Hindi mapigilan ni Abbey na makaramdam ng kaba habang nakatitig sa kanya si Niccolo. Nasa gitna sila ng usapan kasama ang mga pulis pero ang mga mata ng lalaki ay tila ba naka-glue na sa kanya. Tungkol na sa seguridad nila ang usapan pero parang di ito interesado. “Yeah, we should move to another place. Somewhere safe,” sagot ni Yaya Cora sa suhestiyon ng mga pulis. Ayon kasi ng mga ito ay baka maulit ang mangyari kapag mananatili roon ang mga nakatira sa bahay. The police knew Niccolo’s involvement with the mafia kaya naman iginiit nila ang suhestiyon na iyon. “What do you think, Niccolo?” tanong ni Yaya Cora sa lalaki. Pero wala kay Yaya ang mga ni Niccolo kung hindi ay nasa kanya. Gusto niyang hampasin ito sa braso para lang tumigil na ito pero hindi niya magawa. Nakakahiya iyon. “S

