“Gurl, babaeng babae ka ngayon ah. Ano? Nadiligan ba?” humalakhak ang baklang si Darna.
Pagpasok ko sa shop ay siya ang sumalubong sa akin. Mag isa niya palang kaya alam kong pa grand entrance na naman si Julia at Karla, mga kasama nyang juding.
“Magandang umaga Juan," nalukot ang mukha niya sa tinawag ko kaya napangisi ako.
“Hoy Hydra. Hindi porke’t mas maganda ka sakin ng isang hibla ay pwede mo na akong tawagin sa nakakadiring pangalan na yan ha! Kakadiri ka! Panira ka talaga ng araw. Hmp,” sabay walk out ng bakla.
I laughed. This is our scene every morning. Me, calling them their real guy names and they'll be cursing me like hell.
“ Oh, hi Julius ng buhay ko! Mas gwapo ka pa umaga pogi!” aambang hahalik ako sa pisngi nito pero tinampal niya ang pisngi na nanlalaki ang mga mata.
“Tigil-tigilan mo ako Alyse ha! Eeeww”
Parang sinasakal na pusa ang boses nya dahil sa pinipilit maging boses babae. Sayang, siya sana ang pinaka gwapo sa kanila dahil may dugong bughaw ang tatay pero wala eh. Julia daw.
“Ito naman si Julia, hindi na mabiro," tinakpan ko ng kamay ang bunganga para pigilan ang tawa.
“Hindi yan magandang biro!”
Oo, alam ko. Kaya nga inasar kita diba? Pikon naman ng damulag na ito.
Pagbaling ko sa pinto-
“Oh wag ako babae ha!” sikmat agad sakin ni Karlo o Karla daw.
“Oo na Karlo, the great ”
“Ugh! Why so kadiri?”
Kung maarte ang boses ni Julia, mas maarte kay Karla kaya nga laging nag aaway dahil pagandahan sila ng boses pero pareho naman masakit sa tenga.
Si Darna lang naman ang medyo matino eh.
“Alyse paki abot na nga ang hair spray jan sa kabinet para makapagbukas na tayo.”
Sinunod ko si Darna at isinabay na rin ang walis tambo para makapaglinis na rin. Si Darna ang may-ari at kaming tatlo ang kasama dito. Apat na upuan ang naka harap sa salaming magkabilaan. Dalawa sa kanan at dalawa sa kabila.
Maalam din naman ako sa paggupit kaya lang hindi ganon kagaling gaya sa kanilang tatlo kaya saka lang ako tumutulong sa paggupit kapag punuan.
“Hi pogi! Papagupit ka ba o papakain-ay!”
My God! Darna talaga! Unang customer namin sa umaga tapos ganyan pa.
Matino pero sobrang mahalay!
Hindi naman ako conservative pero umagang umaga ha!
Sabagay, minsan kasi may mga lalaki ding gustung-gusto naman tapos minsan sinasabayan pa. Ang lalaking ito, mukhang mahiyain.
“Uh, army cut po sana,” ngumiti siya at mas lalong gumwapo.
“Oh papogi pa daw si pogi. Ako na!” at dahil nga pilingera ang bakla, nagpresinta pa.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis ng kung anu anong nakalagay sa shop. Ang tatlo naman panay ang usisa sa customer. Kitang nagpapagupit eh, baka magkamali si Darna. Panay pa naman titig sa kanya.
“Ilang taon ka na ba?” Karlang mausisa.
“25 po.”
“Mga tipo mo Julia, oh.”
“Talaga? Ang bata mo pa pala pero mukhang matured ka na hihi” tingnan mo ‘to. Sinabing bata nga eh.
“Ah mahirap po kasi ang training sa pagpupulis kaya eto medyo nagkalaman.”
Ohh, magpupulis pala. Kaya pala medyo seryoso ang mukha at may mga muscles na din.
“Baks, tingin mo?” sabay sabay naming pinagmasdan ang lalaki sa salamin nang tapos na si Darna.
“Uy bagay. Pahingi number.” I nudged Julia.
Pag talaga lalaki, hindi nila pinapalampas. Lalo pa at barbershop nga ito.
“Balik ka ulit ha?” kumaway kaway si Karla.
“Sayang hindi ko nakuha ang number," nanghihinayang na sabi ni Julia.
Hinampas ni Darna ang braso nito. “Bruha ka! Kita mona ngang ayaw sa iyo eh.”
“Anong ayaw? Kita mong tingin ng tingin sa ganda ko, 'yon ba ang ayaw?”
Eh? Tinitingnan daw? Hindi naman ah. Baka iniiwasan tingnan?
Nag-away away na naman sila. They just couldn't leave each other alone. Laging binabara ang isa’t isa o di kaya’y may masasabi sa lahat, hindi naman nagkakasundo.
“I've got to go, Darna. May trabaho pa ako sa palengke.”
Half day lang kasi ako dito dahil may trabaho pa ako sa palengke . Tinutulungan ko si Mang Eban sa pagtitinda ng isda. Dapat maubos ito para may pambili siya ng gamot ng asawa niya. May sakit kasi ito.
Minsan, nagkakargador din ako ng mga gulay kapag may nagtatawag. Malaki din ang tulong na iyon para sa pagkain ng mga bata.
“Marami rami ang huli natin ngayon mang Eban ah?”
Naabutan ko siyang nag-aayos na sa pwesto. Tinulungan ko siya sa paglatag ng mga isda sa parang lamesa. Binati din ako ng mga katabi naming pwesto pero marami paring masama ang tingin. Alam kasi nilang ako na naman ang makakabenta ng pinakamarami kaya 'yong iba, naiinggit kay mang Eban.
Pagkatapos non ay nagsimula na akong manghikayat ng mga bumibili.
“O mga suki bili bili na! Murang mura lang po at fresh na fresh! Bagong huli lang mga suki bili bili na!...”
Sumigaw sigaw ako kaya nakuha ko ang atensyon ng mga mamimili. Dahil na rin siguro sa curiosity or talagang nahikayat ko sila ay nag-uunahan na silang lumapit. Matagal na din kasi ako dito at karamihan ay kilala ako.
“Alyse, dalawang kilo!”
“Sa akin tatlo!”
“Ah miss, limang kilo ang bibilhin ko para sayo," kinindatan ako ng isang lalaki.
Sinuklian ko sila ng ngiti. “Isa isa lang po. Huwag magtutulakan. Baka magka-stampede.”
Isa ding dahilan yan, ang itsura ko. Maganda daw ako at makinis ang mukha, hindi halatang pinoy. Pero maniwala man sila o sa hindi, purong pinoy ako. Pinaglihi lang sa Indian movies kaya ganito medyo may pagka banyaga.
Hindi din naman pangit ang parents ko dahil matangos naman pareho. Morena si mama at si papa naman ay medyo may kaputian pero umitim dahil palagi sa bukid. Gwapo din kasi si tatay at may mga features din siyang namana ko.
“Grabe ‘no? Magandang dalaga lang ang naglalako, takbo sila agad?”
“Oo nga eh. Kaya nga naiinggit ako kay Mang Eban kahit nahuhuling magtinda kasi may taga-tinda na at mabenta pa.”
“Magaling kasi sa sales talk at maganda pa kaya maraming na-eengganyo.”
“Hmp! Mas maganda naman ako dyan, ate! Kita mo, ang cheap cheap ng damit!”
Hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong komento kaya nananahimik nalang ako.
Magaling din ako magdala ng damit kaya kahit papaano naman, hindi ako nagmumukhang dugyot na dalaga. Simple lang din ang mga damit ko at minsan kapag may mga nakikita akong magaganda ang quality sa ukay ukay ay binibili ko saka nilalabhan ng mabuti para matanggal ang amoy at magmukhang bago.
“Maraming salamat po, Ate!”
Inabot ko ang naka supot na isda sa ale.
“Miss ganda, dalawang kilo pa.”
“Ate ako din po, isa.”
Dumami pa ang bumili ng sariwang isda hanggang sa maubos ito.
“Balik po kayo ulit sa susunod! Salamat.”
“Mang Eban, eto na po lahat. Bili na po kayo ng gamot ni lola ha? Paki kumusta na rin siya para sakin tapos paki sabing pagaling na siya para may kasama na akong sumigaw.”
Tumawa kami. “Salamat ulit Alyse. Hindi ka nagsasawa sa pagtulong sakin. Utang na loob ko-“
“Ano ka ba naman, Lolo. Walang anuman 'yon. Alam nyo namang gustong gusto ko ang ginagawa ko para sa inyo eh. Basta sabihin niyo lang po kung kailangan nyo ng tulong.”
Si mang Eban para nang maiiyak.
“Ang bait mo talagang bata ka. Buti nalang may katulad mong matulungin na kabataan ngayon. Maraming salamat talaga, anak ha.”
“Sus, si lolo talaga. Hala, sige na po at pupuntahan ko pa po ang mga bata.”
“Mag-iingat ka Alyse ah.”
Nagpaalam na ako at umalis.
Maya maya pa ay nagtitingin tingin na ako sa paligid. May isang magarang sports car na nakaparada sa isang magandang kainan. Ito 'yong mga new models ng lambo ah?!
Hindi ako sigurado pero parang nakita ko na ito sa f*******:.
Hula ko'y walang tao kaya naglakad ako pagilid sa daan.
