WARNING: TORTURE SCENES AHEAD. Wala ako sa aking sarili habang nakasakay ng taxi na maghahatid sa akin sa condo ni Sandro. Hindi ko maintindihan ang puso ko. Masaya ako dahil natuldukan na ang kung ano mang namamagitan sa amin ni Sanders. Ang ibig lang sabihin nun ay magkakaroon na ako ng katahimikan sa piling ng kakambal niya. Ang hindi ko lubos na matanggap ay ang ibayong sakit na nasa dibdib ko ngayon. Tila tumatanggi ang aking puso sa aking naging desisyon. Ngunit kinakailangan kong gawin ang tama. Kinakailangan kong mamili sa dalawa. Alam ko na tama lang na si Sandro ang piliin ko ngunit bakit tila linilito ako ng puso ko at sinasabi nitong mali na hindi si Sanders ang pinili ko. Naguguluhan na ako. Pakiramdam ko ay ansama-sama ko dahil nagmamahal ako ng dalawang tao. And worse, kamb

