NAKATAYO sa kanyang harapan pero hindi man lang alam ni Abbey kung anong sasabihin kay Niccolo. Nakaka-distract kasi ang simpleng khaki shorts nito na pinaresan ng white polo shirt. Model na model ang hitsura. Parang hindi isang mafia boss kung titingnan! Pero alam nga ba niya ang tunay na hitsura ng isang mafia boss? Ang pumapasok kasi sa isip niya ay tadtad ng tattoo ang katawan nito, nagyoyosi at masyadong brusko ang dating. Yes, Niccolo’s body is mouthwatering. ‘Yong tipong mapapakagat-labi ka. He also got a tattoo on his chest and arm pero hindi naman tadtad tulad ng mga nakikita niya sa mga pelikula. Ngunit hindi naman reliable ang impormasyon sa mga movies. Malamang ang tama roon ay ang katotohanang may bahid ng karahasan ang buhay ng mga may kaugnayan sa mundo ng mafia. “Today is

