the financial reports from last month and the construction development of our new building, pronto.”
“Have you confirmed my meeting with the board of directors on Wednesday?” tanong niya kay Amitty sa telecom.
Pinanood ko lang siya sa mga ginagawa niya, natimplahan ko na din siya ng kape.
“You hungry?”
Tumango ako.
Tanghali na pala. Today is different from our normal days. I treated him as a close friend then, pero ngayon hindi ko alam kung pano ko siya pakikitunguhan. How do I act around him when we're just friends yesterday? Ugh.
“Alyse, hindi ba nagagalit sayo si sir Zaren?” tanong sakin ni Amitty. Nagpaalam akong lalabas muna para maki chika sa secretary. Pagkatapos ng mga ‘bilin’ niya, pinayagan niya ako.
“Uhm, minsan lang siguro.” Pero wala akong maalalang pinagalitan niya ako dahil sa trabaho ko.
“Aah, mabait kasi talaga si Sir ‘no? Kahit masungit ang itsura, hindi naman siya talaga strikto sa mga empleyado. Kapag may mga huling nagpapasa lang ng dokumento, dun lang siya nagagalit.” Mabining kwento niya.
“Eh sayo? Pinagalitan ka na ba niya?” namula ang pisngi niya at umiwas ang tingin.
“H-ha? Hindi naman ma-maiiwasan yun, Alyse. But it's okay though, mas gumu-gwapo siya kapag galit.” Humagikhik sya, kinikilig.
No doubt. This girl has a crush on him. Lahat naman ata ng empleyado niya, may gusto sa kanya kahit minsan napapagalitan sila.
“Ang swerte mo, Alyse. Ikaw palang ang nakakalapit at nakakasama niya ng ganun ka-close. We've never seen him so angry when he learned that you left nung nag-uusap kami ni Mam Lashana. Hindi niya pa nga pinansin si Mam nang sabihin kong umalis ka na. Basta nalang siyang tumakbo paalis.”
I didn't know that, Collosus never told me. Ayaw nyang sabihin kung anong nangyari noon, iniiwasan niya.
“Hindi kasi ako nagpaalam nun tapos ang usapan namin whole day ang serbisyo ko kaya sobrang nagalit. Magkaibigan na kami ngayon kaya nagkakasundo na rin.”
“Talaga? Magakaibigan lang kayo? Baka naman may gusto siya sayo?” I raised a brow when I saw an emotion crossed his eyes but was quickly replaced with a forced smile.
“Yup. Pano naman yun magkakagusto sa katulad ko diba? Mayaman siya, mahirap ako at kuta mo naman si Lashana, sobrang ganda.”
Natuwa siya. “Sabagay. Sayang sila ‘no? Ang gaganda din ng mga past flings niya, mga models pa. Naalala ko pa yung isang international model na naikama ni Sir, nag-eskandalo dito dahil ayaw niya papasukin sa opisina tapos naabutan siya ng isa pang fling ni Mr. Alcazaren. Grabe, dito pa sila nagsabunutan.”
Pinilit kong wag kumunot ang noo. Yan kasi, ang babaero! Yang Alcazaren na yan kung makapag-babae kasi sabay-sabay! Shuta niya.
“Buti nagustuhan parin ni Lashana?”
“Ay oo, Alyse. Kahit tinutulak palagi ni Sir, bumibisita parin si Mam Ash. Ang bait nga eh, tapos kapag ayaw ni Sir ng mga pagkaing dinadala niya, binibigay nalang niya sakin. Naaawa nga ako kasi palaging bigo.”
Mukhang madami talagang alam ang Amitty na 'to. Lahat siguro ng flings ng gagong yon, alam niya!
Tumango-tango nalang ako. “Wala ka bang day-off?”
Curious lang ako, baka inaabuso na ng gago ang pagiging CEO at laging pinapagawa lahat sa secretary.
“Meron naman. Mas marami nga akong leave kumpara sa mga ibang employees. Binibigyan ako ni Sir ng ilang araw na bakasyon every month. Feeling ko nga concern na concern si Sir sakin eh!” natatawa siya at bahagyang namula ang pisngi.
Napa ‘o’ ang bibig ko. Nginitian ko siya na parang nanunukso. “Baka naman may gusto-“
“Hydra…” bumulas ang pinto ng CEO's office at dumungaw siya.
“Oh, bakit? May kailangan ka?”
“Yes, you.”
“Huh? Uh, sige Amitty. Mamaya ulit.”
Bakit ba kasi laging istorbo ang gagong yun? Akala ko ba busy?
“Okay. Sure kang friends lang kayo?”
“Oo nga hehe.”
Lumiwanag ang mukha niya pero nahila na ako papsok. “Alcazaren naman, bakit kailangan mong manghila? At anong kailangan mo?”
“What friends are saying? Sinabi kong manliligaw ako ‘di ba? Bakit anong sinasabi mo kay Amitty na ‘magkaibigan’ tayo?” nameywang siya sa harap ko.
