“Ang ganda mo girl!” bulalas ni Georgie nang makita siya. Kakatapos lang niyang magbihis at maglagay ng makeup. Kahit siya ay hindi na makilala ang mukha sa salamin. Dahil kaya sa sobrang daming stress na dinaanan lately kaya siya nagkaganoon? Hindi naman siguro. Malamang ay mas gumanda lang siya dahil in love. Charot! “Maganda na ako, noon pa, Georgie,” pabirong sagot niya sa pinsan. At lalong hindi siya gumanda dahil sa in love lang. She’s really done well sa pag-aayos ng sarili matapos maging leader ng mga Galvani. She learned on how to upgrade her sense of fashion para magmukhang mas karespe-respeto naman sa harap ng mga miyembro. She’s not a nobody anymore. She’s Signora Abegail Galvani. The head of the Galvani Family. “Basta! Iba ang aura mo ngayon. Nakakahalina,” dagdag pa ng

