Iminulat ko ang namimigat kong mga mata. I was expecting na hindi ko maigagalaw ang mga kamay ko pero nagulat ako dahil hindi na sila nakaposas. Pati paa ko ay hindi na nakakadena. Napatingin pa nga ako sa mga ito para makasigurado. I hated Sanders for hurting me. Pero mas nagagalit ako sa kanya sa pagkukulong niya sa akin dito. Hindi pa ba sapat na nagawa niya akong lokohin at paglaruan sa nakalipas na limang buwan? Hindi pa ba sapat na paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na ayoko na dito at gusto ko na ang bumalik kay Sandro? Bakit pa ba niya ako ginaganito? "Vin..." narinig ko ang paos niyang boses. Hindi ko siya liningon. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang kausapin. Ayokong makinig sa sasabihin niya. Katulad din siya ni dad na pagkatapos akong alagaan saka niya ako ginamit at sinaktan.

