Chapter 25

1451 Words

Apat na araw na akong hindi kinakausap ni Vin. Hindi siya kumakain ng kusa. Ni tignan ako ay ayaw niyang gawin. Ilang beses kong tinangkang humingi ng tawad sa pananakit ko sa kanya; sa pwersahan at marahas na pag-angkin ko sa katawan niya ng ilang beses dala ng labis na galit nung sabihin niyang iiwan niya na ako at babalik na siya kay Sandro; at sa ginawa kong pagpapanggap, pagpapaikot at pagnanakaw sa kanya mula sa kapatid ko, at higit sa lahat ang pagmamanipula ko sa buhay, isip at puso niya. Pero hindi ako mabigyan ng pagkakataon na makausap siya. Ayaw niya akong bigyan ng pagkakataon. Hindi madali ang umamin. Hindi madali na tanggapin ang pagkakamali. Ang hirap ilabas ng katotohanan na ginamit ko siya para pasakitan at paghigantihan ang kakambal ko... ang taong totoong mahal niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD