CHAPTER 03

1167 Words
KAKABALIK lang ni Abbey sa kanyang hotel room nang makatanggap ng text message mula kay Monique. Kung pwede ba raw siya nitong puntahan sa suite nito. Hindi naman siya nag-atubili. Kahit kararating lang niya sa hotel at medyo pagod ay dapat pa rin niyang daluhan ang kaibigan. She’s the maid of honor in the first place. Nang marating ang suite ni Monique ay agad siyang kumatok. Pero ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makitang si Jock ang nagbukas niyon. “Abbey,” bati nito sa kanya habang nakatayo sa kanyang harapan. Napa-casual nitong tingnan sa suot na shirt and jeans. Ano kaya ang hitsura nito kapag nakasuot na ng tuxedo sa kasal? She immediately brushed off the notion inside her head and faced Jock. “H-hi! Si Monique?” “Nasa loob siya.” “Ah, sige. Puntahan ko muna.” Akma siyang papasok sa loob nang humarang ito sa pinto. “Uhm, Abbey…” Inangat niya ang mga mata at nakitang nakatitig sa kanya si Jock. Ramdam niya ang pag-aalilangan sa boses nito. Pero bakit naman kaya? “Ano ‘yon Jock?” usisa niya. Pero hindi agad sumagot si Jock. He just stared at her. Doon na siya nakaramdam ng pagkaasiwa. “What is it, Jock? May problema ba?” pag-uulit niya. Umiling ito. “Uhm, wala. Pero… pero pwede ba kitang makausap mamaya? I’ll meet you at the Lobby Bar later tonight at eight?” Hindi mapigilang makaramdam ng kaba si Abbey. “B-bakit Jock? Anong pag-uusapan natin?” “You’ll know later. Just please come.” “P-pero, Jock…” “Please, Abbey?” Hindi niya alam pero napatango na lang siya sa hiling nito. Ano kaya ang sasabihin sa kanya ni lalaki? Baka naman isang sikreto? Pero tungkol saan naman? Ayaw na kaya nitong magpakasal kay Monique? Gusto niyang matawa sa iniisip. Imposibleng aayaw ito sa kasal. Mahal nito si Monique. Pero kung ano man ang sasabihin ni Jock ay malamang importante talaga. Kaya nakapagdesisyon na siyang pumayag sa hiling nito. “Okay Jock, Lobby Bar tonight. At eight.” Mukhang nabunutan ng tinik na ngumiti sa kanya si Jock. “Salamat, Abbey. It would mean a lot to me. It’s just—” “Abbey?” Hindi na nakapagpatuloy sa pagsasalita si Jock nang biglang dumating si Monique. Agad itong lumapit at hinila siya papasok ng kwarto. “Kanina pa kita hinihintay, bes,” anas ng kaibigan habang iginigiya siya papasok. Hindi niya mapigilang mapalingon kay Jock dahil sa biglaang pagkaantala ng kanilang pag-uusap. Pero hindi na rin nagtagal at nagpaalam na ito kay Monique. May pupuntahan raw muna ito. Ilang sandali pa ay silang dalawa na lang ng kaibigan ang naiwan. “May kailangan ka, Monique?” tanong niya sa kaibigan. Puno ng antisipasyon ang mukha nang inilabas ni Monique ang isang malaking puting kahon. Nang buksan niya iyon ay agad niyang nakita ang isang puting traje de boda. Ball gown ang estilo ng damit na may long sleeves na yari sa lace. Sigurado siyang bagay na bagay iyon sa kaibigan. “Ang ganda! You’d be the most beautiful bride,” paninigurado niya rito. Sigurado siyang mamahalin ang wedding gown na iyon ni Monique. Well of course, makaka-afford naman din talaga ito. Kilalang negosyante ang ina ng kaibigan. May fragrance company ito sa California at Manila. Si Monique ang kanang kamay ng ina kaya pati ito laging bumabyahe pa-US at Pilipinas. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin naputol ang kanilang relasyon bilang magkaibigan. Kapag nakabase sa US si Monique ay nagkakaroon sila ng pagkakataong magkita paminsan-minsan. Malawak ang ngiting itinapat ni Monique ang damit sa sarili. “Talaga, Abbey? Naku! Sobrang kinakabahan na ako para sa kasal ko sa Sunday. What if something goes wrong? Ugh! Nakakastress!” Tinapik niya sa balikat ang kaibigan upang pakalmahin ito. Kahit pa napunta rito ang first love ay hindi naman niya nanaiisin na magkaroon ng problema sa kasal nito. She wants her friend to be the happiest that day. “Friday pa lang, Monique. Maihahanda pa natin lahat para maging perpekto ang kasal mo sa Sunday.” “But what if may mangyari? Di ba? Nakaka-anxious pala ang ganito.” “Oo naman. Pero normal lang ‘yon. Everything will be fine. I promise.” Pero imbes na maging mukhang relaxed ay isang nag-aalalang mukha ang napinta sa mukha ni Monique. Her friend suddenly held her hand. “Abbey, anong sinabi sa’yo ni Jock kanina? Parang ang seryoso kasi ng mukha niya?” “H-ha? Ah, w-wala naman.” s**t! Bakit hindi niya masabi kay Monique na nais siyang kausapin ni Jock mamaya? “Sure ka, bes?” Marahan siyang tumango. Wala pa rin naman din talagang sinabi sa kanya si Jock. Saka na siya siguro magkukwento kung maririnig na niya ang sasabihin ni Jock. “Bakit mo naman naitanong?” usisa niya. Nagkibit balikat si Monique. “Wala naman. Worried lang ako baka may problema.” Napangiti na lang siya sa kapraningan ng kaibigan. “Wag kang mag-alala. Magiging maayos ang lahat.” “Thanks, bes. Ah, s’ya nga pala. Bukas ng tanghali ang bridal shower. Umaga pa kasi dadating sina Mama at Papa pati na rin ang ibang mga bisita. Gusto ko nga sana ngayong gabi na kaso nagpapahintay sila.” Isang common na activity na ang bridal shower bago ang kasal. Pero dahil masaya iyon kaya siguro ayaw pumayag ng mga magulang nito na hindi makadalo. “Sure, Monique. Magiging masaya iyon, sigurado.” “Excited na nga ako eh. Si Camille ang naghanda ng program para sa bridal shower. Siya kasi ang nagpresenta.” Si Camille ay isa sa mga bridesmaid ni Monique. Kaibigan rin nila ito noon ni Monique noong college bago siya tumigil ng pag-aaral. Hindi na rin niya ito nakita simula noon. Bigla tuloy siya nakaramdam ng guilt. Siya kasi ang maid of honor pero hindi man lang siya nakatulong kay Monique sa kasal nito. “Pasensya nga pala? Hindi ako masyadong nakatulong sa paghahanda ng wedding mo,” paghingi niya ng paumanhin. “Naiintindihan ko naman, bes. Syempre ang hirap mag-leave sa trabaho mo. Kaya ayos lang.” “Pero masaya rin ako dahil dito sa Vegas ang kasal ninyo ni Jock. Makakapunta ako.” Inilapag ni Monique ang damit at saka umupo sa tabi niya. “Ayaw nga ni Jock noong una na dito kami ikasal eh. Kasi raw dapat sa Pinas na. Pero ‘yon ang gusto ko eh. Lalo na’t nandito ang maid of honor ko.” “Asus! Ako pa ang ginawang dahilan. Eh noon mo pa dream ang ikasal dito.” Tumawa si Monique. Mukhang hindi na nito maitanggi ang sinabi niya. “Oo na! Kilala mo talaga ko. Ah siya nga pala, Abbey. Magpapatulong sana ako sa pagbili ng wedding gift ko for Jock. I know it is weird pero gusto siyang bilhan. Pwede mo ba akong samahan mamayang gabi?” Natigilan siya sa request ng kaibigan. “Mamayang gabi?” “Bakit? May gagawin ka?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD