bc

Hydra's Magnate

book_age12+
88
FOLLOW
1K
READ
adventure
badgirl
brave
confident
drama
comedy
sweet
female lead
city
like
intro-logo
Blurb

"...and even if you're the most f*****g wanted person, I'd still love you. Even if you're f*****g good at hiding and running away from whatever s**t you're doing, I'd still squeeze my way into your f****d up world. Remember, I'm the only one who can goddamn find you wherever hell you are."

"Collosus..."

* * *

Hydra Alyse is a squatter girl na palaboy laboy lang sa mataong siyudad ng Maynila. A family-oriented girl who cares more than the welfare of other people than her own.

As cliché as its sounds, she caught an Alcazaren's eye without exerting much effort.

Mayaman. Mahirap. Kaya kaya nilang ipaglaban ang 'pag-ibig' nila sa kabila ng mga panghuhusga? Won't their love stray along the way?

chap-preview
Free preview
One: Alyse
note: This is a work of fiction. Anything mentioned in this story is just a product of the author's imagination. Any mentioned names of characters, places, things and even the concepts are just chimera. Any similarities of these in real life is unintentional and the author should not be held accountable. ---------- “Ayun siya! Habulin natin!” “Hulihin 'yong naka-itim na sumbrero! Dalian nyo!” Binilisan ko pa ang pagtakbo dahil malapit na silang makahabol. Shet! Nakakita ako ng kumpol ng mga damit sa isang ukay-ukay. Hinanap ko ang may-ari ngunit nasa kabilang tindahan kaya dali-dali akong nagkubli doon. Huminga ako ng malalim para kumalma. Napagod ako dun ah. “Saan banda nagpunta 'yon? Nakita nyo ba, miss?!" narinig kong tanong ng isa sa mga apat na pangit at sigang humahabol sa akin. “Ah doon yata!” Isiniksik ko pa ang sarili ko sa mabahong amoy ng mga damit habang nakikiramdam sa mga yabag nilang nilalampasan ang kinaroroonan ko. Nang makasigurado akong wala na sila, tinanggal ko ang itim na cap na suot at nilugay ang buhok. Sinuklay ko ito gamit ang kamay at kinuha ko sa shoulder bag ang jacket na dala saka mabilis na isinuot. “O miss, may napili ka ba?” paglabas ko ay sinalubong ako ng taga bantay dito. Umiling ako bago sumagot, “Wala ho eh. Sa susunod nalang ate ha, nagmamadali kasi ako.” Magsasalita pa sana 'yong babae pero nilayasan ko na habang tumatawa. Yes! Meron na naman! Lumingon-lingon pa ako bago diretsong naglakad palabas ng divisoria. Tsk tsk. “What the f**k?! One-hundred? Fifty? Barya?” I was shocked and at the same time, irritated. “Tangina! Mga wala naman palang pera tapos kung makahabol akala mo milyones ang laman ng wallet? Bwisit!” Inis na inis akong naglalakad habang nagmumura. Matagal na akong manderekwat pero ngayon lang ako hinabol ng mga pangit na goons tapos ito lang ang makukuha ko? “Kainis! Kaunti na naman ang mabibili ko nito.” Bugnot pa ako habang bumibili ng pagkain sa karinderyang nakita ko sa daan. Hindi naman ito kalayuan pero okay naman na siguro ito sa ngayon. Nilagpasan ko ang mga nagtatayugang mga gusali. Iniisip ko nga, kailan kaya ako makakapasok sa kahit isa sa mga yan? Siguro pag nakapasok na ako, kaya ko ng ipasyal ang mga bata sa kahit saan. Inabot ko ang supot. “Salamat ate.” “Maraming salamat din sayo, Hydra. Lagi ka nalang dito bumibili kahit marami namang mas maganda at mas masarap sa ibang karinderya diyan.” Nginitian ko si Ate Mela. “Basta para sa akin ate Mela, sa inyo ang pinaka masarap at