Nalulungkot si Abbey habang nakikitang hinahatid ng ambulansya si Luigi papuntang ospital. Mabuti nalang at hindi ito napuruhan. Tinamaan ito ng bala sa balikat habang pinoprotektahan si Niccolo. Nagkalat naman ang mga police sa bahay ni Niccolo na siyang crime scene ng nangyaring pamamaril. Kinukunan ng statement si Niccolo at Yaya Cora habang sina Abbey at Georgie ay nag-uusap sa labas ng bahay. Pinapakalma ni Abbey ang pinsan na hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin sa nangyari. “Abbey, ganito ba ang buhay mo ngayon rito sa Italy? Nakakatakot,” anas ng pinsan. Malungkot ang mukha nito at balot ng pag-aalala ang boses. Hinawakan niya ang kamay ng pinsan. “Alam ko ang iniisip mo, Georgie. Pero ‘wag kang mag-alala. Ayos naman ako. Ang totoo ay nahihiya ako sa’yo. I put your life into da