Maayos na nakapaloob sa sumbrero ang buhok ko at naka rubber shoes ako. My shoulder bag is on my right and I'm wearing my jacket.
Sa ilalim ng cap, nakikita ko ang bulsa ng pantalon ng lalaking makakasalubong ko. Naka brown leather shoes ito na mukhang mamahalin at may relo sa left wrist. Hindi ko makita ang mukha dahil nakayuko ako.
“What the f**k?! Are you f*****g blind?!” medyo nanginig ako sa malutong na mura nang sinadya kong binangga ito.
Sobrang lamig ng boses pero hindi ako nagpapigil nang mabilis kong nakuha ang pitaka na naka usli at nag-sosorry habang tuluy tuloy na naglalakad.
“S-sorry, sorry. Hindi ko sinasadya.”
Halos manakbo na ako paalis doon. Ang bilis ng pintig ng puso ko parang may papatay sakin.
Pagkarating ko sa isang eskinita, tumigil ako at nagpahinga. Hingal na hingal ako.
“G-grabe 'yon a-ah! A-ang l-layo na pala ng t-tinakbo ko!”
Hawak ko ang magkabilang tuhod habang humihinga ng malalim. Para akong nagmarathon.
Timindig ang mga balahibo sa hindi ko malang dahilan. I looked around the narrow street, newspapers being blown by the wind.
Parang…
Parang napanood ko na ‘to sa mga movies. Syet!
Kinikilabutan ako ng husto kaya humakbang ako palabas. Tinatanggal ko na ang cap ko tapos 'yong jacket, hinubad ko na at isiniksik sa bag ko.
While fixing myself, I stared at the black wallet in my hand with the logo of a very known brand. The man's chilly voice still lingered on my mind.
Tanginers!
“Punyeta, ano ‘to? Hindi ba uso ang cash sa kanya?”
Kinalkal ko pa ang pitaka at wala talaga akong makitang pamilyar na kulay ng pera ng pilipipas!
Credit card, credit, credit, debit…
Lagot na!
Anong mabibili ko sa mga ito? Kahit pa siguro isangla ko ito eh hindi pwede. Oo, madami nga pero hindi naman cash!
'Yong may mukha! Kahit Jose Rizal man lang o Emilio Aguinaldo, WALA!
Shit naman oh!
“Paano na-“
“Miss, pwede ka bang sumama sa amin?”
Literal akong napatalon at dali daling itinago sa likod ko ang wallet.
Fuck! Sino ‘to? Sila?
“At bakit?” namaywang ako.
“Mr. Alcazaren wants to talk to you.”
Ha? Sino daw? Napaisip ako.
May katunog 'yong binanggit niyang pangalan ah. San ko nga ba narinig 'yon?
“Wala akong kakilalang Alcazaren kaya hindi ako sasama sa inyo. Bye.”
Sinubukan kong kumaway pero may dumating na dalawa pang naka suit, kasali ata sa MIB. Charr.
“Hey!”
I flipped the one on the right tapos tinuhod ko ang isang nasa kaliwa. Sinubukan akong hawakan nung kumausap sakin pero binigyan ko ng sapak.
“Miss ano ba! Gusto ka lang kausapin ng boss namin!”
“Anong boss?! Tangina niyo eh ayoko nga! Hindi ko kilala! Gago!”
Tinakbuhan ko na sila. Mapilit ang mga gago, sinabi nang hindi ko kilala eh! Baka isa 'yong boss nila dun sa dinekwatan ko noon.
Pero ang gara naman ng mga 'yon. Naka suit pa eh parang bodyguards lang naman.
O baka mayaman kasi?
Wala naman akong maalalang dinekwatan kong mayaman ah.
Hindi din naman pwedeng 'yong matabang panget dun sa may harap ng bar noon na gustong pumorma pero binigwasan ko.
At mas lalong hindi pwedeng ang mga panget nung isang araw na tambay lang. Alangan namang bigla bigla nalang silang yumaman?
Hayss! Buhay ko, o-o.
Pinilit ko pang maghanap ng cash sa wallet kanina sa wakas! May kulay blue akong nakita sa likod ng maraming cards.
Malaki laki na rin ito, pwedeng dalawang araw nina Cesar. Madadala ko na rin sila sa Jollibee at gustong makakain ni Ralp ng fried chicken daw.
Na- excite tuloy akong makita sila. Siguradong matutuwa si taba, takaw pa naman nun. Hindi din siya mapili kaya kahit ano basta pagkain.
~I need somebody who can love me at my worst…~
Kumakanta ako ng mahina habang papalapit na sa kinaroroonan ng mga bata. This is first day out! Kaya lulubus-lubosin ko na. Bihira ang mga pagkakataong ganito kaya gusto kong namnamin.
“Ate Hydra!”
“Ano? Ready na ba kayo?”
“Po? San po tayo pupunta?
“Syempre sa may fried chicken!”
Tumalon sila sa tuwa. Hindi din mabura bura ngiti sa kanilang labi.
“Talaga po?” si Ralp.
“Oo. Diba nangako ako kahapon? Tutuparin ko ngayon. Kaya maghanda na kayo.”
“Yehey!”
Nagpalit sila ng damit mula sa may karton na maliit sa gilid at 'yong bag na ibinigay ko sa kanila noon kasama ang iilang damit panlalaki.
“Fried chicken! Fried chicken!”
Magkakahawak kami ng kamay habang papasok sa b****a ng Jollibee. They were chanting damn ‘fried chicken’ and people started staring at us.
Nangingiti ako dahil sa wakas ay matutupad ko na ang isa sa pinakahihiling ng apat, ang makatuntong sa Jollibee.
Sa galak kong pumasok kasama sila, hindi ko na napansin ang sports car na naka park sa gilid.
“Good day, mam! what's your order-“
Hindi pa tapos magsalita 'yong nasa counter, bumanat na si Ralp.
“Fried chicken!”
“Tsaka spateti!”
“Ate, 'yong prinitong patatas!”
“Ano pa? Ikaw Cesar? Anong gusto mo?”
“Kahit ano nalang po, ate Hydra!”
“O sige. Limang spaghetti, fries na regular, at fried chicken. Samahan mo na rin ng float.”
Sabay-sabay na naman silang nagsabi ng kanya kanya ng inumin kaya natawa kami nung lalaki.
Inulit nito ang order namin at tumungo na kami sa table na pang-maramihan.
Hindi mapirmi si Ralp sa kakatingin kung paparating na 'yong order namin. Tingin siya ng tingin sa paligid.
“Grabe ate noh? Ang dami ding estudyante dito tapos may mga kompyuter na dala. Sana makapag aral din ako balang araw.”
Masaya pero malungkot ang mga mata ni Cesar. Computer ang tawag nya dun sa laptop.
Pangarap niya kasing maging inhinyero pero hindi natuloy.
“Hayaan mo, Cesar. Pag may trabaho na si ate at sapat na akong ipon, sabay-sabay tayong mag-aaral. Promise.”
“Talaga po?! Mag-iipon din po ako ate! Pag-iigihan ko ang pagtitinda ng sampaguita at pangangalakal ng plastik!”
It was so heartbreaking for me to hear such a little boy to say he's going to collect plastics to earn money!
How could life be so cruel? How can life deprive these good kids something so vital? How?
Bakit hindi nalang ang mga tamad mag-aral? Bakit hindi nalang ang mga nag-aaksaya lang ng pera para sa pagba-bar o sa mga bisyo?
“Bantayan mo din ng maigi ang mga kapatid mo ha? Alam kong balang araw, maiaalis ko kayo dito. Konting tiis nalang.”
A lone tear escaped his eyes but he quickly wiped it with his arm. He doesn't want his brothers to see him weak, I know that. He wants to be their strength and I'm too.
“Ate andyan na 'yong pagkain!”
Napatingin kaming lahat sa paparating na waiter- waiters pala.
Kumunot ang noo ko dahil tatlong sunud sunod na waiter ang naglapag ng pagkain sa table namin. May mga ibang pagkain na hindi naman namin inorder.
“Uh miss, nagkamali po ata kayo ng table? Hindi po kami kumuha niyan.” Tinuro ko ang dalawang bucket ng fried chicken.
“Huh? Eh sabi naman ditong table daw. Bayad na yan, ate.”
Mas lalong kumunot ang noo ko.
Baka naman scam ‘to!
“A'yon oh!” may tinuro siya sa likod ko.
“Binayaran na ni Sir. Ang pogi po ng admirer niyo!”
Anong admirer?
Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya-
Fuck!
Ang gwapo, shet!
The guy in a three piece suit has his hands crossed on his chest. Seryoso ang mukha niya pero mas lalo siyang gwapo kapag nakakunot-noo.
His perfect lips and his pointed nose added to his f*****g s*x appeal! Halata ding matangkad.
And his biceps!
Oh my God!
Hinablot ko ang nakita ko sa table at tinakip ko sa mukha bago tumalikod.
Namumutla ako habang iniisa isa ang mga pagkaing nasa hapag. Tangina! Paano na ‘to?
Shit f**k!
Hindi na ako mapakali habang 'yong mga bata ay nilalantakan na ang manok, hindi ko man lang napansin!
Iyong lalaki! Iyong relo niya!
Siya 'yong dinekwatan ko ng wallet kanina na puro credit cards ang laman!