CHAPTER 02

1267 Words
Hindi niya alam kung bakit pero bahagya siyang kinabahan sa sandaling naghinang ang kanilang mga mata. Agad niyang binawi ang tingin rito at ibinalik sa screen ng cellphone. “Sira ka talaga! Nakakahiya tuloy,” saway niya kay Georgie. Tumawa lang ito. “Eh hindi ka naman maiintindihan niyan eh. Nagta-Tagalog ka kaya. Pero girl! Gwapo talaga! Silipin mo ulit!” Shocks! Ang lakas ng boses ng pinsan. Buti na lang at wala siya sa Pilipinas kung hindi ay napahiya na siya. Dahan-dahan niyang sinipat muli ang lalaki at napansing nakatutok na ito sa tablet na hawak. To be fair, gwapo talaga ng lalaki. “Ganyan dapat ang maging ideal man mo, Abbey! Hindi iyong si Jock. Gwapo nga at matalino pero iba naman ang gusto. D’yan sa mga ganyan ka dapat makipag flirt. Negosyante, mukhang mayaman at mas gwapo!” Napailing na lang siya. “Ay naku! Wala akong time makipag-hook up sa mga ganyan. Malay ko ba kung may asawa na.” “Walang wedding ring, girl! Kitang-kita ko mula rito.” Napalingon siyang muli. Isang ngiti ang sumilay sa mukha ng lalaki habang nakatitig sa tablet. Mukhang may nakakatuwa sa nabasa nito. Sinuyod niya ng tingin ang mga daliri ng lalaki. Mukhang tama ang pinsan. Walang singsing ito na suot. “Grabe ka. Pati daliri, pansin mo!” “Siyempre naman! Kaya naka-support ako sa’yo. Kung ganyan ang iuuwi mo dito sa New Jersey, sagot ko na ang wedding cake.” Napailing na lang siya sa kalokohan ng kausap. Alam niyang pinapagaan lang nito ang nararamdaman niya at nagtagumpay naman ito kahit papaano. Kahit anong usapin pa sa madrama niyang buhay ay lagi itong nakasuporta. Literal kasing madrama ang buhay niya. Pwede na nga yata siyang magpadala ng liham kay Ate Charo at Tita Mel. Mapa-lovelife at family life niya ay puro problema. Napabuntong hininga nang maalala ang kanyang Mama Zenny. No no no, Abbey! No time for drama today! Paalala niya sa sarili. Sapat na ang kasalukuyang wedding na dadaluhan niya para gawin siyang ‘emo’. Hindi na muna siya mag-iisip ng iba pang problema. Pero tila ganoon nalang kawalang simpatiya sa kaniya ang pagkakataon dahil bigla nalang nagtext sa kanya ang ina. Nagpaalam siya kay Georgie upang masagot ang mensahe ng ina. “Naku, girl. Problema na naman ba?” direktang tanong sa kanya ni Georgie. Alam na alam nga nito ang drama ng buhay niya. “Ano pa nga ba? Lahat naman ng message ni mama sa akin, kung hindi tungkol sa sustento eh problema sa pera,” hinanakit niya. Alam niyang masama ang talikuran ang pamilya. Pero kapag ganoong halos hindi rin naman niya ramdam ang gratitude ng mga ito sa kanya ay naiisip niyang huwag na lang sigurong kausapin ang mga ito. But she knew she can’t do that. Iniisip palang niya ang kanyang papa ay nadudurog na ang puso niya. Ito lang naman kasi ang nagmahal sa kanya ng totoo. At alam din niyang mahalaga para rito ang pamilya nila. Now, how can she abandon them without feeling guilt? “Hay naku, grabe talaga ‘yang nanay mo at dalawa mong kapatid. Hindi na naawa sa ‘yo. Problema nalang ang hatid lagi. Alam mo, kamukha mo naman talaga sana si Liza Soberano eh. Mukha kang mestisahin. Papasa ka ngang model kung hindi lang na-stressed nang bongga.” Napangiti nalang siya sa biro ni Georgie. She badly needed that laugh bago harapin ang bagong problemang hatid ng kanyang pamilya. Tinapos niya muna ang video call kay Georgie at saka tinitigan ang mensahe ng ina. Kung may tinatawag na demand letter, ang natanggap yata niya ay isang demand text message. Her mother just asked her to send sixty thousand pesos pampiyansa raw sa kapatid na napaaway. Pero alam niyang hindi lang basta pakikipag-away iyon. Isang basagulero ang kapatid. Maya’t maya ay nakakakita ito ng away. She took a deep breath before dialing her mother’s phone number. Ilang sandali pa ay kausap na niya ito. “Ipadala mo agad ang pera, Abbey. Hindi pwedeng matulog nang isang gabi sa kulungan si Bernie,” walang paligoyligoy na utos ng ina. “Grabe naman, Ma. Ang laking pera noon. Babayaran ko pa po ang tuition ni Freeda sa katapusan,” ang tinutukoy niya ay ang pinakabunsong kapatid na nag-aaral ngayon sa kolehiyo. “Anong gusto mo? Mabulok sa kulungan ang kapatid mo?” hiyaw ng kanyang ina. Ni katiting ay hindi niya ramdam na may pakialam ito sa kanya. Ayaw niyang isipin pero mukhang pera lang ang mahalaga rito. She mustered her strength as she tried to explain her side. “Kasi naman, Ma. Kung sana ay nagtatrabaho si Bernie ngayon ay hindi naman tayo magkakaproblema sa kanya. Kinukunsinti n’yo po kasi sa pagba-banda kay sa gamitin ang napag-aralang kurso.” “Sino ka para pangaralan ako ng ganyan? Dahil ba sa nakatungtong ka lang ng Amerika ay ganyan ka na umasta? Wala kang utang na loob!” Kagat labing pinigilan niya ang pag-iyak pero hindi pa rin niya nakayanan. Unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Dapat ay sanay na siya sa masasakit na salita ng ina pero hindi. Tumatagos lagi iyon hanggang sa kanyang buto. Natapos ang pag-uusap nilang mag-ina sa puntong um-oo na siya sa pagpapadala ng pera. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin tumigil ang pag-agos ng kanyang luha. “Excuse me, Ma’am.” Natigilan siya nang mapansing isang waiter ang nakatayo sa kanyang harapan. Dali-dali niyang pinunasan ng tissue ang kanyang mga luha. “Y-yes?” sagot niya sa lalaking waiter. Nalilito siya nang bigla nitong nilapag ang isang platito ng dark chocolate cake. Hindi kaya ito nagkakamali? Hindi kasi siya umorder ng iba maliban sa kinain niya kanina. “I’m sorry. I didn’t order—” “Courtesy of the gentleman at the next table. Also, he already paid your lunch,” pahayag ng waiter sabay turo sa lalaking nasa kabilang mesa. Oh my. Ang lalaking iyon ang parehong lalaking pinag-usapan pa nila ni Georgie kanina. The gorgeous man without a wedding ring. She was about to open her mouth when the man stood up. Nanlaki ang kanyang mga mata nang unti-unti itong lumapit sa kanyang mesa. Pinasalamatan muna nito ang waiter bago ito pinaalis. “I’m sorry. I just can’t help it...” anas ng lalaki. Kunot noong tiningnan ang lalaki. “What do you mean?” Inilapag ng lalaki ang isang puting panyo sa mesa. “I hate seeing a beautiful woman cry.” Iyon lang at tumalikod na ang lalaki. Naiwan naman si Abbey na nakamaang habang tinatanaw ang paglabas niyon sa restaurant. Wait. Did that man just call her a beautiful woman? Medyo weird nga ang nangyari. A random guy just gave her a food at binayaran pa ang kinain niya para lang pagaanin ang kanyang loob. Siguro kung para sa iba ay nakakatakot iyon pero sa kaloob-looban niya ay hindi siya nakaramdam ng kaba. He would have stayed and sweet talked her kung may intension itong iba sa kanya. But he didn’t. Siguro ay naaawa lang ito sa kanya. Nag-uumiyak ba naman siya roon. Hindi maikakaila na napagaan ng lalaki ang kanyang nararamdaman. Siguro nga mas kaya pa siyang pangitiin ng ibang mga tao kesa ng sarili niyang pamilya. Mas may malasakit pa ang ibang tao sa kanya. Naibaling niya ang tingin sa chocolate cake at panyo na nasa kanyang harap. A beautiful woman. Muli siyang napangiti. Sayang at hindi man lang siya nakapagpasalamat sa lalaki. Sana ay makasalubong niya itong muli bago siya umalis sa hotel na iyon. Sana man lang ay magkrus muli ang kanilang mga landas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD