NOONG bata si Kurt, ayon sa kwento ng mga magulang ay napakabait niyang anak. At sa pagkakaalam niya ay hindi niya binigyan ng konsumisyon ang mga magulang kaya nagtataka siya kung saan nagmana ng kalikutan at kakulitan ang mga anak nila ni Aya. Imposible namang kay Aya dahil napakabait ng asawa niya. Napapailing na lang siya habang pababa ng hagdan. Kasalukuyan siyang nagbibihis nang marinig ang pagsisigawan ng mga anak. Nasa isang business meeting pa naman ang asawa kaya wala pa ito sa bahay. "Eh, bakit kasi ayaw mo akong isama mag-play? Gusto mo lagi na lang kayo! Ang bad-bad mo! Porke't ikaw ang pinakamatanda gusto mo ikaw na lang laging nasusunod! Isusumbong kita kay Daddy para paluin ka niya sa puwet! Panget!" umiiyak na sigaw ni Mandy kay Sebastian. Si Sebastian naman ay nasa

