Paano?
Shit! paano niya ako nakilala?
My eyes suddenly caught something outside.
The car! Yaong sports car sa labas!
At 'yong parang mga Will Smith na MIB! Nasa labas sila at nagbabantay sa bungad ng Jollibee!
Nyeta!
Kaya pala pang-mayaman din pati mga damit ng guards! Mga asungot pala nung gago!
Tapos pinuri puri ko pa kanina!
Eh sa totoo namang gwapo eh! At ninakawan ko pa!
Iniisip ko, baka mamaya hindi pala niya binayaran ang mga pagkain! Baka ako ang pagbayarin niya at paghugasin ng pinagkainan kapag wala akong pambayad!
Hindi pwede! Ayoko.
Pero wala akong pera. s**t talaga.
“Ate, sa susunod dun naman tayo sa may clown ah?”
Binatukan ni Cesar si Ralp.
“Lunukin mo nga muna ang nasa bibig mo, ang dami mong sinasabi. Kapag may pera lang ulit si Ate saka tayo pumunta. Magbenta din tayo ng mga plastik para naman may ipon din tayo. Ikaw talaga Ralp puro ka pagkain," si Cesar.
Lagi niyang pinagsasabihan si Ralp dahil sa pagiging matakaw nito samantalang halos wala na nga silang makain eh. Araw araw tuloy nakakatikim ng sermon sa kuya.
“Eh gusto ko din talaga sa may clown eh," bulong bulong ni Ralp.
Sandaling nawala ang kaba ko pero isang angat ko lang ng tingin, sinalubong ako ng matalim na mga mata nung lalaki.
Muntik ko nang makalimutan!
“Hello. Can I talk to you for a second?” malamig 'yong boses niya. Kasing lamig ng kamay ko.
Damn. Bakit ako nanginginig? I am Hydra!
One of the most f*****g fearless pickpocket in divisoria! 'Yon na 'yon!
“Sino ka po? Kilala niyo po ba ang ate namin?”
Bahagyang nanlaki ang mata nito.
Hah! Ano ka ngayon?
Regaining my confidence, I crossed my arms and smirked at him.
“U-Uhm, sort of. I just want to discuss something with her.” Wala pa ring kahit anong emosyon sa mukha niya.
And Cesar being Cesar, “Kaibigan niyo din po ba ate namin?”
Lumaki ang ngisi ko. Buti nga sayo!
“No. But she'll be my ‘friend’ soon.”
Eh? Kahit poker face lang siya, medyo halata na ang pagka bugnot niya.
Tsk. Sayang, gwapo pa naman pero antipatiko at mayaman pa.
Deciding to talk to him, I told the boys to wait for me.
Pagkaupo palang sa medyo malayong table, masama na ang tingin niya.
“Where is it?”
“Huh? Anong sinasabi mo?”
“Don't f*****g play with me, lady. Where the f**k is it?”
“Hoy, gago. Hindi kita kilala at sinasabi ko sayo, wag mo akong mamura mura diyan dahil mas magaling ako!”
Huwaw. Talagang pinanindigan ah.
“What?!”
“Anong what? Di ka makaintindi ng tagalog? Gusto mo english? sige ba! Kala mo aatrasan kita?”
Napasabunot siya sa buhok and the sight of him frustrated is so damn hot.
“Damn!”
“If you don't have anything else to say, I'll get going. Kumakain pa kami- and by the way, salamat sa libre.”
Iiwan ko na sana siya pero hinila niya ako pabagsak sa upuan.
“Aray ha! Hindi po sofa ang upuan. Tangina nito oh.”
“Give me my damn wallet or I'll report you to the goddamn police. Now, lady.”
“Oh? Pinagbibintangan mo ako?”
“Why? Isn't it true?” nagtaas din siya ng kilay.
“Do you have evidence?” Tingnan natin kung meron.
Ang alam ko walang CCTV dun eh.
He glared at me.
“You want to play huh? Do you want the kids to know what you're doing, then? You want them to know where'd you got the money you used?” ngayon, ako naman ang nagbago ang expression ng mukha.
Shit!
Hindi ko nakapaghanda dun ah. Bago pa ako makasagot, inunahan niya ako.
“You're feeding them with the money you get from pickpocketing. You also lied to them. You think they still want to see you if they knew about it? You think they'll understand,” he has this s**t-eating smirk now.
Talagang namutla na ako. Tangina subukan niya lang!
“A-ano ba talagang gusto mo? You want your wallet back?” kahit kinakabahan, pinilit kong patatagin ang boses ko.
Hindi ko siya hahayaang manalo sa tanginang laro niya.
Hinalungkat ko ang bag ko at hinampas sa lamesa ang wallet niya.
Akala ko ba matapang ka, babae?
“I only spent the cash in it. Nothing else. I didn't even read your name, wag kang mag-alala. At wala din akong interes sa mg cards mo.”
Nang di siya sumagot, nagpatuloy ako.
“Now that you have it, ayokong malaman ng mga bata ang tungkol sa ginagawa ko dahil kung hindi-“
“What? What will you do? How can you possibly hurt me if you're that small?”
Pinasadahan niya ang katawan ko ng tingin pero dahil hanggang baba lang ng dibdib ang mesa ay dun din tumigil ang tingin niya.
Nagtagal pa sa boobs ko kaya sinapak ko.
“Hoy! Alam kong hindi malaki kaya wag mong tingnan, gago!”
Sapo niya ang ulo at tiningnan ako ng masama.
“AWW! What the hell is your f*****g problem? It didn't even last for ten seconds and you hit me!? Wala pang gumawa sakin nun!”
Tumaas ang kilay ko.
Nagtatagalog din naman pala, pa-english english pa.
“Tss.” I gave him a dirty finger.
“Hanapin mo paki ko, gago.”
Tumayo na ako at iniwan siyang naka-nganga.
Tangina nun ah. Ako pa talaga na-blackmail?
“Ate sino po iyon?”
“Ah, wala. Poporma sana kay ate kaso ampangit kaya ayaw ni ate.”
Natawa ako sa sariling sagot ko.
“Huh? Hindi naman po siya pangit ate. Gwapo nga eh at mukhang mayaman din.”
Iyon na nga.
“Hindi 'yon gwapo, pangit 'yon. At hindi din 'yon mayaman, nagtitinda lang ng medyas 'yon.”
Eh? Sure?
Naguluhan si Cesar.
“M-medyas ate? P-pero parang hindi naman po n-nagtitinda ng medyas lang 'yong mama, ate Hydra," takang-takang tanong niya.
'Yong mukha niya parang sinabihan siya na may dumaang lumilipad na baboy.
Hindi kapani-paniwala. Sa suot ba naman kasi ng gagong 'yon, sinong maniniwala? Ang init init pa tapos tatlong layers ang suot? Mayaman nga naman.
Hindi ko na alam ang nangyari dun sa gago dahil hindi ko na nilingon. Wala na din 'yong mga MIB nang hanapin ko. Baka umalis na.
Truth is, the guy is very handsome. Very manly from head to foot and the muscles are very promising.
Matangos ang ilong pero mas makapal ang pilik-mata ko. Hah! Mas pink nga lang ang lips niya. Hindi kasi ako mahilig sa cosmetics kasi allergy ako sa mga face powder pati bath soap sa mukha. I only use baby wipes to clean my face and that's it.
His voice is also deep and rich.
Oo, nakakaakit pero I don't dare to wish. The attraction is undeniable but I don’t dare to hope. Wala akong pakialam kahit sabihin nilang tanga ako basta ayoko.
“Nagtitinda 'yon. Nagdamit lang ng maganda kaya parang mayaman.”
Kahit hindi pa naniniwala, tumango siya at pinagpatuloy ang pagkain.
“Dahan dahan lang ah. Marami pa diyan. I take-out nalang din natin 'yong iba. Sayang. Para may hapunan kayo mamaya.”
“Opo ate. Salamat ulit.”
Tipid akong ngumiti.
“Mag-ingat ka po pauwi.”
Nagsimula na akong maglakad sa gilid ng daan. Marami-rami paring tao ang palakad lakad sa kung saan.
Nakayuko akong naglalakad kaya hindi ko namalayan na may sumusunod pala. Nalaman ko nalang nang malapit na ako sa bungad ng squatter.
Napalingon ako sa sasakyang bumusina sa likod ko.
Walang masyadong may sasakyan dito sa amin kaya hindi talaga maiiwasang magtaka.
Hindi ko masyadong maaninag dahil sa ilaw nito. Narinig ko nalang ang pagbukas-sara ng pinto ng sasakyan at ang paglapit ng isang lalaki?
“Ikaw na naman? Bwisit naman oh! Sinusundan mo ba ako?” pinameywangan ko 'yong gago.
Oo! Siya na naman!
Sinoli ko naman na ah! At kung gusto niya ng sorry, sorry nalang din dahil hindi ako nagsisisi. Kung wala 'yong wallet niya, hindi ko maililibre ang mga bata.
“Yes.”
“Oh? At bakit?”
“I want you to pay me," he deadpanned.
“Iyong isang libo ba? Oo na! Babayaran ko kapag may pera na ako.”
“No. I want your services.”
Ano? Anong services?
“Ginagago mo ba ako? Anong services? I stole your money so I will pay it with money!”
“I said, I don’t want your money. I want your services,” madiin na 'yong pagkakasabi niya.
Gago nga talaga!
“If you won't pay me with what I want, then you should ready your speech about your pickpocketing.”
“Tangina mo talaga! Sinasabi ko na nga ba eh!”
Nanggigigil na naman ako. Arghhh.
“Ano ba talagang problema mo?” huminahon ang boses ko. Baka sakaling madadala ko siya kung magiging mabait ako.
He gave me a victory smile na makalaglag panga.
First time na ngumiti siya sa akin and now I know why he doesn’t smile! Dapat ngang wag na siyang ngumiti habang buhay! Nakakamatay!
“I need a personal maid.”
One minute, I'm ogling at him. And the second, I'm cursing him to death.
“Hoy! Hindi ako pinalaki ng nanay ko para maging katulong! Marami akong raket at hindi ko kailangan magkatulong para buhayin ang sarili ko! Gago!”
“It's up to you. I’m very sure Cesar will be very disappointed when he learns that his ‘ate’ is a pickpocket. Tsk tsk. Poor kids. Won’t have the chance to go to school now, huh?” he shrugged.
“Gago ka talaga! Ano na namang sinabi mo sa kanila?”
Nakakataas talaga ng blood pressure kapag gago ang kausap mo 'no? Mukha ba akong maid? Tangina hindi naman ah!
“Wala pa naman. But I think I'll be stopping by at the streets tomorrow. Bye then,” parang disappointed na disappointed 'yong mukha niya pero nakangisi naman.
“Hoy, wait lang!”
Hindi pa nga ako nagdedesisyon, aalis na agad? Tss.
“What?”
“Kung magkakatulong ako sa inyo, dapat may sweldo.”
Kumunot ang noo niya. Bakit? Akala niya libre?
Isang libo lang 'yong kinuha ko, hindi isang milyon.
“Aba! Dapat lang na may sweldo ako. Ibawas mo nalang 'yong utang ko sayo kapag nakuha ko na ang unang bayad…”
Nag-isip pa ako. Kung magtatrabaho ako para sa kanya, susulitin ko na.
“AT dahil hindi kasali ang pagluluto sa paglilinis, dapat may cooking fee, transportation fee kung malayo ang bahay mo at baka mapagod ako pag naglakad.”
“Fine.”
Ow? Payag agad?
“Hindi ka papalag?”
“No. I know you need it to feed the children. You won't have to pickpocket from now on.”
Hala! Pakialam ba nito?
“At lastly, wag mong papakialaman ang buhay ko! Hmp. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, kanina pa kita sinipa.”
“Really? So I need to thank you then? For not kicking me?” inismiran niya ako.
Ka-gago talaga ng lalaking ‘to noh?
“Umuwi ka na nga! Ang dami mong sinasabi," inis kong tinulak tulak paalis.
“Hey! Wait-wait. I need to get your number to make sure. You don't know where my condo is so I'll fetch you tomorrow early in the morning. If you have any work, you have to resign as well.”
“Ang dami naman! Ako na ang bahala sa mga raket ko. Akin na number mo.”
Kinuha ko sa bag ang lumang cellphone ko na hindi naman gaanong nagagamit kaya hindi napapalitan.
I was ready to type his number but he showed me his phone instead.
“Just put your number and I'll be the one to call you,” nakataas ang kilay niyang tanong.
Ano na naman?
Ni-type ko ang number ko at ang pangalan.
“Hydra? Nice name,” sabay kindat niya pero hindi ko pinansin.
“Alis na. Tss.”
“See you tomorrow, Hydra.”
Pumasok na siya sa kotse kaya tumalikod na ako.
“Gago.”
Pagpasok ko palang ng bahay, ang inaantok na si Manang Ofel ang nakita ko sa lamesa.
Aww. Dahil sa kahihintay sa akin, hindi na siya nakatulog ng maaga.
“Nay," niyugyog ko ng mahina ang balikat niya.
“Hydra!” medyo nagulat ako sa sigaw niya.
“Naku pong bata ka, pinag-alala mo ako. Gabing gabi na ah! Buti sana kung nagpadala ka man lang ng kahit isang mensahe para hindi mo ako pinapag-alala ng ganito. Jusko!”
Uminit ang puso ko.
“Sorry, manang Ofel. May kinausap lang po kasi ako saglit diyan dun sa may bungad kaya natagalan. Sorry po dahil hindi ako nakapag text.”
“At ngumingiti ka pa?!”
“Hydra naman!”
“Sorry po, Nay.”
Niyakap ko siya sa tagiliran at naglambing. Natutunaw ang galit niya basta alam niyang hindi ko sinasadya at humihingi ng paumanhin. Alam ko na 'yon.
“Nga pala, nay. May trabaho na po ako.”
Kahit hindi ako sigurado na tinaggap ko ang offer ng gagong 'yon, basta kahit papaano may trabaho na ako ngayon.
“Hydra! Wag mong winawala ang usapan. Ayaw kong hindi ka man lang nagtetext kapag hindi ka nakakauwi sa tamang oras. Hindi ka man lang nagsasabi kunv nasaan ka at kung gagabihin ka ba," may halong pag-aalala ang tono niya.
“Sorry na, manang. Malapit naman na po kasi ako kanina kaya lang may kumausap sa akin tungkol sa trabaho kaya na-delay saglit.”
“Kahit na. Tinawagan mo sana ako para hindi na ako naghintay.”
Medyo napayuko ako.
“Sa susunod po, manang. Hindi ko po lulubayan ng text ang selpon niyo.”
Bumungisngis ako dahilan para kurutin niya ang gilid ko.
Ngumiwi ako. “O sya sya. Ano nga ulit itong trabaho na sinasabi mo?”
“Katulong ho, manang. 'yong kakilala ko po kasing mayaman eh naghahanap ng katulong kaya inalok niya ako kung gusto ko raw ba. Tutal, kaunti lang ang kita ko dun sa may barber shop nina Darna, pumayag na ako.”
“Pwede ko din namang sabihing papasok pa rin ako doon tuwing weekends kung wala akong gagawin para dagdag kita na rin.”
Hindi pa pala namin napag-uusapan ang tungkol sa pagtatrabaho ko doon. May day off kaya ako?
“Huwag na, Hydra. Kahit doon ka nalang sa kakilala mo kung mas malaki ang kita mo doon. Sabi mo naman magkakilala kayo kaya siguro naman hindi ka mahihirapan sa bahay nila.”
Gusto kong matawa. Kung alam mo lang, manang. Pft.