“Gago ka ba? Ayokong may makaalam na nanliligaw ka sakin dahil ayaw akong pag-chismisan ng mga empleyado mo. I don't want to be the topic of tomorrow's Manila bulletin so I don’t want you to tell anyone.”
“What the f**k?! You want to keep me a secret? No way! Manliligaw ako at hindi mo ako itatago.” Madiin ntang sabi.
“Kung yan ang gusto mo, wag ka nang manligaw. Kung ipipilit mo, magreresign ako.”
Napahilamos siya sa mukha dahil sa frustrasyon. Hindi ko babawiin ang sinabi ko, ayoko. Siya na ang bahala kung susundin ba niya o hindi. If not, okay lang kahit nakakapang-hinayang sa part ko. Hayy, gusto ko pa naman na siya.
“Damn it, Hydra. Fine! But you will also let me do anything behind the crowd and I'll do what you want.”
Nagdalawang-isip ako. Shuta, anong ‘let me do anything behind the crowd’? Ako lang ba o iba talaga ang dating nun?
“S-sige.” Nagulat ako namg yakapin niya ako bigla. “Hoy!”
Kumalas ako. “Tss. Damot. Yakap lang, hindi kiss. Later, when we're out-“
May nag-ring na cellphone. I'm sure it's not mine. Iba ang ringtone kaya sa kanya yun.
“Hello, mom.”
Kinabahan ako nang maalala ang mga nabasa kong stories kung saan ayaw ng mga magulang ng mayamang lalaki ang mahirap na babae. s**t! Yung parents niya pa pala! Hindi ko pala sila nami-meet!
I was squirming in my seat while they are talking. Nagkamustahan lang tapos narinig ko ang tanong ng mama niya.
“How's your heart, son? Do you have someone who should I meet now? Ilang taon ka na, Zaren.” Malambing ang tono ng mama niya.
Tiningnan niya ako at nginitian. “Yes, mom. I think I do.”
Bumilis ang t***k ng puso ko. Shutanginers! Kahit anong gawin kong pag-deny sa nararamdaman ko, my heart still beats for the same guy. At iyon ang kinkatakot ko, baka ito na ang huling pagtibok nito para sa isang tao. I'm afraid that if I gamble and lose, I won't be able to play the game again.
“You'll meet her soon mom, don't worry. Take care.”
“Anong sabi?” tanong ko nang maibaba na niya.
“She said she wants to meet you.”
“Kailan daw? My God, bakit sinabi mo sa kanya? Hindi pa nga kita sinasagot, ipapakilala mo na ako?”
Nagsimula akong magpalakad-lakad sa harap niya. Kinakain ako ng kaba. Tangina, wag ngayon!
Tumawa sya. “Collosus!”
“Soon. At sasagutin mo rin naman ako kaya sinabi ko na. It's okay, Hydra. Mabait ang mommy ko and hindi siya nangangain ng tao, pfft. Hindi din ako makakapayag na may kumain sayo maliban sakin.” Lumakas ang tawa niya.
“Collosus! Ang gago mo! Nakaka-ugh!” my cheeks turned red. Pinaghahampas ko siya pero hindi parin siya tumitigil sa pagtawa.
“Ang bastos mong gago ka! Hindi ka na nahiya-“
“Hey-stop! Hydra- tama na-hey!”
Tinulak niya ako pahiga sa sofa at dinaganan. He's holding both of my hands on my chest which stopped me from hitting him. Natigil ang tawa niya at tumitig sakin.
Tinitigan ko siya pabalik at nararamdaman ko ang bilis ng pintig ng puso niya, just like mine. His eyes are showing me many emotions but the love and adoration made me feel so emotional that I can cry right now.
I have never met someone who can prove me wrong until now. I always believed that no one can ever give me the love manang Ofel and my parents gave me pero ngayon, ang gagong ito ay pinapakitang kaya niyang pantayan ang pagmamahal nila sakin.
Walang may kayang magkagusto sakin sa kung ano ako. But this guy, he can make me believe in fairytales just by looking at me. His beautiful eyes are so sincere which warmed my melting heart. Kaya hindi ko din siya kayang saktan ng husto ay dahil na rin sa totoong pinapakita niya, walang halong ka-plastikan.
“I love you, Hydra.” Namilog ang mga mata ko pero huli na dahil bumaba na ang mukha niya at ang labi niya ay mariing nakalapat sa labi ko.
His eyes are close but his soft lips are probing mine, coaxing it to open. I just watched his eyelids move but after a moment, my eyes started to shut and I found our lips moving together in sync. Ang kamay niya ay nakahawak na sa baywang ko, humahaplos.
Fuck! Hindi ako marunong humalik at first time ko ‘to!
My mouth opened to welcome his penetrating tongue. “Kiss me.” Utos niya.
Eh? Pano ba? Hindi ko nga alam!
Magsasalita sana ako pero diniinan niya ang paghalik sakin. My God.