PANIMULA
“Samara! TANGINA! Bakit ngayon ka lang umuwi?! Lumalandi ka na rin ba katulad ng magaling mong ina?!” sigaw ng aking ama.
Kakapasok ko pa lang sa bahay pero ‘yon na agad ang bumungad sa akin. Galing ako sa eskwelahan at ginabi na ako ng uwi. Sa kadahilanang graduating college student na ako at sobrang abala na ako sa mga gawain sa kurso na napili ko. Stress na nga ako sa mga ginagawa sa unibersidad, stress pa ang aabutan ko sa pamamahay na ‘to.
“Ano?! Hindi mo ako sasagutin?! Bastos ka, ah!” sigaw niyang muli nang ‘di ko siya pansinin.
Pagod na pagod ako at kulang sa tulog. Nanghihina ako na naglakad papunta sa hagdan. Nakita ko na si Mama na nakahilata sa sahig, bugbog-sarado na naman. Halos wala na akong maramdaman na emosyon ngayon. Hindi ko na rin naman alam kung paano pa ako nakakahinga sa mundo na ‘to.
“Talagang tinatarantado mo ako ah!”
“AH!”
Napasigaw ako sa sakit nang biglang hablutin ni Papa ang buhok ko at saka kinaladkad. Hinagis niya ako sa sahig. Gusto kong maiyak, pero ‘di ko magawa. Iisang anak lang ako pero ganito pa ang nararanasan ko sa mga magulang ko. Sobrang malas ko sa buhay na ‘to.
“Ronald, tama na… ‘Wag mong idamay si Samara rito,” rinig ko na sambit ni Mama. Kahit na hinang-hina na pati ang boses niya. Paga ang mukha at halos ‘di na maidilat ang isang mata. Nagdudugo rin ang kaniyang labi. Halatang kakatapos lang na saktan.
“Manahimik ka! Manang-mana sa ‘yo ‘tong anak mo. Siguro anak mo ‘to sa ibang lalaki, ‘no?! Mga malalandi kayo! Ang dumi-dumi niyo. Ikaw! Gumagaya ka pa d’yan sa basura mong ina na malandi! Uwi ba ng matinong babae ang ganitong oras, ha?! Ni hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa ‘yo, animal ka!”
Dinuro-duro pa niya ako. Hindi ko na kaya ang ginagawa at mga sinasabi niya sa akin. Tumayo ako at hinarap ko siya. Nangangalaiti na ako sa galit. Naghalo-halo na sa akin ngayon ang pagod, sakit, galit, at lungkot na nararamdaman ko.
“Tama na! Sawang-sawa na ako sa buhay na ‘to, sa pamilya na ‘to! Ni hindi nga lumalabas ng bahay si Mama, tapos sasabihin mo na lumalandi siya at nanglalalaki?! Baliw ka na talaga! Nag-aaral ako ng maayos para makapagtapos na at makalayas na sa puder mo, tapos aakusahan mo pa ako na lumalandi rin?! Ikaw ang hayop!” sigaw ko pabalik sa kaniya.
Sa araw-araw na ginawa ng Panginoon, ganito na lang palagi ang nangyayari sa buhay namin. Walang araw na lumipas na walang sigawan at sakitan na magaganap sa pamamahay na ‘to. Minsan lang ako saktan, pero mas madalas si Mama. Sinusubukan ko siyang tulungan, pero ayaw niya ako na madamay. Wala akong magawa para matulungan siya sa pangbubugbog na ginagawa sa kaniya.
Minsan naiisip ko, bakit hindi kinilala ni Mama ng husto ang lalaki na papakasalan niya. Bakit kailangan pa niyang magdusa ng ganito sa buhay niya. Hindi siya pwedeng magtrabaho. Halos ikulong na lang siya rito sa bahay dahil ayaw siyang palabasin ng hayop kong ama. Hindi mapakali ang ama ko kapag wala sa paningin niya si Mama. Ang hipokrito pa ng lalaki na ‘to, siya ang nahuli ni Mama noon na may kabit at nangbababae. Simula noon ay siya pa ang may gana na maghigpit kay Mama. Takot siya na baka gawin din ni Mama sa kaniya ‘yon o hiwalayan siya. Takot siya sa sarili niyang multo.
“Anong sabi mo?! Nahihibang ka na ba?! Kailan ka pa natuto na sumagot sa akin ng ganiyan?!”
Umamba siya na lalapit sa akin ngunit mabilis kong kinuha ang kutsilyo na nasa lamesa at itinutok sa kaniya. “Sige! Subukan mong lumapit sa akin! Hindi na ako magdadalawang-isip pa na isaksak ‘to sa ‘yo ngayon,” banta ko sa kaniya.
Gustong-gusto ko na siyang i-report sa mga pulis, ngunit hindi ko magawa. Nahihiya ako at natatakot na baka makarating sa paaralan na pinapasukan ko na ganito ang klase ng pamilya na mayroon ako. Ano ang gagawin sa mayaman na lalaki kung ganito lang din pala ang ugali sa pamilya? Maraming ari-arian si Papa na pinamana sa kaniya nila Lolo at Lola. Kaya kahit ‘di na magtrabaho si Papa ay may pera siya at ‘di na mauubusan pa. Kaya ang tanging libangan niya lang ay ang babae.
“Samara! Ibaba mo ‘yan at delikado ‘yan. Kailangan lang ng pahinga ng Papa mo,” awat naman sa akin ni Mama. Hindi ako makapaniwala na napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya na ‘yon.
“Ma, ano ba? Magbubulag-bulagan ka pa rin ba hanggang ngayon?! Ilang taon na tayo na ganito ang sitwasyon. Dalawang taon na! Hirap na hirap na ako. ‘Di ko na kaya. Kung hindi siya ang mamamatay sa araw na ‘to, buhay ko ang matatapos!”
“Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Samara. Kakausapin ko ang Papa mo. Ibaba mo na ‘yan — Ronald!”
Hinila ni Papa si Mama palapit sa kaniya at saka siya sinakal sa leeg. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatutok ang kutsilyo sa kaniya. “Sige, saksakin mo ako. Pero sisiguraduhin ko na isasama ko sa kamatayan ‘tong ina mo. Para ‘di na makakalandi dito. Mamatay na lang kaming dalawa!” sigaw pa niya sa akin.
Nakita ko na halos ‘di na makahinga si Mama. Nanginginig ang kamay ko na ibinaba ang kutsilyo at napaluhod na lang habang umiiyak. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang maiisip ko ngayon. Wala na akong magawa para matulungan pa si Mama na makatakas sa sitwasyon na ‘to.
“Sorry po. Pasensya na kung gabi ako nakauwi. ‘Di na po mauulit. Pasensya na po sa pagsagot ko sa ‘yo. Please, let Mama rest… Tigilan mo na ang pananakit mo sa kaniya. Ako na lang ang saktan mo. I can handle it,” pagmamakaawa ko sa kaniya.
Binitawan niya si Mama at saka siya uminom ng alak. “Umakyat na kayong dalawa sa taas. Bago pa magdilim ulit ang paningin ko sa inyo.”
Nang marinig ko ang mga salita na ‘yon ay agad na akong tumayo at inalalayan si Mama para umakyat sa kwarto. Ni-lock ko agad ang kwarto ko at saka niyakap si Mama na pinaupo ko sa kama. Umiiyak kaming dalawa… Hirap na hirap na sa sitwasyon na kinaroroonan namin ngayon.
Hinawakan ni Mama ang mukha ko at tiningnan pa kung may sugat ako o wala, habang umiiyak siya. “I’m so sorry that you have to experience this life, anak. Hindi ko gusto na ganito ang maranasan mo. Makakalaya rin tayo sa kaniya, okay?”
“Mama, ‘di ko na talaga kaya. Pagod na ako sa college. Pagod na ako pumasok sa mga klase. Halos ayoko nang lumabas pa rito sa kwarto ko. Natatakot na ako. Baka mas malala pa ang magawa niya sa ‘yo o sa akin sa mga susunod na araw. Delikado na tayo rito sa bahay, Ma. Kailangan na nating umalis o humingi ng tulong kina Lola.”
Umiling si Mama sa akin. Patay na ang mga magulang ni Papa. Ang magulang na lang ni Mama ang kamag-anak namin dito sa Pinas. Ang dalawang kapatid ni Mama na panganay ay nasa ibang bansa. Ayaw niya rin ipaalam sa kanila ang mga nangyayari sa buhay niya. Siguro dahil na rin sa ego niya.
“Matanda na sila, Samara. Hindi na dapat sila nai-stress pa sa mga problema ko. Ayoko na silang idamay dito. Pamilya ko ‘to kaya ako dapat ang mag-aayos. Just wait a little longer, okay?”
Hindi ko na siya sinagot pa. ‘Di na ako naniniwala sa mga salita ni Mama. Dahil sinabi na rin niya ‘yan sa akin noong nakaraan na taon. Pero hanggang ngayon ay naghihintay ako sa wala. Hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon na mayroon kami. Alam ko na ayaw niya rin na hiwalayan si Papa. Mahal pa rin niya ang lalaki na ‘yon kahit na ganito ang nararanasan namin. Gusto pa rin niya na umasa na magbabago si Papa.
Pinatulog ko na si Mama sa kama ko. Nakatulog naman siya agad. Ginamot ko ang mga sugat sa mukha niya. Antok at pagod na ako pero ‘di ko magawang matulog. Gusto kong bantayan ang mga sarili namin. Hindi ko alam kung kailan mababaliw ang ama ko at baka sugurin na naman kami rito sa kwarto.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naisipan ko na bumaba. Dahan-dahan lang ang tunog ko dahil baka mamaya ay nasa baba pa si Papa kahit madaling araw na. Minsan sa baba na siya natutulog, para lang masigurado na ‘di kami lalabas sa bahay ni Mama. Gano’n na siya kabaliw.
Habang pababa ako sa hagdan ay may bigla akong narinig na kakaibang tunog. Ang tunog ng dalawang katawan na nagbabangga at palakas nang palakas. Habang isang maliit na boses ng babae ang naririnig ko na tila umuungol.
“Oohhh… Uhhhh… S-Sir Ronald… Ang sarap hmm…”
Kilala ko ang boses na ‘yon. Siya ang parang sekretarya ni Papa na nag-aasikaso ng mga negosyo niya. Kaya pala hindi ko na siya masiyadong nakikita na pumupunta rito kapag hapon, dahil sa gabi na pala pumupunta. Iba na pala ang report na ginagawa kay Papa. Siya na pala ang bagong libangan ng walanghiya kong ama.
They are doing sèx in our house… Siya ang hindi makuntento sa isa pero binabaling niya sa Mama ko. Siya ang may kabit pero sinisisi niya si Mama. Siya ang may ibang babae at dinadala pa rito mismo sa bahay namin, pero kung umasta siya ay akala mo napakalinis niya at wala siyang ginagawang masama. Knowing damn well na siya lang talaga ang marumi sa pamilya na ‘to.
Umakyat muli ako sa kwarto at saka kinuha ang phone ko. Nangangalaiti na naman ako sa galit. Buo na ang desisyon ko. Hindi ako papayag na ‘di siya mapaparusahan sa mga ginawa niya sa amin. ‘Di ako papayag na siya lang ang masaya habang kami ni Mama ay nagdurusa.
I calles the police and reported everything that happened to me and my Mom. I’ve got proofs about his abuses to us. Naglagay na ako ng mga hidden cameras sa bahay namin noong nakaraan pa, kaya marami-rami na akong ebidensiya. Even his affairs, it’s all documented. Ito na ang araw na dapat na kaming lumaya sa kaniya…
This trauma that this man caused to me, I will never get over it. I swear to God that I will never ever need a man in my life forever. All men are the same.
They only want séx and they don’t know how to love truly. They don’t know how to stick to one person only. Men are sh!ts.