Chapter 27

1460 Words

Walong araw. Walong araw pa ang itinagal ko sa piling ni Sanders. At sa loob ng mga araw na ‘yun ay wala siyang ginawa kundi pagsilbihan ako. Tuwing umaga pagkamulat ko ng aking mga mata ay may nakahanda ng mainit na gatas. Tutulungan niya akong uminom at pupunasan ang taas ng labi ko. Magkakangitian kami ngunit alam kong sa kabila ng mga ngiti niya ay ang kalungkutang pilit niyang itinatago. Pagkatapos ng gatas ay susubuan niya ako ng pagkain, aalalayan patungo sa banyo, tutulungang maligo pati na rin ang magbihis. Susuklayin niya ng sobrang ingat ang buhok ko.. Then, bubuksan niya ang tv para makapanuod ako habang naghahanda siya ng meryenda at pananghalian namin. Pagkatapos naman ng tanghalian ay imamasahe niya ng banayad ang buong katawan ko para daw agad na bumalik ang lakas nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD