HINDI malaman ni Kurt kung maiinis o matutuwa kay Aya. Mas grabe kasi ang paglilihi ng asawa sa pang-apat nilang anak kumpara sa paglilihi nito sa kambal at kay Luke. Ayaw siya nitong katabi sa pagtulog pero dapat kapag magigising ito ay siya ang una nitong makikita. Ayaw rin nitong kumain ng ulam na may bawang at sibuyas pero laging nagpapaluto ng onion rings at gusto pang may piniritong bawang ang sawsawan! Kapag hindi nito nakikita ang mga bata ay nalulungkot ito. Kapag naman nasa bahay na ang mga anak nila, lagi naman nitong pinapatulog pagkatapos ay papanoorin ang mga ito sa pagtulog. May isang pagkakataon pa na sa sobrang panggigigil nito kay Luke ay natakot na rito ang bata. Umiiyak na nagsumbong sa kanya si Luke na nakakatakot daw ang mommy nito! Napapailing na lang siya

