Hindi mapakali si Abbey sa kinatatayuan. Sure Niccolo has done terrible things to her pero hindi naman umabot sa puntong gusto niyang may mangyari na masama rito. Niccolo is still Anthony’s father. Ano nalang ang sasabihin ng kanyang anak kapag umasta siyang walang pakialam? Don’t fake it Abbey. You still care. You still have feelings for him. Umiling-iling siya habang pinipilit na inaalis ang munting tinig na iyon sa kanyang isipan. Hindi iyon ang tamang panahon para usisain ang nararamdaman. He still hates him for what he has done. Pero iba naman ang usapan ngayong nasa bingit na ito ng kamatayan. “Are you okay?” Napaangat siya ng tingin at nakitang nakatayo roon si Jock. Hindi pa rin pala ito natutulog. His face looked so worried as he walked closer to her. “Sa gulo na nangyayari n

