Pinilit ni Abbey na 'wag magmukhang excited masyado kahit kumakabog na ang kanyang dibdib sa kaba. “And what if ayoko pa rin? Hahayaan mo akong umuwi?” “If that’s what you want. But I’m warning you, Abbey. I’m pretty intense once I set my goals. And for the next three days you will be that goal.” Masyadong maiksi ang tatlong araw para baguhin nang ganoon ang isip at puso. Masyado yatang malakas ang loob nitong si Niccolo. Baka inaakala ng mokong na ito na easy to get ako. Umayos siya! “Okay, three days. We could try that.” “Great.” Pero imbes na tantanan na siya ay nagsimulang lumapit pa nang husto ang mukha ni Niccolo sa kanya. Kapag gumalaw pa siya ay siguradong magtatama na ang mga labi nila. Sheeet! Lumakas tuloy ang kabog ng kanyang dibdib. Sinabayan pa iyon ng pag-init ng kany