pinaka-mura pa.” Iyon lang at iniwan ko na siya dahil may bibili pa. “Uy si ate Hydra!” “May dala na namang pagkain!” “Halina ka na Byron, andito na si Ate!” Nagkukumahog ang mga bata sa paglapit sa akin. Nangunguna na ang pinaka mataba sa kanila, si Ralp. Lagi kasing gutom yon at kung may pagkain naman ay siya ang may pinaka maraming kinakain kaya minsan dinadagdagan ko ang mga raket ko para kasya sa kanila. Kung pwede nga lang na iuwi ko sila sa akin ay ginawa ko na, pero nangungupa din kasi ako tapos isang kwarto lang kaya hindi din pwede. Nakita ko sila minsan habang naglalakad ako para maghanap ng trabaho at nadaanan ko sila. Nagsisiksikan sila sa maliit na karton sa may gilid ng lansangan. Naawa ako sa kanila kaya mula noon, lagi ko silang binibisita para mabigyan ng kahit kaunting pagkain basta mayroon akong maibigay. Ginagawa ko ito araw araw dahil nag-aalala akong baka wala silang pagkain. Minsan, nagtitinda si Cesar, ang pinaka matanda sa kanilang apat, ng mga plastik at lata kapag may napulot sila. Minsan naman ay sampagita, at kadalasan ay namamalimos nalang. Walang magulang ang tatlo sa kanila dahil iniwan nalang ang mga ito sa lansangan nung bata pa at si Ralp naman ay patay na pareho. Si Byron ang sakitin sa apat kaya dapat laging malinis ang katawan at hindi lumiliban sa pagkain. Sila din ang dahilan kung bakit ako suma side-line sa pickpocketing para lang may maibili ng tinapay o kung sinuswerte ay 'yong kanin at ulam. Masaya naman sila kahit ganun lang dahil halos hindi sila makakain ng tatlong beses sa isang araw. Ang kwento pa ni Cesar sa akin noon, kung wala talaga silang pagkukunan ay hindi na sila kumakain. Sumakit ang puso ko sa kalagayan nila dahil mga bata pa sila ngunit humantong sa kaawa-awa ang buhay nila. “Ate, minsan bili ka din ng fried chicken ha? Ma-“ siniko ni Cesar si Ralp kaya hindi na naituloy ang sasabihin. Umiling ako. “Ikaw talaga Ralp. May kinakain ka na nga diyan eh. Pasalamat ka may giniling ngayon, mahal pa naman ang karne. Ang dami mo pang gusto eh wala tayong pambili. Mabuti nga may ate Hydra pa tayo eh. Salamat ulit ate ha.” Parang mature talaga mag-isip kaya hanga ako sa batang ito. Kahit hindi nya kadugo ang tatlo, sobra pa rin ang pag-aalaga niya sa mga kasama. “Hayaan nyo, kapag may raket na naman ang ate nyo, bibili ako ng fried chicken tapos pupunta tayo dun sa may restaurant na may malaking bubuyog.” Lumaki ang mga mata ng mga bata. “Talaga ate?” “Oo naman.” “Pramis yan ate ha?” paninigurado ng bata. Hinaplos ko ang buhok ni Ralp at tumawa. “Pramis Ralp.” Nag apir kaming apat kahit si Joey na tahimik lang habang kumakain. “Sige na, Cesar. Uuwi na ako. Bukas ulit ha? Ikaw na ang bahala sa kanila. Mag-iingat kayo dito," bilin ko habang humahakbang patalikod at kumakaway. “Sige ate. Mag-ingat ka din po sa daan. We lab you po ate.” Nag flying kiss ako at tumakbo na. Ayaw kong umalis dahil naaawa talaga ako at kapag hindi pa ako tumakbo ay baka iuwi ko sila sa tinitirhan ko kahit kama lang ang meron at kaunting gamit. Di bale na, pipilitin kong maghanap ng matinong trabaho para may nagawa na ako para sa kanila. Hayyy. Ang hirap talaga kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral dito sa siyudad. Walang tatanggap sayo dahil wala kang natapos. I was on my second year college at a public school in our province when my father was diagnosed with a severe