I’ll do everything for you, Abbey. Hindi naman sa nagugulat si Abbey. Pero iba pa rin ang epekto ng kusang pagtulong ni Niccolo sa kanila. Sa wakas, nakita na nito kung gaano kasama ng ginagawa ng tinuturing nitong pamilya. Kaya naman ay ganoon nalang kaganda ang gising niya. Kakatapos lang niyang magkape sa paboritong veranda nang dumating si Georgie. “Naks! Ganda ng gising ah!” bati nito sa kanya. Hindi niya alam na pati ang mood ay nagra-radiate na sa hitsura niya. “Asus! Parang may kailangan ka ah? Panay puri,” pabiro niyang sagot sa pinsan. Natatawa itong tumabi sa kanya. “Wala naman akong kailangan sa’yo. Pero baka ikaw, may kailangan sa akin.” Napakunot siya ng noo. “Ano naman ‘yon?” Nakangiti ang pinsan sabay kindat pa sa kanya. “Hulaan mo.” She rolled her eyes. “Ikaw ha

