Mula sa di kalayuan ay muling pinagmasdan ni Niccolo ang babaeng nakatayo sa harap ng isang puntod. It wasn’t the first time that he saw her in front of a grave. Noong una ay umiiyak ito sa puntod ng kanyang kinilalang ama. Ngayon naman ay nakatayo ito sa puntod ng totoong lolo. Ang kaibahan nga lang ay kalong-kalong nito ang isang bata sa braso. Sa likod naman ng babae ay ang lalaking pinagkakatiwalaan nito ng buhay. Fuck! It should have been him. Kung hindi nga lang sila nagkaproblemang dalawa. Kung hindi nga lang sila naipit sa sitwasyon. Naalala niya ang hirap na pinagdaanan para protektahan ang babae. Umabot pa sa puntong kailangan nilang magpakasal. He was fond of her. No, it even came to a point that he loved her so much. Pero ganoon nalang kadali para sa babae na tumalikod. Hind