disease kaya lumipat kami dito para ipagamot si tatay gamit ang ipon nila mula sa pagsasaka. After a series of therapy and medication, bumigay si papa. “Ayaw kong hindi ka makapagtapos ng pag aaral, anak. Gamitin mo ang natitirang pera natin sa bangko para tapusin mo ang iyong kurso. Siguro nga, hanggang dito nalang ang buhay ko. Huwag na kayong mag aksaya pa ng pera sa akin dahil wala nang gamot pa sa sakit ko.” “Ayaw kong dahil sa akin ay hindi mo makakamit ang mga pangarap mo, Hydra. Ikaw na ang bahala sa nanay mo ha? Alagaan kong napakabuti mong anak at masipag ka pa kaya alam kong makakamit mo ang tagumpay balang araw.” Those were his exact words when the doctor announced about his disease being incurable because his therapy started late, I am just staring at him, helpless. I expected it but never expected the pain to be that unbearable. Si mama naman, sumunod kay papa. Dahil siguro sa pagod sa kakatrabaho ng kung anu-ano kaya bumigay ang katawan sa pagod. Hindi ko na tinangkang umuwi sa probinsya namin dahil nasisiguro kong magiging pabigat lang din ako sa mga kamag-anak namin. Mahirap din ang buhay nila kaya pinili kong makipag-sapalaran dito sa siyudad. Hindi ko naman kinalimutan ang mga bilin ni tatay pero saka nalang siguro pag may sapat na akong ipon. Makakapag hintay naman ang pangarap. “Oh ginabi ka na naman Alyse ah. Ano? May trabaho na ba?” si Kulas, 'yong kapit-bahay namin na lassingero. Binatang matanda, ika ni Manang Ofelia. Siya at 'yong tropa nya ang laging tumatambay dito sa bungad ng squatter area na kinaroroonan namin, palaging nakaharap sa lamesang puno ng alak. Mababait naman sila at marespeto kahit ganyan ang mga itsura. Sa mahigit dalawang taon kong paninirahan dito, nagkakasundo naman kami maliban na lang dun sa- Bigla akong tumagilid sa daan nang makarinig ng tubig na tinapon. “Walang hiya ka! Lumayas ka na dito! Wala ka ng ibang ginawa kundi mambabae at uminom! Hjndi ka na nahiya sa mga anak mo! Sabi ko namang tulungan mo ako diba?! La-“ Tinakpan ko ng daliri ang tenga ko dahil sunud-sunod na kalabog na ang maririnig mula sa ikalawang palapag ng kahoy na bahay ng mag-asawang Oscar at Mila. Ganito palagi ang eksena sa bahay nila kaya tuwing umuuwi ako ay alam ko na ang gagawin. Sanay naman na ang mga kapitbhay nila kaya hindi na bago. “Uy Alyse! Ninang ka ulit ng bunso ko ah? Alam mo naman, ikaw ang paborito ng mga anak ko eh. Binyag na nya sa susunod na taon. Huwag mong kalimutan ha?” napatango nalang ako kay Ate Miranda. Yan na naman ang linyahan nyang taun-taon akong sinasabihang ninang ng ‘bunso’ nya kuno. Bunso daw pero next year may bunso na naman daw. Eh pang-pitong anak na nila yan ah! Ninang ako ng tatlong huli dahil nauna nang mabinyagan ang apat bago ako mapadpad dito. Mabigat man pero hindi ko alam dun sa mag-asawang iyon. Halos hindi na nga makapag-trabaho si Miranda, anak parin ng anak! Kaunti din naman ang kinikita ng asawa nya sa construction ah. Ah bahala sila. Hindi sila nag-iisip na mag-asawa. Nahihiya din akong manghimasok dahil wala naman akong maitutulong kung sakali. “Oh Alyse, andito ka na pala. Kumain ka na ba?” “Hindi pa po, Manang Ofel.” Nagmano ako sa kanya at pumasok na. Siya ang tumayong nanay ko dito. Pinapatira nya ko sa second floor ng bahay nya na may dalawang kwarto lang, ang isa doon ay pinapaupahan. Hindi gaanong malaki at gawa sa kahoy dahil nga nasa squatter lang kami. Sabi nya libre nalang daw ang pagtira ko dito pero minsan ay nagbibigay din ako ng kaunting pera para naman may pandagdag siya sa mga gastusin dito sa bahay. Ginawa nyang maliit na kainan ang unang palapag at doon din sya natutulog. Wala siyang anak dahil namatay naman ng maaga ang asawa at hindi na nag asawa ulit. Aniya ay mahirap daw ang buhay kaya ayaw niya daw. Baka mas lalong mahirapan ang mga anak niya kapag nag asawa siya. Malaki ang utang na loob ko kay Manang dahil sobrang bait nya sakin. Kahit hindi niya ako gaanong kilala ay hindi nya ako tinuring na parang iba sa kanya. “Halika na. Ipinaghanda kita ng hapunan. Buti nalang ay natira pang adobo kasama ng itinabi kong ulam para sayo.” Ngumiti ako sa kanya. “Maraming salamat po talaga ,Manang. Kayo po ba kumain na?” Ganito lagi ang eksena kaya nga sabi ng mga kapit bahay mag-ina na raw kami dahil sa tungo namin sa isa’t isa. “Oo, kanina pa. Hinintay naman kita kanina pero ginabi ka ata. May nahanap ka na ba?” iyong trabaho daw. “Wala Manang eh. Kung hindi college graduate ang hanap ay mga may experience daw. Eh alam nyo naman pong sa mga palengke at divisoria lang ako rumaraket kaya walang experience.” Malungkot akong ngumiti at bumuntong-hininga. Naiintindihan niya dahil hindi lingid sa kanya ang nangyari sa akin at sa panderekwat ko. “Hayaan mo, meron ka ring mahahanap diya na hindi mapili. Masipag ka naman at mabait kaya alam kong merong makakakita sa iyo.” Pangpapagaan niya ng loob ko. “Eh iyong mga bata? Nakakain ba?” “Opo. May nakuha po ako dun sa mga tambay sa daan. Hinabol po ako pero hindi nahuli. Hindi naman po gaanong malaki pero okay na iyon.” Bumakas ang pag-aalala sa mukha nya. Lagi din nya akong pinapaalalahanan sa gawain kong yon dahil delikado. Sabi ko naman kaya ko ang sarili ko dahil may alam naman ako sa karate. Athlete kasi ako noong highschool sa amin kaya may magagamit ako. “Naku, buti nalang hindi ka nahuli! Ikaw talaga Alyse, sinabi ko nang itigil mo yan eh. May kita ka naman sa pagtulong sa palengke ah? At dun sa barbershop nina Darna? Maayos naman ang trabaho mo don ah.” 'Yan. 'Yan ang mahal na mahal ko sa kanya, ang pagiging maalalahanin. Lagi niya akong sinasabihan pero sa huli niyayakap nalang. “Huwag kang mag-aalala Manang. Alam mo namang wonder woman ‘to eh," nginisihan ko siya kaya nakatanggap ako ng batok. Tumawa nalang kami sa sinabi ko dahil alam nyang hindi niya ako maaawat. “Manang, bukas nga pala maghahanap ulit ako ng trabaho. Nangako kasi ako kay Ralp na bibili ako ng fried chicken pagbalik ko eh. Kailangan ko ng medyo malaki kasi mahal ang kanin ngayon at balak kong pakainin sila sa Jollibee.” Napabuntong hininga si nanay. “O sige basta mag-iingat ka Alyse ha? Maraming masasamang tao ang pagala-gala kaya doblehin mo ang pag-iingat.” “Areglado Manang!” may kasamang saludo pa yan. “Kung may space pa sana dito, kinuha ko na ang mga 'yon. Kaso alam mo namang gipit din tayo dito eh.” “Okay lang 'yon Manang. Hayaan mo, ako na ang bahala sa kanila.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.7K
bc

Reckless Hearts

read
257.0K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.7K
bc

Be Mine Again

read
99.7K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
890.1K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
506.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook